Anderson Vincent isang taga ADD na nag ka ligaw ligaw sa Juan 1:1 dahil sa BALUKTOK na pag kaunawa sa BIBLIA,
Puntahan natin ang Juan 1:1,
Joh 1:1 “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.”
Paborito ninyong gamitin ang talatang iyan sa pag-aakala ninyo na iyan ay mapagbabatayan ninyo na si Cristo ay nasa kalagayang Dios…subalit kung susuriin ang talata lumalabas na hindi naman talaga iyon ang tunay na kahulugan, dahil walang salungatan ang Biblia, at hindi kailanman sasalungatin ni Juan ang kaniyang sarili di gaya ng inyong punong kontra-kontra. Dahil maliwanag na isinulat ni Juan sa Juan 17:3 na iisa lamang ang tunay na Dios na walang iba kundi ang Ama na binabanggit naman sa 17:1, at isinulat din niya na ang dapat na makilalang ating Dios ay ang Ama gaya ng mababasa sa Juan 20:17, sapagkat sinabi ni Cristo na ang “inyong Ama at inyong Dios” at hindi niya kailanman ipinakilala na siya ang dapat kilalaning Dios, hindi lang sa aklat ni Juan kundi sa buong Biblia. Kapag tinanggap ko ang pagkaunawa mo sa talata na Dios si Cristo riyan maliwanag na kokontrahin niyan ang napakaraming talata sa Biblia na si Juan din ang sumulat na tumutukoy sa iisang Dios na walang iba kundi ang Ama.
Paano ba natin dapat unawain ang Juan 1:1,
Sa puntong ito hindi natin maiiwasan na balikan ang pagkakasulat ng talatang ito sa wikang griego,
John 1:1 “εν αρχη ην ‘ο λογος και ‘ο λογος ην προς τον θεον και θεος ην ‘ο λογος”
Ang verbo o “λογος” [logos] sa wikang Greek ay hindi kailanman mangangahulugan na Cristo o kaya ay Dios o tumutukoy sa Dios, dahil ang paliwanag ng Thayer’s Greek Dictionary ito ay walang iba kundi:
“ logos - a word, uttered by a living voice, embodies a conception or idea”
Samakatuwid ang Verbo o logos ay walang iba kundi “salita” na sinasalita, isang kaisipan o ideya…at hindi gaya ng inyong iniisip na ito’y isang nilikha na may sariling buhay o pagiral, o kaya isa pang Dios o si Cristo na nasa kalagayang Dios at existido na kasama ng Dios Ama, dahil magiging dalawa ang Dios at wala kang makikita sa Biblia na dalawa ang tunay na Dios ang marami ay ang mga diosdiosan o yung mga hindi tunay na Dios.
At sinasangayunan ng Biblia ang definition na ito ng Ditionary narito ang katibayan.
Isa 55:11 “Magiging gayon ang aking SALITA na LUMALABAS SA BIBIG KO: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.
Mat 4:4 “Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa BAWA'T SALITANG LUMALABAS SA BIBIG NG DIOS.”
Ang verbo o logos AY SALITA NA LUMALABAS SA BIBIG NG DIOS at hindi maaari na isa pang nilikha na may sariling buhay o kaya ay isa pang Dios na hiwalay sa Dios na nagsalita nito. Lalabas kung gayon na kung ipilit mo na si Cristo ang Verbo sa talata…mapipilitan kang patunayan sa akin na si CRISTO AY LUMABAS SA BIBIG NG DIOS…HIHINTAYIN KO IYAN…SAANG TALATA?
Kaya nga kung ating uunawain na ang tinutukoy na Verbo o salita sa Juan 1:1 ay ang isang Cristo na nasa kalagayang Dios na meron nang pre-existence ay magkakamali tayo. Lalabas na dalawa ang Dios, dahil sinabi rin sa talata na “ang Verbo ay sumasa Dios”, samakatuwid magkakaroon ng dalawang Dios na magkasama, at sasalungatin niyan ang pahayag ng Dios mismo:
Isaias 44:8 “Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. MAY DIOS BAGA LIBAN SA AKIN? oo, walang malaking Bato; AKO'Y WALANG NAKIKILALANG IBA.”
