Utos ba ng Diyos ang Pagpapatotoo na ginagawa ng Born Again?


Sabi po ng isang BORN AGAIN sa ating MESSAGE BOX:

Born Again:  Brod ito po ang isa ko pong napansin sa BORN AGAIN, Madalas po kase mag karoon ng sharing about sa life ng mga kaanib, madalas po kase sabihin na binago daw nila ang kanilang buhay sa pamamagitan ni lord, ito po ba ay nararapat pang sabihin sa harapang ng dios at sa mga tao, ang pag kakaalam ko po kase sabi ng biblia dapat ang kapurihan lamang ay sa ating panginoog dios lamang at wala ng iba, sana po magkaroon din kayo ng topic tungkol sa dyan,salamat po brod,”


---------------------------------------------

Isa sa pangkaraniwan ninyong mapapansin kapag ka kayo ay umatend sa FELLOWSHIP WORSHIP SERVICE ng mga tinatawag na BORN AGAIN CHRISTIAN, bukod sa napakahaba ng oras nito na kadalasa’y tumatagal ng apat na oras (Kung minsan ay higit pa) ay ang bahaging kung saan may patatayuin ang Pastor o Pastora sa harap, upang i-share o magpatototoo ang isang miyembro nila sa harap kung papaano binago ni Lord ang kanilang buhay, ito ang tinatawag nilang PAGPAPATOTOO o pagbibigay ng TESTIMONY.

Nung ako ay Born Again pa, isa sa aming Ka Brod noon ang tumayo sa harap at nagsabi ng ganito:

“Mga Brothers and Sisters, isa po akong dating adik at sakit ng ulo ng aking mga magulang, sugapa po ako sa alak at laging nasasangkot sa basag ulo, subalit ng binago ni Lord ang buhay ko. Kahit po pumunta kayo sa amin at ipagtanong ninyo kung sino ngayon ang pinakamatinong tao doon ay sasabihin nila na ako iyon.  Dahil napakalaki po ng aking naging pagbabago, naging matino na po ako, hindi na po ako nag-aadik at, kahit po magtanong pa kayo sa mga tao sa amin, sasabihin nila sa inyo na mabuting tao na po ako.”

Pagkatapos sumigaw ang Audience:  Amen, Alleluyah!!!!

Sa biglang tingin mo, animo’y ang Panginoong Diyos ang napapapurihan, pero ang hindi nila napapansin, ay PINUPURI na nila ang kanilang SARILI.

Kailan man ay hindi itinuro ni Cristo ng mga Apostol, ni ng buong Biblia, ang gawaing ito na PAGPUPURI sa sarili. Ang Panginoong Jesu Cristo man na puspos ng magagandang katangian kailan man ay hindi nag-angkin ng KAPURIHAN patungkol sa kaniyang sarili, narito ang katibayan:

Marcos 10:17  “At nang siya'y umalis na lumalakad sa daan, ay may isang tumakbong lumapit sa kaniya, at lumuhod sa harap niya, at siya'y tinanong, MABUTING GURO, ano ang gagawin ko upang ako'y magmana ng buhay na walang hanggan?”

Marcos 10:18  “At sinabi sa kaniya ni Jesus, BAKIT TINATAWAG MO AKONG MABUTI? WALANG MABUTI KUNDI ISA LAMANG, ANG DIOS.”

Kita ninyo iyan?  Si Cristo man ay hindi nag-angkin na sabihin ng sinoman na siya ay mabuti, para sa kaniya ay para sa Diyos lamang ang lahat ng kapurihang ito. Bahagi ito ng kaniyang pagtuturo tungkol sa kababaang loob- dahil kailan man ang pagpupuri na ipinapatungkol natin sa ating mga sarili ay hindi katanggap-tanggap sa Diyos:

Lucas 18:10-14 “May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay PARISEO at ang isa ay MANININGIL NG BUWIS.  Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito tungkol sa kaniyang sarili: ‘O DIYOS, NAGPAPASALAMAT AKO SA IYO SAPAGKAT HINDI AKO KATULAD NG IBA NA MGA MAGNANAKAW, MANDARAYA, MANGANGALUNYA, O KAYA’Y KATULAD NG MANININGIL NG BUWIS NA ITO.  DALAWANG BESES AKONG NAG-AAYUNO SA LOOB NG SANLINGGO AT NAGBIBIGAY RIN AKO NG IKASAMPUNG BAHAGI MULA SA LAHAT NG AKING KINIKITA.  Samantala, ang maniningil ng buwis nama’y nakatayo sa malayo at di man lamang makatingin sa langit.  Dinadagukan niya ang kaniyang dibdib at sinasabi, ‘O DIYOS, MAHABAG PO KAYO SA AKIN NA ISANG MAKASALANAN!  SINASABI KO SA INYO ANG LALAKING ITO’Y UMUWING PINATAWAD SA KANIYANG MGA KASALANAN, NGUNIT ANG UNA AY HINDI.  SAPAGKAT ANG SINUMANG NAGMAMATAAS AY IBABABA AT ANG NAGPAPAKUMBABA AY ITATAAS.”  [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

Hindi kailan man katanggap-tanggap sa harap ng Diyos ang ginagawa ng sinomang tao na PAGPUPURI sa SARILI, dahil para sa Kaniya ito ay isang uri ng PAGMAMATAAS, kaya nga kahit na totoo pa na talagang gumagawa tayo ng mabuti pero ito ay atin ipinagmamakaingay pa at ang nagiging resulta nga ay napupuri natin ang ating sarili, ay nawawalan ng saysay ang ating paggawa ng mabuti.

