1 John 5:7 ng King James Version |
Hindi madali para sa iba na basta na lamang talikuran ang kanilang kinagisnang paniniwala sa Trinidad – Diyos na binubuo ng tatlong persona. Lalo na kung ang kanilang tagapagturo ay gumagamit din ng Biblia, at bilang isang Cristiano na naniniwala sa Biblia na hindi nagbibigay ng pagkakataong makapagsuri, ay nadadaya dahil sa ang inaakalang pinagbabatayan ng kanilang tagapangaral ay tumpak at totoo.
Isa rito ay ang pinakapopular na talata na pinagbabatayan nila na nagpapatunay diumano sa pagiging totoo ng TRINIDAD, ito ay ang nasa 1 John 5:7 ng King James Version:
1 John 5:7 “For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three are one.” [King James Version, 1769]
Sa Filipino:
1 Juan 5:7 “Mayroong tatlo na nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Verbo, at ang Espiritu Santo: at ang tatlong ito ay iisa.”
Ito ang madalas nilang gamitin, ang salin ng King James Version, at ganito rin ang pagkakasalin sa mga Bibliang ito:
1 John 5:7 “And there are Three who give testimony in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost. And these three are one.” [Douay Rheims Version, 1749-1752]
1 John 5:7 “because three are who are testifying in the heaven, the Father, the Word, and the Holy Spirit, and these--the three--are one;” [Young’s Literal Translation, 1862]
At dahil sa ganito ang nababasa sa mga Bibliang ating nabanggit ay naniniwala ang ilan na talaga ngang may patotoo ang Biblia tungkol sa kanilang pinaniniwalaang TRINIDAD, at ito ang dahilan kung bakit may mga tao na naninindigan na totoo ang paniniwala nila sa Diyos na may tatlong Persona.
Subalit ito ngayon ang nais naming mapansin ninyo: Bakit sa mga Bibliang ito ay ito ang nakalagay?
1 Juan 5:7 “At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.” [Tagalog-Ang Biblia, 1905]
1 John 5:7 “And it is the Spirit that beareth witness, because the Spirit is the truth.” [American Standard Version, 1897]
At sa mga Bibliang ito ay ganito naman ang nakalagay:
1 John 5:7-8 “There are three witnesses: the Spirit, the water, and the blood; and all three give the same testimony.” [Good News Bible, 1992]
1 John 5:7-8 “There are three witnesses: the Spirit, the water, and the blood. These three witnesses agree.” [God’s Word Version, 1995]
1 John 5:7-8 “For there are three that bear witness: the Spirit, the water, and the blood; and these three agree as one.” [English Majority Text Version, 2002-2003]
Kapansin-pansin na sa paglipas ng mga panahon ang mga nagsisipagsalin ng Biblia ay hindi na isinalin ang nasabing talata gaya ng pagkakasalin nito ng mga naunang Biblia, na tumutukoy sa Ama, Salita – Anak, at sa Espiritu Santo, na tatlong iisa.
Bakit kaya? Dahil kaya sa nagpalit na ng paniniwala ang mga nagsipagsalin ng mga Bibliang ito, kaya hindi na nila ito isinalin gaya ng pagkakasalin ng King James at iba pa? Hindi na kaya sila naniniwala sa TRINIDAD, kaya ganun?
Ano ba talaga ang dahilan? Sasagutin tayo ng mga aklat na ito:
“… The clearest testimony, the famous JOHANNINE COMMA, defended as authentic by the Roman authorities up to the turn of the century, an ‘INTERPOLATION’ into the first epistle of John, about Father, Word and Spirit, who are one, is generally regarded today as a FORGERY (originating in North Africa or Spain in the third or fourth century.” (Kűng, Hans. On Being a Christian. New York. Pocket Books, 1976.)
Sa Filipino:
“…Ang pinakamalinaw na patotoo, ang kilalang JOHANNINE COMMA, na ipinaglalabang tunay ng mga awtoridad Romano sa paglipas ng siglo, ay isang INTERPOLASIYON sa unang sulat ni Juan, tungkol sa Ama, Salita at Espiritu, na iisa, ay pangkaraniwan ng itinuturing ngayon na isang PAMEMEKE. (Nagsimula sa Hilagang Aprika o Espaniya noong ika-tatlo at ika-apat na siglo.”
Maliwanag na inaamin ni Hans Kűng, na ang JOHANNINE COMMA, (isang katawagan na tumutukoy sa 1 Juan 5:7), ay isang INTERPOLATION sa nasabing talata. Ano ba ibig sabihin ng interpolation?