Dahil sa mula’t-mula ay walang nakikilalang ibang Dios ang Tunay na Dios at ang tunay na Dios ay ang Panginoon o ang Ama:
Jeremias 10:10 “Nguni't ANG PANGINOON AY TUNAY NA DIOS; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit.”
Isaias 63:16 “Sapagka't IKAW AY AMING AMA, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: IKAW, OH PANGINOON, AY AMING AMA, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.”
Maliwanag kung gayon na ang IISA at TUNAY na Dios ay ang AMA, wala siyang nakikilalang ibang Dios maliban sa kaniyang sarili, kaya nga sinabi rin niya ang ganito:
Isaias 46:9 “Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: SAPAGKA'T AKO'Y DIOS, AT WALANG IBA LIBAN SA AKIN; AKO'Y DIOS, AT WALANG GAYA KO;”
Napakaliwanag kapatid na sinabi ng Dios, NA WALANG IBANG DIOS LIBAN SA KANIYA, WALA SIYANG KAGAYA O KATULAD…kaya kung ipipilit mo ang mali mong pagkaunawa sa Juan 1:1…nakahanda ka bang itapon at talikuran ang mga pahayag ng Dios na iyan? At manindigan sa salungatan at kontrakontra mong paniniwala na itinuro sa iyo ng inyong Sugong Tagabasa?
Kaya balikan natin ang Juan 1:1, at unawain ng tama…
Maliwanag kong napatunayan na ang verbo ay hindi isang bukod na nilalang kundi ang salita ng Dios na lumalabas sa kaniyang bibig, kung kaya sinabi na ang Salita o verbo ay sumasa Dios, aba’y natural na hindi mo puwedeng paghiwalayin yung salita dun sa nagsalita…kung nasaan ung nagsalita ay nandun din yung kaniyang salita…e ikaw ba pag nagsasalita ka ang salita mo ay humihiwalay sa iyo? E kapag nagsasalita ka tapos yung tinig mo ay naririnig sa kabilang ibayo e hindi ka naman naka mic o tumatawag sa phone…e hindi kaya may sapi ka nun?
Tuloy………dito kasi kayo nalilito sa pahayag ni Juan na “ang verbo ay Dios”…kasi nga kulang kayo sa kaalaman…ano ba ang ibig sabihin ng talatang iyan…maliwanag na nating binasa kanina na ang Diyos ay walang katulad na isa pang Dios na kagaya niya…kaya kung uunawain natin na ang salita ay isa pang Diyos masasalungat niyan ang kataku-takot na pahayag ng Dios sa Biblia na WALANG IBANG DIOS LIBAN SA KANIYA. E bakit sinabi na ang “Verbo o salita ay Diyos”….alam mo brod kung ang banggit diyan ay “Ang Verbo ay ang Diyos” tapos na usapan…talagang maliwanag na maliwanag na Diyos nga ang Verbo…ngunit maliwanag na kapag ang isang salita ay sumusunod sa isang “adverb” gaya ng “was” sa English ito ay karaniwang sinusundan ng isang “adjective” o pang-uri…kaya nga sa English ay “AND THE WORD WAS GOD”…sa greek ito ay “theos” lamang at hindi “o’ theos”…at ayon sa mga dalubhasa sa wikang greek…kapag binabanggit ang salitang “o’ theos” ito ay tumutukoy sa tunay na Dios…at dahil sa ang banggit sa Juan 1:1 ay “theos” lamang…maliwanag na hindi ito tumutukoy sa tunay na Dios o sa isa pang Dios…
E bakit nga ba sinabi na “ang Verbo [o salita] ay Dios”…ang pagkagamit ng salitang Dios sa talatang iyan bagamat isang “noun” ay ginamit bilang isang “adjective” o pang-uri, samakatwid inuuri yung salita at inihahambing sa nagsalita na walang iba kundi ang Ama, ang tunay na Dios…
Ano ba ang katangian ng tunay na Dios?
