Felix Manalo an Angel and Jesus Christ a Human, How Come?


Most of our detractors such as Catholic Defenders, anti-INC Blogs and websites, etc. have a means of leading non-INC member’s minds into the wrong direction.  Most of them will attack the INC’s doctrines based upon their wrong understanding and wrong interpretations of the Bible.  One of the most popular and most favorite of these people were the INC’s doctrine regarding the fulfillment of the “another angel” mentioned inRevelations 7:2, which we believed was fulfilled in the person of Brother Felix Y. Manalo, and since we also believed that Jesus Christ is not God but human, they have devised a means of deceiving those people who do not have a single knowledge of the INC’s teachings and thereby convince them to hate us, because they said we are placing Bro. Felix Y. Manalo in a stature higher than our Lord and Saviour Jesus Christ.

How they do it?

At first they will use this passage:

Hebrews 2:9  “But we do see Jesus, who for a little while was made lower than the angels, so that through God's grace he should die for everyone. We see him now crowned with glory and honor because of the death he suffered.” [Good News Bible]

Then they would exclaim: 

“See my dear friends? The Bible is clearly saying that Jesus was made lower than the angels, and since they believe that Felix Manalo is an angel, therefore theIglesia ni Cristo is teaching their members that Felix Manalo is higher than our Lord Jesus Christ, such a Blasphemy!!!”

Of course the innocent minds that would listen to this or read this will be convinced, since the argument that is being brought upon is quite convincing and sounds real, with asupporting verse that will add more as a plus factor.

But only if those people will give us the chance to explain, they would be able to discern that this is just a product of misunderstanding and misinterpretation of the INC’s teachings.

How do we counter this wrong notion? Let us start by answering this question:

Is the angel mentioned in Hebrews 2:9  that is said to be higher than Jesusis the same type of angel mentioned in Revelations 7:2?

Let us first find out what type of angels are being referred to in Hebrews 2:9 which are said to be higher than Jesus.

Hebrews 1:14  What are the angels, then? They are spirits who serve Godand are sent by him to help those who are to receive salvation.” [GNB]

The angels being referred to by the book of Hebrews which are considered higher than Jesus are spirits in nature.

By this point we can already understood that it is just their wrong interpretation, because never the INC taught that Bro. Felix Manalo is spirit in nature, because he is a human being, and a human is different from a spirit as Jesus explained:

Luke 24:39  “Behold my hands and my feet, that it is I myself: handle me, and see; for a spirit hath not flesh and bones, as ye see me have.”  [King James Version]

So it’s quite clear then that the only reason why Jesus is lower than the angels as mentioned in Hebrews 2:9 is because Jesus’ nature is human, he had flesh and bones, and angels are spirits. And since Bro. Felix Y. Manalo is just an ordinary human and not a spirit in nature, it is quite clear also that the truth that the INC never teached and never ever regarded him or considered him as higher than Jesus Christ. Because no other human being could be higher than Jesus. The truth is, it’s only the nature of Jesus that is considered lower than the angels, but the glory and power given to him by God, and the position that he holds in heaven made him higher than the angels.

That is proven by the scriptures:

1 Peter 3:22  “Who is gone into heaven, and is on the right hand of God; ANGELS and authorities and powers BEING MADE SUBJECT UNTO HIM.” [KJV]

See my dear friends, Jesus is higher than the angels by the GLORY, RIGHTS and POWER, given to him by God the Father, and because of this the angels were commanded to worship him:

Hebrews 1:6  “But when God was about to send his first-born Son into the world, he said, "All of God's angels must worship him." [GNB]

So if we’re going to go back with their argument, since Bro. Felix Y. Manalo is an angel as the way they understood it, and from this verse it is clearly stated that God commanded the angels to worship Jesus, that would appear then that Jesus is indeed higher than Bro. Felix after all, isn’t it?

But what kind of an angel is Bro. Felix Y. Manalo?  It is quite clear to everyone that he is only a human being and not spirit in nature.  Can a human being be called an angel?


The Meaning of the word “Angel”

This is what our detractors seem to have overlooked, the meaning of the word “angel”, from which they would avoid saying, try to ask them, “what is the meaning of this word”? And look at the reactions in their faces.  Because if they would tell you it’s true meaning, you will be able to caught them that what they’re saying is just an act of prejudice against the INC. That’s why even you squeeze them they will never tell you.

What is the meaning of the word “angel” then?

