Banal na Hapunan sa Umaga?



“Bakit ang Banal na Hapunan ng INC ay ginagawa sa UMAGA? Hapunan ‘yon, diba?”

SAGOT: Malaki ang pagkakaiba ng BANAL NA HAPUNAN sa ORDINARYONG HAPUNAN, kaya tayo kumakain ng hapunan, ay upang tayo ay “MABUSOG”, upang maibsan ang ating gutom. Iba ang Pagbabanal na Hapunan, hindi ito isinasagawa para tayo ay mabusog.

Niliwanag iyan ni Apostol Pablo:
1 Corinto 11:20 “Kaya’t sa inyong pagtitipon, hindi BANAL NA HAPUNANng Panginoon ang kinakain ninyo. [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

1 Corinto 11:21 “Sapagka't sa inyong pagkain, ang bawa't isa'y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba; at ang isa ay gutom, at ang iba'y lasing.”

1 Corinto 11:22 “ANO, WALA BAGA KAYONG MGA BAHAY NA INYONG MAKAKANAN AT MAIINUMAN? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.” 


Inakala ng mga unang Cristiano noong una na ang BANAL NA HAPUNAN, ay katulad ng ordinaryong hapunan na KAINAN at INUMAN, kaya ang IBA AY NAGPAPAUNA SA PAGKAIN, at ang iba naman ay NALASING sa kaiinom ng katas ng UBAS. Kaya nga sabi ni PABLO ay: ” ANO, WALA BAGA KAYONG MGA BAHAY NA INYONG MAKAKANAN AT MAIINUMAN?” Kasi nga hindi naman ORDINARYONG HAPUNAN iyon eh na kaya ka nanduduon ay KAKAIN ka hanggang gusto mo para ikaw ay MABUSOG. 

Kaya nga ang TAGUBILIN ni Pablo ay:
1 Corinto 11:34 “KUNG MAY NAGUGUTOM, KUMAIN NA MUNA SIYA SA BAHAY upang hindi humantong sa hatol na kaparusahan ang inyong pagtitipon. Tungkol naman sa ibang mga bagay, saka ko na aayusin pagdating ko riyan.” [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

Kaya maliwanag na hindi ORDINARYONG HAPUNAN, ang BANAL NA HAPUNAN, kasi nga kailangan kung nagugutom ka KUMAIN KA MUNA SA BAHAY, dahil hindi ka pupunta sa BANAL NA HAPUNAN para mabusog.

Ano ba ang BANAL NA HAPUNAN, Bakit ba natin ito isinasagawa?
1 Corinto 11:24 “At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: GAWIN NINYO ITO SA PAGAALAALA SA AKIN.”

1 Corinto 11:25 “At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: GAWIN NINYO ITO SA TUWING KAYO'Y MAGSISIINOM, SA PAGAALAALA SA AKIN.”
 

Ang PAGKAIN NG TINAPAY at ang PAG-INOM SA SARO o ng KATAS NG UBAS, na bahagi ng PAGBABANAL NA HAPUNAN ay ginagawa upang ALALAHANIN ANG PANGINOONG JESUCRISTO. Hindi para MAGHAPUNAN ng LITERAL na kaya ka kakain noon ay PARA MABUSOG KA.

PAG-AALAALA iyon kay Cristo, kaya puwede nating GAWIN, kahit sa UMAGA, TANGHALI o maging sa GABI. Ang “BANAL NA HAPUNAN” ay ang PANGALAN na itinawag sa gawaing ito ng PAG-AALALA SA KANIYA.

Kaya HINDI APPLICABLE ang “ELEMENT OF TIME” sa pangalang o katawagang ito. Katulad ng mga halimbawa sa ibaba ng mga KATAWAGAN o SALITA na hindi APLIKABLE ang TINATAWAG NA “ELEMENT OF TIME”…

Katulad ng “SIMBANG GABI” na isinasagawa sa MADALING ARAW

Katulad ng salitang “MIRIENDA” na sa English ay AFTERNOON TEA, na puwede ring GAWIN SA UMAGA.

Ang salitang “NIGHT GOWN”, ay hindi nangangahulugang sa GABI MO LANG PUWEDENG ISUOT iyon. At kapag isinuot mo sa UMAGA ay hindi na siya NIGHT GOWN.

Iyong MUTA SA MATA na tinatawag sa ENGLISH na MORNING GLORY, pero hindi nangangahulugan na sa UMAGA ka lang puwedeng magkaroon nun.
Sana nakatulong sa mga nagsusuri…

No comments:

Post a Comment