Genesis 17:1 At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, AKO ANG DIOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.
Ang iisa at tunay na Dios ay makapangyarihan sa lahat, samakatuwid ang salita ay kauri ng Dios na Makapangyarihan…eto pruweba:
Lucas 1:37 “Sapagka't WALANG SALITANG MULA SA DIOS NA DI MAY KAPANGYARIHAN.”
Kauri ng Dios ang kaniyang SALITA, katulad niyang makapangyarihan, ito ang dahilan kaya sinabi na “ang Verbo ay Dios”…hindi para ipakilala na mayron pang bukod na Dios maliban sa Ama kundi uriin ang salita niya na tulad sa kaniyang may KAPANGYARIHAN…
Baka mangatuwiran ka…at sabihin mo…bakit puwede bang maging “adjective” ang isang “noun”?
Puwedeng-puwede kaibigan…tingnan mo ang example na ito:
“ANG ORAS AY GINTO”
O hindi ba maliwanag diyan na ang “ginto” ay isang “adjective” o panguri? Kasi kung ipipilit mo na dapat ay unawaain iyan bilang “noun”…lalabas ang oras ay tunay na ginto…sige nga isangla mo nga ang oras?
E bakit sinabing ang oras ay ginto? Kasi nga ang oras ay katulad ng ginto na mahalaga…parehong mahalaga
ganun din ang pahayag ni apostol Juan na kaya niya sinabi na “ang VERBO ay DIOS” ay sapagkat ang salita ng Dios ay katulad ng Dios na nagsalita dito na makapangyarihan…
Kaya nga may Bibliang isinalin ang Juan 1:1 ng ganito
“…and the word was divine”. “..ang salita ay banal”. Maliwanag na “pang-uri” o adjective…
(James Moffat and Edgar Goodspeed Bible)
Baka sabihin mo na naman na mga INC iyan?
Ang verbo brod…ay ang salita na ginamit ng Dios sa paglalang kay Cristo…paano ba nilikha ng Dios ang lahat ng bagay? hindi ba sa pamamagitan ng kaniyang salita…gaya ng mababasa
Heb 11:3 “Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ANG SANGLIBUTAN AY NATATAG SA PAMAMAGITAN NG SALITA NG DIOS, ano pa't ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita.”
Ang salita ring ito ang ginamit niya kaya nagkaroon ng Cristo, dahil sinabi ng Dios sa pamamagitan ng napakaraming hula o propesiya sa Biblia na si Cristo ay darating…at natupad nga ng siya’y ipagdalang-tao ni Maria…Ano katibayan na salita ng Diyos ang ginamit sa pagkakaroon ng Cristo?
Gal 4:4 “Datapuwa't NANG DUMATING ANG KAPANAHUNAN, AY SINUGO NG DIOS ANG KANIYANG ANAK, NA IPINANGANAK NG ISANG BABAE, NA IPINANGANAK SA ILALIM NG KAUTUSAN,”
Ano ba iyong kautusan kung saan naipailalim si Cristo?
Awit 78:1 “Makinig kayo, Oh bayan ko, sa AKING KAUTUSAN: ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa MGA SALITA NG AKING BIBIG.”
Ang kautusan ay ang salita ng Dios na ginamit sa pagsusugo sa Cristo…
Kaya kung ipipilit mo na ang VERBO o salita ay isa pang bukod na DIOS maliban sa Dios na siyang AMA, mapipilitan kang patunayan sa akin na Ang BIBLIA, ay DIOS din, dahil alam ko na hindi ka tututol na ang BIBLIA ay SALITA NG DIOS…
No comments:
Post a Comment