Angel - A word signifying, both in the Hebrew and Greek, a “messenger,” and hence employed to denote any agent God sends forth to execute his purposes. It is used of an ordinary messenger (Job_1:14; 1Sa_11:3; Luk_7:24; Luk_9:52), of prophets (Isa_42:19; Hag_1:13), of priests (Mal_2:7), and ministers of the New Testament (Rev_1:20)… The name does not denote their nature but their office as messengers.[Easton’s Bible Dictionary]

The word “angel” simply means either in Hebrew and in Greek a “messenger”, and the dictionary clearly emphasized that: The name does not denote their nature but their office as messengers”, so it is not wrong then to call a human being an angel, since that name got nothing to do with their nature, but their office or positions as messengers sent by God.  The dictionary had given the ministers as one of the example that can be called an angel.

Our detractors again would say:

 “Why are you basing your interpretation in a Dictionary”?

So we need a Biblical proof  to support this, and so we must find one…

And here it is:

Mark 1:2-3  “As it is written in Isaias the prophet: Behold I send my ANGEL before thy face, who shall prepare the way before thee.  A voice of one crying in the desert: Prepare ye the way of the Lord; make straight his paths.” [Douay Rhimes Version]

This passage clearly called someone here an “Angel”, which is mentioned in the prophecy of Prophet Isaiah which says: A voice of one crying in the desert: Prepare ye the way of the Lord; make straight his paths” , and who was this angel?  Was this fellow a spirit in nature?

Read these for yourself:

John 1:19, 23  “And this is the testimony of John, when the Jews sent from Jerusalem priests and Levites to him, to ask him: Who art thou?...He said:I am the voice of one crying in the wilderness, make straight the way of the Lord, as said the prophet Isaias.” [DRV]

It was John the Baptist, my dear friends was the angel mentioned in Mark 1:2-3.  A very clear example of the Bible, that indeed what is mentioned by the dictionary is Biblically true and accurate: that the word “angel” does not denotes the nature of being but the office or positions as messenger of God.

That’s why also we can find a Bible Translation that used the word “messenger” instead of “angel” in Revelations 7:2:

Revelations 7:2  “and I saw another MESSENGER going up from the rising of the sun, having a seal of the living God, and he did cry with a great voice to the four messengers, to whom it was given to injure the land and the sea, saying,” [Young’s Literal Translation]

This will prove once again the Biblical accurateness of the INC’s teachings on this issue, and will placed our detractors again and as usual, in grave humiliation and shame.

So the next time an anti-INC fellow opens you this argument, ask him right away “What is the meaning of the word angel?”, believe me you’re at a great advantage…because this would surely cut the argument short…

Tungkol sa 1 Juan 5:7


1 John 5:7 ng King James Version

Hindi madali para sa iba na basta na lamang talikuran ang kanilang kinagisnang paniniwala sa Trinidad – Diyos na binubuo ng tatlong persona.  Lalo na kung ang kanilang tagapagturo ay gumagamit din ng Biblia, at bilang isang Cristiano na naniniwala sa Biblia na hindi nagbibigay ng pagkakataong makapagsuri, ay nadadaya dahil sa ang inaakalang pinagbabatayan ng kanilang tagapangaral ay tumpak at totoo.

Isa rito ay ang pinakapopular na talata na pinagbabatayan nila na nagpapatunay diumano sa pagiging totoo ng TRINIDAD, ito ay ang nasa 1 John 5:7 ng King James Version:

1 John 5:7  “For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three are one.” [King James Version, 1769]

Sa Filipino:

1 Juan 5:7 “Mayroong tatlo na nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Verbo, at ang Espiritu Santo: at ang tatlong ito ay iisa.”

Ito ang madalas nilang gamitin, ang salin ng King James Version, at ganito rin ang pagkakasalin sa mga Bibliang ito:

1 John 5:7  “And there are Three who give testimony in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost. And these three are one.” [Douay Rheims Version, 1749-1752]

1 John 5:7  “because three are who are testifying in the heaven, the Father, the Word, and the Holy Spirit, and these--the three--are one;” [Young’s Literal Translation, 1862]

At dahil sa ganito ang nababasa sa mga Bibliang ating nabanggit ay naniniwala ang ilan na talaga ngang may patotoo ang Biblia tungkol sa kanilang pinaniniwalaang TRINIDAD, at ito ang dahilan kung bakit may mga tao na naninindigan na totoo ang paniniwala nila sa Diyos na may tatlong Persona.

Subalit ito ngayon ang nais naming mapansin ninyo:  Bakit sa mga Bibliang ito ay ito ang nakalagay?