Ang aral po na itinuturo ng Panginoong Jesu Cristo ay KABABAANG LOOB, huwag nating pupurihin ang ating mga sarili, dahil mawawalan ng saysay ang ating ginagawang kabutihan kung ito nama’y ipinagmamakaingay pa natin sa iba.

Maliwanag po ang turo ni Cristo:

Mateo 5:14-16 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan.  Ang isang lunsod na nakatayo sa burol ay hindi maitatago.  Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan.  Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay.  GAYUNDIN NAMAN, DAPAT NINYONG PALIWANAGIN ANG INYONG ILAW SA HARAP NG MGA TAO UPANG MAKITA NILA ANG INYONG MABUBUTING GAWA AT PAPURIHAN ANG INYONG AMA NA NASA LANGIT.” [ABMBB]

Ito po ang maliwanag na sinabi ng Panginoong Jesus, kailangang ang MAKITA ng mga TAO sa atin ay ang ating MABUBUTING GAWA, sa gayo’y kanilang PAPUPURIHAN ang AMA na nasa LANGIT. 

Hindi po kailangan na IPAGSABI ito, tumayo sa isang STAGE, at sabihin sa tao ang KABUTIHANG NAGAWA…

Kailangan ang mga tao sa ating paligid ang makapansin sa ating MABUBUTING GAWA, sila po ang makakita nito na ating ginagawa sa gayo’y maging daan ito ng KAPURIHAN para sa ATING DIYOS.

At kailangan din namang hindi ito pakitang-tao lamang, na kaya lang natin gagawin ay para lang may maipakita tayo sa tao na tayo ay gumagawa ng mabuti:

Mateo 6:1 “Pag-ingatan ninyong hindi PAKITANG-TAO LAMANG ang paggawa ninyo ng mabuti. KAPAG GANIYAN ANG GINAWA NINYO, WALA KAYONG MATATAMONG GANTIMPALA BUHAT SA INYONG AMA NA NASA LANGIT.” [ABMBB]

Kaya po kailan man ay huwag nating PUPURIHIN ang ating sarili sa kanino man LALO NA SA HARAP NG DIYOS. Sapagkat ang KAPURIHAN ay PARA lamang sa AMA na siyang lumikha ng lahat ng bagay.

1 Timoteo 1:17  “Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, SA IISANG DIOS, AY ANG KAPURIHAN AT KALUWALHATIAN MAGPAKAILAN KAILAN MAN. Siya nawa.”

Ano man pong mabuting bagay na ating nagawa, palagi nating tatandaan, ang KAPURIHAN ay PARA sa Diyos lamang, HUWAG NA HUWAG po nating PUPURIHIN kailan man ang ating mga SARILI. HAYAAN PO NATING MAIKITA NG MGA TAO ANG ATING MABUBUTING GAWA NA GINAGAWA NATIN NG TAOS SA PUSO AT WALANG HALONG PAGKUKUNWARI.

Kaya po mali ang isinasagawa ng mga BORN AGAIN na kung tawagin ay PAGPAPATOTOOo pagibigay ng TESTIMNONY, na kung saan sinasabi nila sa tao ang kanilang mga nagawang kabutihan, na naging resulta daw ng pagbabago sa kanila ni LORD.

Iyan po ang dahilan, kung bakit wala kaming ganiyan sa IGLESIA NI CRISTO, dahil hindi po iyan utos ni Cristo at ng Panginoong Diyos na ating gawin.

Nawa ay naging malinaw sa iyo kaibigan ang ating naging tugon.



Isa pang paksain na may kinalaman sa BORN AGAIN, puntahan po ninyo ito:


Isa sa kanilang  paniniwala na sapat na ang sumampalataya lamang, sana po’y makatulong sa mga nagsusuri.

2 comments:

  1. May mga ibang tao talagang mas naniniwala sila sa kanilang kulturang kinagisnan o namanang paniniwala sa kanilang mga magulang, basta ang kanilang laging binibida kapag relihiyon ang paksang usapan, bukambibig nila na may pananampalataya sila sa dios, na tinaggap nilang savior ang panginoong jesus, may mga kulang sa gawa puro naman sila sa salita, napakadaling paraan ang gusto nilang pamantayan ng pagiging tunay na kristyano, kung ating iisipin lahat ng bagay ukol sa diyos ay gawing sa madaling paraan na lamang, lagi silang nananangan sa kanilang karunungan, o kanilang mga sariling paniniwala sa buhay, ang gusto nila ang nasusunod hindi ang kalooban ng diyos, nakakalungkot marami sa ating ang ganito ang paninindigan sa buhay,itama man sila makalaunan ang gusto nila ang nasusunod, bilang kaanib sa iglesia ni cristo ang pagmimisyon sa gawain ng diyos ay hwag nating pagsawaan, dito mas nalulugod ang diyos sa atin, sa tulong din ng mga gawain nakakaiwas tayo sa masamang tukso ng sanlibtan, ipagpanata rin natin na ang bawat paggawa natin ay naangkop sa kalooban ng maykapal, na sana lahat ay makasunod sa pamatayan ng utos ng diyos, magpakatatag tayo at lalo pang magpakasipag, hindi rin hadlang ang masamang panahon para lalo pa nating patunayan ang tunay na pag-ibig sa ating diyos..kaawaan nawa tayo ng maymkapal

    ReplyDelete
  2. The Casino Site Review 2021 - Lucky Club
    The Casino Site Review 2021 - Get Your First Deposit Bonus at the If 카지노사이트luckclub you are wondering whether the online casino site offers a safe, fair welcome offer, or  Rating: 3.9 · ‎Review by Lucky Club

    ReplyDelete