Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw - Part 2


Ang Kauna-unahang Lokal ng INC sa Punta Sta Ana

Ating napag-aralan sa nakaraan na hinulaan ng Biblia na sinabi sa aklat ni Propeta Isaiasna ang Huling Sugo ay magmumula sa malayong bansa na binubuo ng mga pulo na nasamalayong silangan, na ito nga ay ang bansang PILIPINAS. At ang tungkulin ng Mangangaral ng Diyos na ito ay itinulad sa isang Ibong Mandaragit hindi upang pumatay kundi upangmagligtas sa pamamagitan ng pagdagit o pag-agaw sa mga anak na lalake at babae ng Diyos mula sa kapahamakan. Na ang tinutukoy nga na HILAGAAN at TIMUGAN na magtatangkang pumigil sa gawaing ito ng Sugo ay ang dalawang malalaking relihiyon nung panahong siya’y isugo, ito nga ang mga relihiyong Protestante at Katoliko. Subalit hindi sila pinahintulutan ng Diyos kung kaya ang kaniyang gawain ay tunay na nagtagumpay at ang naging bunga nga ay napakaraming mga Protestante at mga Katoliko ang nagbalik-loob sa tunay na pananampalataya at naging kaanib ng tunay na Iglesia.

Subalit may ilang tagapangaral ng relihiyon din ngayon na nagsasabi na ang mga sinasabi daw ng Iglesia ni Cristo na hula na natupad kay Ka Felix ay isa lamang daw pag-aangkin, dahil hindi daw ito maaaring maangkin ng isang partikular na tao lamang. Sapagkat hindi naman daw ang Iglesia ni Cristo lang ang relihiyong nagsimula o orihinal na lumitaw sa Pilipinas na nasa Malayong Silangan. Gaya halimbawa ng Iglesia Independiente o yung kilala sa tawag na Aglipayan Church, nandiyan din ang napakaraming mga grupo ng mga tinatawag na Born-Again Christians na laganap saanman sa Pilipinas, at ang pinakahuli nga ay ang mga kaanib sa grupo ng Ang Dating Daan na ang kanilang punong tagapangaral ay nagpapakilala ring sugo.

Subalit kung ating babalikan ang mga halimbawang ating ipinakita sa nakaraan tungkol sa katangian ng mga tunay na sugo ng Diyos gaya nina:  Apostol Pablo, Juan Bautista, at ang pinakadakilang sugo ang Panginoong Jesus, ating mapapansin na ang mga hula patungkol sa kanila ay hindi naman natupad sa iba, kundi sa kanila lamang.  Wala tayong mababasa sa Biblia na ang mga hulang tumukoy sa kanila ay mayroon pang ibang kinatuparang mga tao maliban sa tunay na pinag-ukulan ng mga hulang iyon. Kaya po imposible na matupad pa sa iba ang mga hulang patungkol sa Huling sugo na inihalintulad sa Ibong Mangdaragit na lumitaw sa malayong silangan. Ano pa ang katunayan na kay Kapatid na Felix Y. Manalo lamang naputad ang hulang iyon at hindi sa iba?

Dahil hindi lamang po ang dakong pagmumulan ang sinabi ng Diyos sa hula, kundi maging ang panahon ng kaniyang paglitaw at pagsisimula ng kaniyang gawain ay hinulaan din. At iyan po ang ating patutunayan ngayon…


Ang Panahon ng Paglitaw ng Huling Sugo

Kailan nga ba lilitaw ang sugong ito na magmumula sa malayong bansa na nasa Malayong Silangan? Ating tunghayan ang sagot ng Biblia:

Isaias 41:9  “Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;”

Ang sabi ng Diyos Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa”, may tinukoy ang Diyos na “mga wakas ng lupa” na pagmumulan ng kaniyang sugong itona ating natitiyak na hindi kailanman tutukoy sa isang dako o isang lugar, sapagkat wala namang lugar sa daigdig na tinatawag na mga wakas ng lupa at wala namang dakong wakas ang daigdig dahil ang mundo ay bilog, at di gaya noon na ang paniniwala ng tao ang mundo ay lapad gaya ng isang lamesa, na kapag ikaw daw ay naglakbay at nagpakalayo-layo sa dagat ikaw ay mahuhulog sa pinaka-hangganan o wakas nito. Maliwanag na hindi lugar ang sinasabi sa hula kundi ang panahon o kung kalian lilitaw ang sugong hinuhulaan.

Ano ba ang ibig sabihin ng mga wakas ng lupa?

Mateo 24:33  “Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.”