1 Juan 5:7  “At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.” [Tagalog-Ang Biblia, 1905]

1 John 5:7  “And it is the Spirit that beareth witness, because the Spirit is the truth.” [American Standard Version, 1897]

At sa mga Bibliang ito ay ganito naman ang nakalagay:

1 John 5:7-8  “There are three witnesses: the Spirit, the water, and the blood; and all three give the same testimony.” [Good News Bible, 1992]

1 John 5:7-8  “There are three witnesses: the Spirit, the water, and the blood. These three witnesses agree.” [God’s Word Version, 1995]

1 John 5:7-8  “For there are three that bear witness: the Spirit, the water, and the blood; and these three agree as one.” [English Majority Text Version, 2002-2003]

Kapansin-pansin na sa paglipas ng mga panahon ang mga nagsisipagsalin ng Biblia ay hindi na isinalin ang nasabing talata gaya ng pagkakasalin nito ng mga naunang Biblia, na tumutukoy sa Ama, Salita – Anak, at sa Espiritu Santo, na tatlong iisa.

Bakit kaya? Dahil kaya sa nagpalit na ng paniniwala ang mga nagsipagsalin ng mga Bibliang ito, kaya hindi na nila ito isinalin gaya ng pagkakasalin ng King James at iba pa? Hindi na kaya sila naniniwala sa TRINIDAD, kaya ganun?

Ano ba talaga ang dahilan?  Sasagutin tayo ng mga aklat na ito:

“… The clearest testimony, the famous JOHANNINE COMMA, defended as authentic by the Roman authorities up to the turn of the century, an ‘INTERPOLATION’ into the first epistle of John, about Father, Word and Spirit, who are one, is generally regarded today as a FORGERY (originating in North Africa or Spain in the third or fourth century.” (Kűng, Hans. On Being a Christian. New York. Pocket Books, 1976.)

Sa Filipino:

“…Ang pinakamalinaw na patotoo, ang kilalang JOHANNINE COMMA, na ipinaglalabang tunay ng mga awtoridad Romano sa paglipas ng siglo, ay isang INTERPOLASIYON sa unang sulat ni Juan, tungkol sa Ama, Salita at Espiritu, na iisa, ay pangkaraniwan ng itinuturing ngayon na isang PAMEMEKE. (Nagsimula sa Hilagang Aprika o Espaniya noong ika-tatlo at ika-apat na siglo.”

Maliwanag na inaamin ni Hans Kűng, na ang JOHANNINE COMMA, (isang katawagan na tumutukoy sa 1 Juan 5:7), ay isang INTERPOLATION sa nasabing talata.  Ano ba ibig sabihin ng interpolation?

“INTERPOLA'TION, n.  A spurious word or passage inserted in the genuine writings of an author.” [Webster’s 1828 Dictionary]

Sa Filipino:

“INTERPOLASIYON, n. Isang pekeng salita o pangungusap na isinisingit sa tunay na isinulat ng isang may akda.”

Kaya maliwanag na ang 1 Juan 5:7 na kung saan mababasa ang Ama, Salita, at Espiritu Santo ay iisa, ay PEKE o PALSIPIKADO, at kaya nagkaroon nito ay sapagkat ito ay bunga ng  PAMEMEKE [FORGERY] noong ika-tatlo at ika-apat na siglo sa Hilagang Aprika o Espaniya, samakatuwid wala ito sa orihinal na isinulat ni Apostol Juan noong Unang Siglo.

Eh ano naman ang masasabi ng SIMBAHANG KATOLIKO tungkol sa isyung ito?

“THE COMMA IS ABSENT IN ALL THE ANCIENT GREEK MANUSCRIPTS OF THE NT (New Testament) WITH THE EXCEPTION OF FOUR RATHER RECENT MANUSCRIPTS THAT DATE FROM THE 13TH TO 16TH CENTURIES. The Comma is lacking in such ancient Oriental versions as the Peshitta, Philoxenian, Coptic, Ethiopic, and Armenian … NO SCHOLAR ANY LONGER ACCEPTS ITS AUTHENTICITY.” (New Catholic Encyclopedia, vol. 7. Washington, D.C.: The Catholic University of America, 1967.)

Sa Filipino:

“ANG COMMA AY WALA SA LAHAT NG MGA SINAUNANG MANUSKRITONG GRIEGO NG BAGONG TIPAN, MALIBAN SA APAT NA BAGONG MANUSKRITONG NA MAY MGA TAONG IKA-13 AT IKA-14 NA SIGLO. Ang Comma ay wala sa mga sinaunang Silanganing Bersiyon gaya ng Peshitta, Philoxenian, Coptic at Armenian…WALA NANG ISKOLAR NA TUMATANGGAP SA PAGIGING TOTOO NITO.”

Maliwanag kung gayon na HINDI TOTOO ang nakalagay sa KING JAMES VERSION, at iba pang Biblia na isinalin ito ng gayon.

