Pagsusundalo Hindi Ipinagbabawal ng Diyos


Sa mga Saksi ni Jehova ay ipinagbabawal ang Pagsusundalo, maging ang Pagpupulis, para sa kanila ang tungkuling ito ay hindi katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos sapagkat ang mga taong ito ay may karapatang kumitil ng buhay ng tao bilang bahagi ng kanilang tungkulin, bagamat hindi mababasa sa Biblia ng tuwiran na BAWAL ANG MAGSUNDALO ay may talata silang ginagamit na batayan, ito ay ang nasa aklat ng Exodo, atin pong basahin:



Exodo 20:13  “Huwag kang papatay.”

Ito raw ay napakatibay na ebidensiya na bawal ang PAGSUSUNDALO dahil sa mahigpit daw na ipinagbabawal ng Diyos ang pagpatay ng kapuwa tao. Totoo kaya ang pagkaunawa nilang ito na ang pagbabawal na ito ay kumakapit sa lahat ng uri ng tao?

Pero nais po naming ipapansin sa inyo ang isang pangyayari na nakatala sa kasaysayan ng Biblia:

1 Samuel 15:2-3  “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel, kung paanong siya'y humadlang sa kaniya sa daan, nang siya'y umahon mula sa Egipto. Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na lipulin ang buo nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi PATAYIN MO ANG LALAKE AT BABAE, SANGGOL AT SUMUSUSO, BAKA AT TUPA, KAMELYO AT ASNO.” At pinisan ni Saul ang bayan at binilang sila sa Telaim, dalawang yutang lalake na naglalakad, at sangpung libong lalake sa Juda.

Kitang-kita sa talata na inuutusan ng Diyos si Haring Saul, ang Hari noon ng Israel na lipulin at pataying lahat, lalake, babae, sanggol, maging mga hayop.  Narito ang tanong?  HINDI BA BAWAL ANG PUMATAY SA PANAHONG IYAN? WALA PA BANG BATAS NA NAGBABAWAL SA PAGPATAY NG TAO SA PANAHONG IYAN?  Sa panahong iyan ay malaon nang patay si Moises, at ang pagbabawal sa pagpatay bilang bahagi ng sampung utos ay matagal ng panahon naibigay sa bayang Israel.  Hindi ba lalabas niyan na kinokontra ng Diyos ang kaniyang sarili sa paguutos niyang ito?

Bakit ba pinagpasiyahan ng Diyos na lipulin ang bayan ng Amalec?

1 Samuel 15:2  "When the Israelites were on their way out of Egypt, the nation of Amalek attacked them. I am the LORD All-Powerful, and now I am going to make Amalek pay! [Contemporary English Version]

Sa Filipino:

1 Samuel 15:2  “Nang ang mga Isrealita ay paalis ng Ehipto, SILA’Y NILUSOB NG BAYAN NG AMALEC. Ako ang Panginoon na Pinakamakapangyarihan, at ngayon aking pagbabayarin ang Amalec.”

Hindi ikinalugod ng Diyos ang ginawang pagluso o pagatake ng Amalec sa Israel ng sila ay papaalis sa Ehipto, nais lamang ng Diyos na makaganti ang bayan Israel sa ginawa nilang ito.  Kaya maliwanag kung gayon na:

 ANG PAGBABAWAL NG DIYOS SA PAGPATAY AY ISANG BATAS NA MAY KUNDISYONNA WALANG KARAPATANG MAGPASIYA ANG SINOMANG TAO NA PUMATAY SA KANIYANG SARILI MALIBAN NANG MAY MAGBIGAY SA KANIYA NG KARAPATAN NA GAWIN IYON,  at sa pagkakataong ito ay ang Panginoong Diyos.

Maliwanag kung gayon na may mga tao na binigyan ng Diyos ng karapatan lumipol sa mga taong itinuturing ng Diyos na kaniyang mga kaaway.

Katulad ni Samson na binigyan ng Diyos ng karapatang ito:

Judge 15:15  “Then he found a jawbone of a donkey that had recently died. He reached down and picked it up, AND KILLED A THOUSAND MEN WITH IT.” [Good News Bible]

Sa Filipino:

Hukom 15:15 “At siya’y nakakita ng panga ng isang asno na kamamatay lamang.  Kaniyang iniunat ang kaniyang kamay at kinuha ito, at PINATAY ANG ISANG LIBONG TAO SA PAMAMAGITAN NOON.”