Mateo 24:3  “At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?”

Ang MGA WAKAS NG LUPA ay ang mga pangitain na ating makikita bago angKATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.  Ito ay ang mga palatandaan ng muling pagparito ni Cristo na tinawag ng Biblia na “mga pintuan” na ito’y mga bagay na kailangang maganap muna bago ang kawakasan. Bawat pintuan ay isang wakas, kung kaya tinawag na “mga wakas” ay sapagkat marami ang mga ito.

Anu-ano ang isa sa halimbawa ng mga wakas ng lupa?

Mateo 24:6-8  “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.  Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.”

Ang sabi ng Panginoong Jesus  “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan;” Isang digmaang aalingawngaw o mapapabalita sa buong daigdig.  Anong uring digmaan ito? Sabi pa niya: “Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian.” Maliwanag kung gayon na ang kaniyang tinutukoy ay isang uri ng Digmaang kakasangkutan ng mga bansa na isang uri ng Digmaan na hindi pa nagaganap sa panahon nung una, ang tinutukoy ng Panginoong Jesus ay ang Unang Digmaang Pandaigidig o kilala sa tawag na FIRST WORLD WAR.

Ang Unang Digmaang Pangdaigdig na naganap noong 1914

Samakatuwid ang ibig sabihin ng Diyos sa mga katagang: Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa”, ay tatawagin niya ang kaniyang sugong ito sa panahon ng mga wakas ng lupa at ang isa sa halimbawa na magaganap sa panahong ito sabi ng Panginoong Jesus ay Digmaang aalingawngaw at labanan ng mga bansa, na ito nga ay ang Unang Digmaang Pandaigdig o First World War.  Sa panahong ito lilitaw ang kaniyang huling sugo sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Kailan ba naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig na siya ring panahon o petsa ng paglitaw ng Huling Sugo ng Diyos?

The First World War was unlike any war in the past. …This was the first war in three dimensionsthe first war in which cities were bombed from the air and winged warriors fought among the clouds. Of course the airplanes of 1914 were not so fast, so formidable, nor so numerous as those of today. They were really more important as scouts (a kind of aerial ‘cavalry’), photographing enemy movements from above.” [World History, by Boak , Slosson, and Anderson, pages 478-479]

Sa Filipino:

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay hindi katulad ng anomang digmaan sa nakaraan. …Ito ang unang digmaan sa tatlong laranganang unang digmaan na ang mga lungsod ay binomba mula sa itaas at ang mga mandirigmang may pakpak ay nakipaglaban sa mga alapaap.  Mangyari pa na ang mga eroplano noong 1914 ay hindi gaanong mabibilis, hindi gaanong matitibay, at di gaanong marami kumpara sa ngayon.  Sila ay tunay na naging mahahalagang tagapagmanman (isang uri ng ‘kabayuhang’ panghihimpapawid), na kumukuha ng larawan ng mga kilos ng kalaban mula sa itaas.”

Maliwanag ang sagot ng aklat ng kasaysayan na noong taong 1914 sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig. 

Kalian naganap ang eksaktong petsa ng pagsisimula ng Digmaang ito?

“Servia’s answer was handed to the Austro-Hungarian ambassador at Belgrade on the afternoon of the 25th as it was the reply was term unsatisifactory and evasive and diplomatic relations were broken off the same evening. Preparations for war already well forward were vigorously pressed on the 27th and invation of Servia was begun and soon after Belgrade was bombarded.” [History of the World, Vol VIII, by Ridpath, page 3409]

Sa Filipino:

Ang sagot ng Serbia ay ipinasa sa ambahador ng Astro-Hungario sa Belgrade sa kinahapunan ng ika 25 na ito ay sagot na tinaguriang hindi kasiya-siya at umiiwas at ang relasyong diplomatiko at nasira nung gabi ring iyon.  Ang paghahanda sa digmaan ay maayos nang naisulong at puwersahang itinulak noong ika 27 ang paglusob sa Serbia ay nagsimula pagkatapos na bombahin ang Belgrade.”

Ika 27 ng anong buwan ito? Lilinawin sa atin ng Isa pang aklat Pangkasaysayan:

On July 27th, 1914after four weeks of threats, counter-threats, entreaties, offers, negotiations, denials, warnings and ultimatums, Austria declared war on Servia.” [Now God be Thanked, by John Masters, page 112]

Sa Filipino:

Noong Hulyo 27, 1914 pagkaraan ng apat na lingo ng pagbabanta, kontra-pagbabanta, mga kahilingan, mga panunuhol, mga negosasyon, mga pagkakaila, mga pagbababala at mga ultimatumnagdeklara ng digmaan ang Austria sa Serbia.”