Maliwanag nilang INAAMIN NA ITO AY PEKE at WALA SA ORIHINAL na ISINULAT ni APOSTOL JUAN.

At lumitaw lamang ito noong ika TATLO hanggang ika –APAT na siglo.

Bakit ano ba ang nangyari noon?

1.       Napagkaisahan at pinagtibay ang aral ng pagiging Tunay na Diyos ni Cristo noong 325 A.D.sa Konsilyo ng Nicea.

2.       Napagkaisahan at pinagtibay din ang aral ng pagiging Diyos ng Espiritu Santo noong 381 A.D. sa Konsilyo ng Constantinople.

Kaya wala sa Biblia, ang aral na ito, dahil kailan man ay hindi ito itinuro ng Panginoong Jesus, ng mga Apostol, at higit sa lahat ng Panginoong Diyos mismo.

Kita ninyo, hindi sila nagkonsilyo para pagpulungan at pagkaisahan upang mapagtibay ang aral ng pagiging Tunay na Diyos ng AMA?

Matibay kasi ang ebidensiya at malinaw na mababasa sa Biblia ang KATOTOHANANG ito eh.

Eh ang pagiging Diyos ni Cristo at ng Espiritu Santo, wala sa Biblia, kaya kailangan pang MAGKONSILYO, at pagpulungan pa ito at pagkaisahan ng mga OBISPO ng IGLESIA KATOLIKA, na bihasa sa pagimbento ng aral.  Ang masaklap nga lang ay MAGKAKAISA RIN LANG AY DOON PA SA HINDI TOTOO AT SA MALING ARAL PA.

Kaya kung meron pang naniniwala sa panahon natin ngayon na totoo ang nakalagay sa 1 Juan 5:7 sa King James Version at iba pa na isinalin ito ng gayon, ay maliwanag na ang mga ito ay naniniwala sa PEKE, at kabilang sa mga naloko at nalinlang.

Dahil kahit pagbalibaligtarin mo ang  Biblia ay hindi mo mababasa ang aral tungkol sa TRINIDAD, maliban nang MAMEKE sila ng talata para naman kahit na papaano’y magkaroon sila ng batayan.

Kaawa-awang mga nilalang, sana magising sila sa katotohanan…at iwan ang maling paniniwalang ito.

Utos ba ng Diyos ang Pagpapatotoo na ginagawa ng Born Again?


Sabi po ng isang BORN AGAIN sa ating MESSAGE BOX:

Born Again:  Brod ito po ang isa ko pong napansin sa BORN AGAIN, Madalas po kase mag karoon ng sharing about sa life ng mga kaanib, madalas po kase sabihin na binago daw nila ang kanilang buhay sa pamamagitan ni lord, ito po ba ay nararapat pang sabihin sa harapang ng dios at sa mga tao, ang pag kakaalam ko po kase sabi ng biblia dapat ang kapurihan lamang ay sa ating panginoog dios lamang at wala ng iba, sana po magkaroon din kayo ng topic tungkol sa dyan,salamat po brod,”


---------------------------------------------

Isa sa pangkaraniwan ninyong mapapansin kapag ka kayo ay umatend sa FELLOWSHIP WORSHIP SERVICE ng mga tinatawag na BORN AGAIN CHRISTIAN, bukod sa napakahaba ng oras nito na kadalasa’y tumatagal ng apat na oras (Kung minsan ay higit pa) ay ang bahaging kung saan may patatayuin ang Pastor o Pastora sa harap, upang i-share o magpatototoo ang isang miyembro nila sa harap kung papaano binago ni Lord ang kanilang buhay, ito ang tinatawag nilang PAGPAPATOTOO o pagbibigay ng TESTIMONY.

Nung ako ay Born Again pa, isa sa aming Ka Brod noon ang tumayo sa harap at nagsabi ng ganito:

“Mga Brothers and Sisters, isa po akong dating adik at sakit ng ulo ng aking mga magulang, sugapa po ako sa alak at laging nasasangkot sa basag ulo, subalit ng binago ni Lord ang buhay ko. Kahit po pumunta kayo sa amin at ipagtanong ninyo kung sino ngayon ang pinakamatinong tao doon ay sasabihin nila na ako iyon.  Dahil napakalaki po ng aking naging pagbabago, naging matino na po ako, hindi na po ako nag-aadik at, kahit po magtanong pa kayo sa mga tao sa amin, sasabihin nila sa inyo na mabuting tao na po ako.”

Pagkatapos sumigaw ang Audience:  Amen, Alleluyah!!!!

Sa biglang tingin mo, animo’y ang Panginoong Diyos ang napapapurihan, pero ang hindi nila napapansin, ay PINUPURI na nila ang kanilang SARILI.