“INTERPOLA'TION, n. A spurious word or passage inserted in the genuine writings of an author.” [Webster’s 1828 Dictionary]
Sa Filipino:
“INTERPOLASIYON, n. Isang pekeng salita o pangungusap na isinisingit sa tunay na isinulat ng isang may akda.”
Kaya maliwanag na ang 1 Juan 5:7 na kung saan mababasa ang Ama, Salita, at Espiritu Santo ay iisa, ay PEKE o PALSIPIKADO, at kaya nagkaroon nito ay sapagkat ito ay bunga ng PAMEMEKE [FORGERY] noong ika-tatlo at ika-apat na siglo sa Hilagang Aprika o Espaniya, samakatuwid wala ito sa orihinal na isinulat ni Apostol Juan noong Unang Siglo.
Eh ano naman ang masasabi ng SIMBAHANG KATOLIKO tungkol sa isyung ito?
“THE COMMA IS ABSENT IN ALL THE ANCIENT GREEK MANUSCRIPTS OF THE NT (New Testament) WITH THE EXCEPTION OF FOUR RATHER RECENT MANUSCRIPTS THAT DATE FROM THE 13TH TO 16TH CENTURIES. The Comma is lacking in such ancient Oriental versions as the Peshitta, Philoxenian, Coptic, Ethiopic, and Armenian … NO SCHOLAR ANY LONGER ACCEPTS ITS AUTHENTICITY.” (New Catholic Encyclopedia, vol. 7. Washington, D.C.: The Catholic University of America, 1967.)
Sa Filipino:
“ANG COMMA AY WALA SA LAHAT NG MGA SINAUNANG MANUSKRITONG GRIEGO NG BAGONG TIPAN, MALIBAN SA APAT NA BAGONG MANUSKRITONG NA MAY MGA TAONG IKA-13 AT IKA-14 NA SIGLO. Ang Comma ay wala sa mga sinaunang Silanganing Bersiyon gaya ng Peshitta, Philoxenian, Coptic at Armenian…WALA NANG ISKOLAR NA TUMATANGGAP SA PAGIGING TOTOO NITO.”
Maliwanag kung gayon na HINDI TOTOO ang nakalagay sa KING JAMES VERSION, at iba pang Biblia na isinalin ito ng gayon.
Maliwanag nilang INAAMIN NA ITO AY PEKE at WALA SA ORIHINAL na ISINULAT ni APOSTOL JUAN.
At lumitaw lamang ito noong ika TATLO hanggang ika –APAT na siglo.
Bakit ano ba ang nangyari noon?
1. Napagkaisahan at pinagtibay ang aral ng pagiging Tunay na Diyos ni Cristo noong 325 A.D.sa Konsilyo ng Nicea.
2. Napagkaisahan at pinagtibay din ang aral ng pagiging Diyos ng Espiritu Santo noong 381 A.D. sa Konsilyo ng Constantinople.
Kaya wala sa Biblia, ang aral na ito, dahil kailan man ay hindi ito itinuro ng Panginoong Jesus, ng mga Apostol, at higit sa lahat ng Panginoong Diyos mismo.
Kita ninyo, hindi sila nagkonsilyo para pagpulungan at pagkaisahan upang mapagtibay ang aral ng pagiging Tunay na Diyos ng AMA?
Matibay kasi ang ebidensiya at malinaw na mababasa sa Biblia ang KATOTOHANANG ito eh.
Eh ang pagiging Diyos ni Cristo at ng Espiritu Santo, wala sa Biblia, kaya kailangan pang MAGKONSILYO, at pagpulungan pa ito at pagkaisahan ng mga OBISPO ng IGLESIA KATOLIKA, na bihasa sa pagimbento ng aral. Ang masaklap nga lang ay MAGKAKAISA RIN LANG AY DOON PA SA HINDI TOTOO AT SA MALING ARAL PA.
Kaya kung meron pang naniniwala sa panahon natin ngayon na totoo ang nakalagay sa 1 Juan 5:7 sa King James Version at iba pa na isinalin ito ng gayon, ay maliwanag na ang mga ito ay naniniwala sa PEKE, at kabilang sa mga naloko at nalinlang.
Dahil kahit pagbalibaligtarin mo ang Biblia ay hindi mo mababasa ang aral tungkol sa TRINIDAD, maliban nang MAMEKE sila ng talata para naman kahit na papaano’y magkaroon sila ng batayan.
Kaawa-awang mga nilalang, sana magising sila sa katotohanan…at iwan ang maling paniniwalang ito.
No comments:
Post a Comment