Ang eksaktong petsa ayon sa aklat kasaysayan ay Hulyo 27, 1914. Ang Iglesia ni Cristo ay naitatag din at naparehistro sa Pamahalaan ng Pilipinas noong Hulyo 27, 1914 rin. Nagkataon lang kaya?  Hindi kailanman, sapagkat ito ay maliwanag na katuparan ng hula ng Diyos sa paglitaw ng kaniyang sugo sa huling araw na walang iba kundi si Kapatid na Felix Y. Manalo, na sinabi niyang kaniyang hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, na siya ring pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas. Isang kahayagan ng kapangyarihan ng Diyos at katibayan na totoo ang mga salita ng Diyos sa Biblia…at totoo ang pagiging sugo ng Ka Felix Manalo at pagiging tunay na relihiyon ng Iglesia ni Cristo.


Ang ipinang-alalay ng Diyos sa kaniyang Sugo

Ang pagsisimula ng gawain ng sugo ay hindi madali, dahil ang Kapatid na Felix Y. Manalo sa pagsisimula ng pangangaral niya ay nakaranas ng maraming mga pag-uusig, panunuya, panghahamak, mula sa mga kumalaban sa kaniya. At hindi ito kataka-taka dahil ito ay ibinabala ni Cristo na mangyayari:

Juan 15:19-21   “Kung kayo'y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan. Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y aking sinabi, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa aking pangalan, sapagka't hindi nila nakikilala ang sa akin ay nagsugo.”

Niliwanag ng Panginoong Jesus ang dahilan kung bakit pag-uusigin ang kaniyang tunay na mga lingkod, sabi nga niya’y:  Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din”.  Kaya nga ang Ka Felix ay nakaranas ng matitinding pag-uusig, hindi lamang siya kundi maging ang mga kaanib ng Iglesia na napangaralan niya noon, at niliwanag ni Cristo ang dahilan kung bakit: “ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa aking pangalan, sapagka't hindi nila nakikilala ang sa akin ay nagsugo.” Kaya sa kabila ng pag-uusig, panguupat, panghahamak na kaniyang dinanas noon ay hindi siya natakot, ni pinanghinaan ng loob dahil inalalayan siya ng Diyos na nagsugo sa kaniya:

Isaias 41:9-10  “Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;  Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.”

Hindi natakot ni nanglupaypay ang Ka Felix sa gitna ng maraming pag-uusig na gawa ng mga kumakalaban sa kaniya noon. Sapagkat siya’y pinangakuan ng Diyos na siya’y kaniyangtutulunganpalalakasin, at aalalayan. Ano ang ipinang-alalay sa kaniya ng Diyos?  Sabin g Diyos:  “aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.” Alin iyong katuwiran na ipinang-alalay ng Diyos sa kaniyang sugo?

Awit 119:172  “Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.”

Ang katuwiran ay ang mga salita o mga utos ng Diyos na ito ay ang evangelio o Biblia:

Roma 1:16-17 “Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.  Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”

Ang salita ng Diyos sa Biblia ang ipinang-alalay ng Diyos sa kaniyang sugo, kaya bagamat sa katotohanan siya ay isa lamang ordinaryong tao, mahirap lamang, at wala namang mataas na pinag-aralan, ay buong giting at husay na naipangaral niya ang Biblia, na nasaksihan ng mga kapatid man o hindi sa Iglesia. At dahil sa katangian niyang ito ay marami ang sumubok na makipagtunggali sa kaniya sa pamamagitan ng pakikipagdebate sa harapan ng maraming tao, nilabanan siya ng iba’t-ibang relihiyon sa layuning maipahiya sa madla. Subalit lahat sila ay nabigo. Bakit? Narito ang sagot:

Isaias 41:11-12  “Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo ay MANGAPAPAHIYA at MANGALILITO: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak. Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng bagay na wala.”