Kailan man ay hindi itinuro ni Cristo ng mga Apostol, ni ng buong Biblia, ang gawaing ito na PAGPUPURI sa sarili. Ang Panginoong Jesu Cristo man na puspos ng magagandang katangian kailan man ay hindi nag-angkin ng KAPURIHAN patungkol sa kaniyang sarili, narito ang katibayan:

Marcos 10:17  “At nang siya'y umalis na lumalakad sa daan, ay may isang tumakbong lumapit sa kaniya, at lumuhod sa harap niya, at siya'y tinanong, MABUTING GURO, ano ang gagawin ko upang ako'y magmana ng buhay na walang hanggan?”

Marcos 10:18  “At sinabi sa kaniya ni Jesus, BAKIT TINATAWAG MO AKONG MABUTI? WALANG MABUTI KUNDI ISA LAMANG, ANG DIOS.”

Kita ninyo iyan?  Si Cristo man ay hindi nag-angkin na sabihin ng sinoman na siya ay mabuti, para sa kaniya ay para sa Diyos lamang ang lahat ng kapurihang ito. Bahagi ito ng kaniyang pagtuturo tungkol sa kababaang loob- dahil kailan man ang pagpupuri na ipinapatungkol natin sa ating mga sarili ay hindi katanggap-tanggap sa Diyos:

Lucas 18:10-14 “May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay PARISEO at ang isa ay MANININGIL NG BUWIS.  Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito tungkol sa kaniyang sarili: ‘O DIYOS, NAGPAPASALAMAT AKO SA IYO SAPAGKAT HINDI AKO KATULAD NG IBA NA MGA MAGNANAKAW, MANDARAYA, MANGANGALUNYA, O KAYA’Y KATULAD NG MANININGIL NG BUWIS NA ITO.  DALAWANG BESES AKONG NAG-AAYUNO SA LOOB NG SANLINGGO AT NAGBIBIGAY RIN AKO NG IKASAMPUNG BAHAGI MULA SA LAHAT NG AKING KINIKITA.  Samantala, ang maniningil ng buwis nama’y nakatayo sa malayo at di man lamang makatingin sa langit.  Dinadagukan niya ang kaniyang dibdib at sinasabi, ‘O DIYOS, MAHABAG PO KAYO SA AKIN NA ISANG MAKASALANAN!  SINASABI KO SA INYO ANG LALAKING ITO’Y UMUWING PINATAWAD SA KANIYANG MGA KASALANAN, NGUNIT ANG UNA AY HINDI.  SAPAGKAT ANG SINUMANG NAGMAMATAAS AY IBABABA AT ANG NAGPAPAKUMBABA AY ITATAAS.”  [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

Hindi kailan man katanggap-tanggap sa harap ng Diyos ang ginagawa ng sinomang tao na PAGPUPURI sa SARILI, dahil para sa Kaniya ito ay isang uri ng PAGMAMATAAS, kaya nga kahit na totoo pa na talagang gumagawa tayo ng mabuti pero ito ay atin ipinagmamakaingay pa at ang nagiging resulta nga ay napupuri natin ang ating sarili, ay nawawalan ng saysay ang ating paggawa ng mabuti.

Ang aral po na itinuturo ng Panginoong Jesu Cristo ay KABABAANG LOOB, huwag nating pupurihin ang ating mga sarili, dahil mawawalan ng saysay ang ating ginagawang kabutihan kung ito nama’y ipinagmamakaingay pa natin sa iba.

Maliwanag po ang turo ni Cristo:

Mateo 5:14-16 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan.  Ang isang lunsod na nakatayo sa burol ay hindi maitatago.  Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan.  Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay.  GAYUNDIN NAMAN, DAPAT NINYONG PALIWANAGIN ANG INYONG ILAW SA HARAP NG MGA TAO UPANG MAKITA NILA ANG INYONG MABUBUTING GAWA AT PAPURIHAN ANG INYONG AMA NA NASA LANGIT.” [ABMBB]

Ito po ang maliwanag na sinabi ng Panginoong Jesus, kailangang ang MAKITA ng mga TAO sa atin ay ang ating MABUBUTING GAWA, sa gayo’y kanilang PAPUPURIHAN ang AMA na nasa LANGIT. 

Hindi po kailangan na IPAGSABI ito, tumayo sa isang STAGE, at sabihin sa tao ang KABUTIHANG NAGAWA…

Kailangan ang mga tao sa ating paligid ang makapansin sa ating MABUBUTING GAWA, sila po ang makakita nito na ating ginagawa sa gayo’y maging daan ito ng KAPURIHAN para sa ATING DIYOS.