Ganoon din ang karapatang ibinigay niya kay Haring David:

1 Samuel 17:46  “Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; AT SASAKTAN KITA, AT PUPUGUTIN KO ANG ULO MO; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel:”

Nang patayin ni David si Goliath ay may patnubay siya ng Diyos, at hindi lamang si Goliath ang napatay ni David sa buong panahon ng kaniyang buhay, subalit magkagayon man dahil sa dami ng kaniyang napatay itinuring ba siyang makasalanan?

Awit 86:2  “Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't AKO'Y BANAL: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.”

Sa kabila ng lahat na si David ay maraming napatay na tao sa buong kasaysayan ng kaniyang buhay, ang turing pa rin sa kaniya ay BANAL, samakatuwid hindi ibinilang na kasalanan niya ang kaniyang mga ginawang pagkitil ng buhay, dahil sa ito’y karapatan at kapangyarihang ibinigay sa kaniya ng Diyos bilang Hari ng Israel.

Napakaraming halimbawa na mababasa sa Biblia na mga mandirigma ngunit mga lingkod ng Diyos bukod kay Haring David at Samson, nandiyan din sina Josue, Gedeon, at marami pang iba.

Ano ang tawag noon sa Diyos ng bayang Israel?

1 Samuel 17:45  “Nang magkagayo'y sinabi ni David sa Filisteo, Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may kalasag; nguni't ako'y naparirito laban sa IYO SA PANGALAN NG PANGINOON NG MGA HUKBO, ng DIOS NG MGA KAWAL NG ISRAEL na iyong hinahamon.”

Ang Diyos noong panahong iyon ay tinatawag na “DIYOS NG MGA HUKBO” at “DIYOS NG MGA KAWAL”, kaya dito pa lamang ay maliwanag na nating nakikita ang matibay na ebidensiya na ang pagiging KAWAL o SUNDALO, ng isang tao ay hindi bawal sa Biblia.  Dahil bakit papayag ang Diyos na itawag ng tao sa kaniya ito kung bawal naman pala sa kaniya ang pagiging KAWAL ng isang tao.

At sa isa pang pagkakataon ang Diyos ay ipinakilala na“PANGINOON NG MGA HUKBO”:

Isaias 44:6  “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na PANGINOON NG MGA HUKBO, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.”

Kaya nga dito pa lang ay alam na alam na natin ang napakatibay na ebidensiya na HINDI BAWAL ANG PAGSUSUNDALO, hindi po ito kailan man ipinagbawal ng Diyos sa Biblia.  Ang kanilang tungkulin bagamat totoo na sila ay kumikitil ng buhay at pumapatay ng tao para magpanatili ng kapayapaan at ipagtanggol ang bayan, ay tungkuling ibinigay ng Diyos sa kanila. Kaya EXEMPTED po sila sa batas ng Diyos na HUWAG KANG PAPATAY.  

Tayo na mga ordinaryong tao na wala sa ganoong tungkulin ang walang karapatang pumatay ng sinoman, dahil tayo ay nasa ilalim ng  batas ng Diyos na siyang nagbabawal sa pagpatay ng kapuwa tao.


Pagsusundalo bawal ba sa Bagong Tipan?

Maaaring may mangatuwiran na iyon daw mga halimbawa na ating ipinakita ay puro saLumang Tipan, pero sa panahong Cristiano na panahon ng Bagong Tipan, na siyang sumasakop sa panahon natin ay bawal na ang pagsusundalo.
Inyong tanungin ang inyong mga kaibigang Saksi ni Jehova, kung may maipapakita silang kahit na isang talata na mababasa ng maliwanag na ipinagbabawal ng Diyos ang PAGSUSUNDALO. Natitiyak namin na wala silang maipapakitang talata sa inyo kahit saBagong Tipan.

Dahil, hindi po bawal ang pagsusundalo sa buong Biblia…

Kumuha na tayo ng halimbawa sa Biblia:

Luke 3:14  “Some SOLDIERS also asked him, "What about us? What are we to do?" He said to them, "DON'T TAKE MONEY FROM ANYONE BY FORCE OR ACCUSE ANYONE FALSELY. BE CONTENT WITH YOUR PAY." [Good News Bible]

Sa Filipino:

Lucas 3:14 “May mga SUNDALO na nagtanong sa kaniya, “Kami? Ano ang aming gagawin? ” Sinabi niya sa kaniya, “HUWAG KAYONG KUKUHA NG SALAPI MULA SA KANINO MAN NG SAPILITAN AT MAGPARATANG SA KANINO MAN NG KASINUNGALINGAN.  MAKUNTENTO KAYO SA IBINABAYAD SA INYO.”