Hindi kailan man nanaig ang mga kumakalaban sa kaniya, lahat sila na nagnais na pabagsakin ang sugo at ang Iglesia ni Cristo ay hindi nagtagumpay.  Lahat ng kumalaban sa kaniya ay dalawa lamang ang kinauuwian: Napapahiya at Nalilito gaya ng sabi ng talata. Sapagkat hindi nila malaman kung papaano sila sasagot sa mga tanong ng Ka Felix, at hindi sila makapaniwala sa ipinakikita ng Ka Felix na husay sa paggamit ng Biblia at galing sa pangangatuwiran sa kabila ng katotohanang hindi siya nakapag-aral. Lahat ng kumalaban sa Sugo at sa Iglesia mula noong 1914 hanggang ngayon ay nagkawala na at nagsipanaw. Ang iba sa kanila ay ni hindi na kilala sa panahon ngayon. Natupad ang lahat ng hula ng Diyos at ang lahat ng mga pangako niya sa kaniyang sugo.  At kung meron pa sa kasalukuyan na muling magtatangka ay muli’t-muli ay matutupad ang ipinangako ng Diyos sa kaniyang Sugo at sa Iglesia ni Cristo.


Ang maaabot ng gawain ng Sugo

Hindi lamang ang dakong pagmumulan, panahon ng paglitaw, at tagumpay laban sa mga kakaaway, ang hinulaan ng Diyos na matutupad sa kaniyang Huling Sugo, kundi maging ang mararating ng kaniyang gawain. Hanggang saan ba makararating ang gawain ng sugo ng Diyos sa mga Huling Araw?

Isaias 43:5 “Huwag kang matakot, sapagkat ako'y kasama mo! Titipunin ko kayo mula sa DULONG SILANGAN hanggang sa KANLURAN, at ibabalik ko kayo sa inyong DATING TAHANAN.”   [Magandang Balita, Biblia]

Ang gawain ng sugo ay hindi lamang magsisimula sa Malayo o Dulong Silangan, kundi makakaabot hanggang sa kanluran. Sa madaling salita, ang gawain ng Sugo na magsisimula sa Pilipinas ay tatawid-dagat at makakaabot hanggang sa mga bansa na nasa Kanluran – at natupad ang hulang ito ng Diyos ng ang Iglesia ay nakarating sa Hawaii noong 1968, at pagkatapos noon ito ay unti-unting na itong lumaganap sa mga Estado ng America at maging sa bansang Canada at sa mga iba pang bansa na nasa Kanluran. At doon na nagsimula ang paglaganap sa buong daigdig ng Iglesia na nagmula sa Pilipinas.

Sinabi rin ng Diyos na kaniyang ibabalik ang gawain ng sugo sa kaniyang DATING TAHANAN, na ang tinutukoy ay ang JERUSALEM.

Psalms 132:13,.14  "Lord. you have chosen Jerusalem as your home: 'This is my permanent home where I shall live' , you said, 'for I have always wanted it this way.¨ (The Living Bible)

Ang dating tahanan ay ang Jerusalem, doon din naitatag ni Cristo noong Unang Siglo angUnang Iglesia ni Cristo na naitalikod ng mga bulaang propeta. Ngunit hindi pumayag ang Diyos na manatiling walang Tunay na Iglesia kaya siya nagsugo upang muling maitayo angIglesia ni Cristo. At natupad din ang hulang ito dahil muling nakabalik ang Iglesia ni Cristosa Jerusalem noong Marso 31, 1996 na nakapagtatag ng local o Kongregasyon doon sa pamamagitan ng pangangasiwa ni Kapatid na Erano G. Manalo ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia na siyang nagpatuloy ng gawaing ito ng Sugo nang ang Ka Felix ay pumanaw noong 1968.

Magpapatuloy at magtatagumpay ang Iglesia ni Cristo na pinangunahan ng Sugo ng Diyos sa huling araw. Sapagkat ang Iglesiang ito ay pinangaralan ng tunay na sugo ng Diyos at ang kaniyang tinaglay at itinataguyod na aral ay pawang mga katotohanan ng Diyos na mababasa sa Biblia.  Sa kasalukuyan ito lamang ang namumukod tanging relihiyon na galing sa Pilipinas na itinuturing na isa sa pinakamahirap na bansa sa daigdig, ngunit lumaganap sa buong mundo. Ang mga kaanib ng Iglesia ngayon ay lumaganap na sa mahigit ng 80 bansa sa diagdig at ang mga kaanib nito ay binubuo na ng mahigit 100 lahi na ng mga tao.

Nagtagumpay ang Iglesia sapagkat ito’y hindi kagagawan ng sinomang tao, kundi gawa ng mga kamay ng Makapangyarihang Diyos na walang makakapigil. Gaya nga ng sabi ng Diyos:

Isaias 43:13  “Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil?

Sa susunod atin pang tatalakayin ang Iba pang mga hula sa Biblia na nagpapatunay ng pagiging sugo ng Kapatid na Felix Y. Manalo, at pagiging tunay na Iglesia ng Iglesia ni Cristo.

…Itutuloy.

No comments:

Post a Comment