At kailangan din namang hindi ito pakitang-tao lamang, na kaya lang natin gagawin ay para lang may maipakita tayo sa tao na tayo ay gumagawa ng mabuti:

Mateo 6:1 “Pag-ingatan ninyong hindi PAKITANG-TAO LAMANG ang paggawa ninyo ng mabuti. KAPAG GANIYAN ANG GINAWA NINYO, WALA KAYONG MATATAMONG GANTIMPALA BUHAT SA INYONG AMA NA NASA LANGIT.” [ABMBB]

Kaya po kailan man ay huwag nating PUPURIHIN ang ating sarili sa kanino man LALO NA SA HARAP NG DIYOS. Sapagkat ang KAPURIHAN ay PARA lamang sa AMA na siyang lumikha ng lahat ng bagay.

1 Timoteo 1:17  “Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, SA IISANG DIOS, AY ANG KAPURIHAN AT KALUWALHATIAN MAGPAKAILAN KAILAN MAN. Siya nawa.”

Ano man pong mabuting bagay na ating nagawa, palagi nating tatandaan, ang KAPURIHAN ay PARA sa Diyos lamang, HUWAG NA HUWAG po nating PUPURIHIN kailan man ang ating mga SARILI. HAYAAN PO NATING MAIKITA NG MGA TAO ANG ATING MABUBUTING GAWA NA GINAGAWA NATIN NG TAOS SA PUSO AT WALANG HALONG PAGKUKUNWARI.

Kaya po mali ang isinasagawa ng mga BORN AGAIN na kung tawagin ay PAGPAPATOTOOo pagibigay ng TESTIMNONY, na kung saan sinasabi nila sa tao ang kanilang mga nagawang kabutihan, na naging resulta daw ng pagbabago sa kanila ni LORD.

Iyan po ang dahilan, kung bakit wala kaming ganiyan sa IGLESIA NI CRISTO, dahil hindi po iyan utos ni Cristo at ng Panginoong Diyos na ating gawin.

Nawa ay naging malinaw sa iyo kaibigan ang ating naging tugon.



Isa pang paksain na may kinalaman sa BORN AGAIN, puntahan po ninyo ito:


Isa sa kanilang  paniniwala na sapat na ang sumampalataya lamang, sana po’y makatulong sa mga nagsusuri.

Ang Dating Daan may aral na Kontradiksyon sa Juan 1:1

Anderson Vincent isang taga ADD na nag ka ligaw ligaw sa Juan 1:1 dahil sa BALUKTOK na pag kaunawa sa BIBLIA,

Puntahan natin ang Juan 1:1,
Joh 1:1  “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.”

Paborito ninyong gamitin ang talatang iyan sa pag-aakala ninyo na iyan ay mapagbabatayan ninyo na si Cristo ay nasa kalagayang Dios…subalit kung susuriin ang talata lumalabas na hindi naman talaga iyon ang tunay na kahulugan, dahil walang salungatan ang Biblia, at hindi kailanman sasalungatin ni Juan ang kaniyang sarili di gaya ng inyong punong kontra-kontra. Dahil maliwanag na isinulat ni Juan sa Juan 17:3 na iisa lamang ang tunay na Dios na walang iba kundi ang Ama na binabanggit naman sa 17:1, at isinulat din niya na ang dapat na makilalang ating Dios ay ang Ama gaya ng mababasa sa Juan 20:17, sapagkat sinabi ni Cristo na ang “inyong Ama at inyong Dios” at hindi niya kailanman ipinakilala na siya ang dapat kilalaning Dios, hindi lang sa aklat ni Juan kundi sa buong Biblia. Kapag tinanggap ko ang pagkaunawa mo sa talata na Dios si Cristo riyan maliwanag na kokontrahin niyan ang napakaraming talata sa Biblia na si Juan din ang sumulat na tumutukoy sa iisang Dios na walang iba kundi ang Ama.
Paano ba natin dapat unawain ang Juan 1:1,
Sa puntong ito hindi natin maiiwasan na balikan ang pagkakasulat ng talatang ito sa wikang griego,
John 1:1  εν αρχη ην ‘ο λογος και ‘ο λογος ην προς τον θεον και θεος ην ‘ο λογος”

Ang verbo o “λογος” [logos] sa wikang Greek ay hindi kailanman mangangahulugan na Cristo o kaya ay Dios o tumutukoy sa Dios, dahil ang paliwanag ng Thayer’s Greek Dictionary ito ay walang iba kundi:

“ logos -  a word, uttered by a living voice, embodies a conception or idea”

Samakatuwid ang Verbo o logos ay walang iba kundi “salita” na sinasalita, isang kaisipan o ideya…at hindi gaya ng inyong iniisip na ito’y isang nilikha na may sariling buhay o pagiral, o kaya isa pang Dios o si Cristo na nasa kalagayang Dios at existido na kasama ng Dios Ama, dahil magiging dalawa ang Dios at wala kang makikita sa Biblia na dalawa ang tunay na Dios ang marami ay ang mga diosdiosan o yung mga hindi tunay na Dios.

At sinasangayunan ng Biblia ang definition na ito ng Ditionary narito ang katibayan.

Isa 55:11  “Magiging gayon ang aking SALITA na LUMALABAS SA BIBIG KO: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.


Mat 4:4  “Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa BAWA'T SALITANG LUMALABAS SA BIBIG NG DIOS.”

Ang verbo o logos AY SALITA NA LUMALABAS SA BIBIG NG DIOS at hindi maaari na isa pang nilikha na may sariling buhay o kaya ay isa pang Dios na hiwalay sa Dios na nagsalita nito. Lalabas kung gayon na kung ipilit mo na si Cristo ang Verbo sa talata…mapipilitan kang patunayan sa akin na si CRISTO AY LUMABAS SA BIBIG NG DIOS…HIHINTAYIN KO IYAN…SAANG TALATA?

Kaya nga kung ating uunawain na ang tinutukoy na Verbo o salita sa Juan 1:1 ay ang isang Cristo na nasa kalagayang Dios na meron nang pre-existence ay magkakamali tayo. Lalabas na dalawa ang Dios, dahil sinabi rin sa talata na “ang Verbo ay sumasa Dios”, samakatuwid magkakaroon ng dalawang Dios na magkasama, at sasalungatin niyan ang pahayag ng Dios mismo:

Isaias 44:8  “Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. MAY DIOS BAGA LIBAN SA AKIN? oo, walang malaking Bato; AKO'Y WALANG NAKIKILALANG IBA.”

Dahil sa mula’t-mula ay walang nakikilalang ibang Dios ang Tunay na Dios at ang tunay na Dios ay ang Panginoon o ang Ama:

Jeremias 10:10  “Nguni't ANG PANGINOON AY TUNAY NA DIOS; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit.”

Isaias 63:16  “Sapagka't IKAW AY AMING AMA, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: IKAW, OH PANGINOON, AY AMING AMA, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.”

Maliwanag kung gayon na ang IISA at TUNAY na Dios ay ang AMA, wala siyang nakikilalang ibang Dios maliban sa kaniyang sarili, kaya nga sinabi rin niya ang ganito:

Isaias 46:9  “Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: SAPAGKA'T AKO'Y DIOS, AT WALANG IBA LIBAN SA AKIN; AKO'Y DIOS, AT WALANG GAYA KO;”

Napakaliwanag kapatid na sinabi ng Dios, NA WALANG IBANG DIOS LIBAN SA KANIYA, WALA SIYANG KAGAYA O KATULAD…kaya kung ipipilit mo ang mali mong pagkaunawa sa Juan 1:1…nakahanda ka bang itapon at talikuran ang mga pahayag ng Dios na iyan? At manindigan sa salungatan at kontrakontra mong paniniwala na itinuro sa iyo ng inyong Sugong Tagabasa?

Kaya balikan natin ang Juan 1:1, at unawain ng tama…

Maliwanag kong napatunayan na ang verbo ay hindi isang bukod na nilalang kundi ang salita ng Dios na lumalabas sa kaniyang bibig, kung kaya sinabi na ang Salita o verbo ay sumasa Dios, aba’y natural na hindi mo puwedeng paghiwalayin yung salita dun sa nagsalita…kung nasaan ung nagsalita ay nandun din yung kaniyang salita…e ikaw ba pag nagsasalita ka ang salita mo ay humihiwalay sa iyo? E kapag nagsasalita ka tapos yung tinig mo ay naririnig sa kabilang ibayo e hindi ka naman naka mic o tumatawag sa phone…e hindi kaya may sapi ka nun?

Tuloy………dito kasi kayo nalilito sa pahayag ni Juan na “ang verbo ay Dios”…kasi nga kulang kayo sa kaalaman…ano ba ang ibig sabihin ng talatang iyan…maliwanag na nating binasa kanina na ang Diyos ay walang katulad na isa pang Dios na kagaya niya…kaya kung uunawain natin na ang salita ay isa pang Diyos masasalungat niyan ang kataku-takot na pahayag ng Dios sa Biblia na WALANG IBANG DIOS LIBAN SA KANIYA.  E bakit sinabi na ang “Verbo o salita ay Diyos”….alam mo brod kung ang banggit diyan ay “Ang Verbo ay ang Diyos” tapos na usapan…talagang maliwanag na maliwanag na Diyos nga ang Verbo…ngunit maliwanag na kapag ang isang salita ay sumusunod sa isang “adverb” gaya ng “was” sa English ito ay karaniwang sinusundan ng isang “adjective” o pang-uri…kaya nga sa English ay “AND THE WORD WAS GOD”…sa greek ito ay “theos” lamang at hindi “o’ theos”…at ayon sa mga dalubhasa sa wikang greek…kapag binabanggit ang salitang “o’ theos” ito ay tumutukoy sa tunay na Dios…at dahil sa ang banggit sa Juan 1:1 ay “theos” lamang…maliwanag na hindi ito tumutukoy sa tunay na Dios o sa isa pang Dios…

E bakit nga ba sinabi na “ang Verbo [o salita] ay Dios”…ang pagkagamit ng salitang Dios sa talatang iyan bagamat isang “noun” ay ginamit bilang isang “adjective” o pang-uri, samakatwid inuuri yung salita at inihahambing sa nagsalita na walang iba kundi ang Ama, ang tunay na Dios…

Ano ba ang katangian ng tunay na Dios?

Genesis 17:1  At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, AKO ANG DIOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.

Ang iisa at tunay na Dios ay makapangyarihan sa lahat, samakatuwid ang salita ay kauri ng Dios na Makapangyarihan…eto pruweba:

Lucas 1:37  “Sapagka't WALANG SALITANG MULA SA DIOS NA DI MAY KAPANGYARIHAN.”

Kauri ng Dios ang kaniyang SALITA, katulad niyang makapangyarihan, ito ang dahilan kaya sinabi na “ang Verbo ay Dios”…hindi para ipakilala na mayron pang bukod na Dios maliban sa Ama kundi uriin ang salita niya na tulad sa kaniyang may KAPANGYARIHAN…

Baka mangatuwiran ka…at sabihin mo…bakit puwede bang maging “adjective” ang isang “noun”?

Puwedeng-puwede kaibigan…tingnan mo ang example na ito:

“ANG ORAS AY GINTO”

O hindi ba maliwanag diyan na ang “ginto” ay isang “adjective” o panguri? Kasi kung ipipilit mo na dapat ay unawaain iyan bilang “noun”…lalabas ang oras ay tunay na ginto…sige nga isangla mo nga ang oras?

E bakit sinabing ang oras ay ginto? Kasi nga ang oras ay katulad ng ginto na mahalaga…parehong mahalaga

ganun din ang pahayag ni apostol Juan na kaya niya sinabi na “ang VERBO ay DIOS” ay sapagkat ang salita ng Dios ay katulad ng Dios na nagsalita dito na makapangyarihan…

Kaya nga may Bibliang isinalin ang Juan 1:1 ng ganito

“…and the word was divine”.        “..ang salita ay banal”.       Maliwanag na “pang-uri” o adjective…

(James Moffat  and Edgar Goodspeed Bible)

Baka sabihin mo na naman na mga INC iyan?

Ang verbo brod…ay ang salita na ginamit ng Dios sa paglalang kay Cristo…paano ba nilikha ng Dios ang lahat ng bagay? hindi ba sa pamamagitan ng kaniyang salita…gaya ng mababasa

Heb 11:3  “Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ANG SANGLIBUTAN AY NATATAG SA PAMAMAGITAN NG SALITA NG DIOS, ano pa't ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita.”

Ang salita ring ito ang ginamit niya kaya nagkaroon ng Cristo, dahil sinabi ng Dios sa pamamagitan ng napakaraming hula o propesiya sa Biblia na si Cristo ay darating…at natupad nga ng siya’y ipagdalang-tao ni Maria…Ano katibayan na salita ng Diyos ang ginamit sa pagkakaroon ng Cristo?

Gal 4:4  “Datapuwa't NANG DUMATING ANG KAPANAHUNAN, AY SINUGO NG DIOS ANG KANIYANG ANAK, NA IPINANGANAK NG ISANG BABAE, NA IPINANGANAK SA ILALIM NG KAUTUSAN,”


Ano ba iyong kautusan kung saan naipailalim si Cristo?

Awit 78:1  “Makinig kayo, Oh bayan ko, sa AKING KAUTUSAN: ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa MGA SALITA NG AKING BIBIG.”

Ang kautusan ay ang salita ng Dios na ginamit sa pagsusugo sa Cristo…

Kaya kung ipipilit mo na ang VERBO o salita ay isa pang bukod na DIOS maliban sa Dios na siyang AMA, mapipilitan kang patunayan sa akin na Ang BIBLIA, ay DIOS din, dahil alam ko na hindi ka tututol na ang BIBLIA ay SALITA NG DIOS…