Dito sa pagkakataong ito, tinatanong ng mga SUNDALO si Juan Bautista kung ano ang kanilang gagawin upang maging dapat sa Diyos.  Kung talagang ipinagbabawal ng Diyos ang pagsusundalo, hindi ba ito ay isang napakagandang pagkakataon na sabihin ni Juan sa kanila na bawal ito?

Kasi kung talagang bawal ang pagsusundalo Puwedeng ganito ang mangyari:

MGA SUNDALO:  “Kami? Ano ang aming gagawin?”

JUAN BAUTISTA:  “Una, ninyong gawin ay iwan ang inyong pagiging sundalo dahil bawal ng Diyos ang PAGSUSUNDALO, dahil pumapatay kayo ng tao.”

Pero hindi ba sa pagsasabi ni Juan na: “MAKUNTENTO KAYO SA IBINABAYAD SA INYO.”Hindi ba maliwanag na hindi ipinagbabawal ang pagsusundalo, hindi ba lumalabas niyan na pinapayuhan pa ni Juan Bautista ang mga sundalo na makuntento sa kanilang suweldo at huwag mang-aabuso ng kapuwa?  Ito ay isa sa matibay na ebidensiya na maging sa Bagong Tipan ay hindi po bawal ang pagsusundalo, basta huwag mang-aabuso ng kapuwa, huwag magpaparatang ng hindi totoo, at makuntento sa suweldong tinatanggap.


Kumuha pa tayo ng isa pang halimbawa:

Mga Gawa 10:1-5  “At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang CORNELIO, SENTURION NG PULUTONG NA TINATAWAG NA PULUTONG ITALIANO.  Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios.  Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio.  At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, ANG MGA PANALANGIN MO AT ANG IYONG MGA PAGLILIMOS AY NANGAPAILANGLANG NA ISANG ALAALA SA HARAPAN NG DIOS. At ngayo'y magsugo ka ng mga tao sa Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro;”

Isang tao sa Cesarea na ang pangalan ay Cornelio, isang SENTURION, o opisyal ng hukbong Romano, na siya ring pulutong italiano, sa madaling salita isang mataas na  “ROMAN OFFICER”.  Mabuting tao si Cornelio, mapanalanginin, at palaging tumutulong sa mahihirap, sa isang pangitain ay napakita sa kaniya ang isang anghel at sinabihan siyang ang kaniyang mga panalangin at ang kaniyang mga paglilimos ay napaiilanlang bilang isang alala sa harapan ng Diyos, at ipinagutos niyang ipasundo si Pedro.

Ano ang nangyari nang dumating si Pedro?

Gawa 10:34  “At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, TUNAY NGANG NATATALASTAS KO NA HINDI NAGTATANGI ANG DIOS NG MGA TAO:”

Ikinagalak ni Apostol Pedro ang pagsampalataya ni Cornelio na bagamat siya’y isang Gentil, nasabi niyang hindi nagtatangi ang Diyos ng mga tao.  Isa na namang katunayan na hindi bawal ang pagsusundalo, dahil kung ito ay mahigpit na ipinagbabawal, pauunlakan ba ni Apostol Pablo ang paanyaya ng isang kawal?  At hindi ba niya sasabihin kay Cornelio na ang PAGSUSUNDALO ay bawal ng Diyos?  Hindi ba’t ito ay isa na namang napakagandang pagkakataon? Kahit basahin niyo pa ang buong kapitulo 10, ng aklat ng mga Gawa, wala kayong mababasa na sinabi ni Pedro na bawal ang  MAGSUNDALO, bilang katibayan na hindi ito bawal, ano ang sumunod na pangyayari?

Gawa 10:46-47  “Sapagka't nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro, Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin? AT INUTUSAN NIYA SILA NA MAGSIPAGBAUTISMO SA PANGALAN NI JESUCRISTO. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.”

Si Cornelio at ang buo niyang sambahayan ay binautismuhang lahat na ang lahat ng mga nabautismuhan ay binautismuhan sa isang katawan:

1 Corinto 12:13  “Sapagka't sa isang Espiritu ay BINABAUTISMUHAN TAYONG LAHAT SA ISANG KATAWAN, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.”

Na ang isang katawan ay ang Iglesia:

Colosas 1:18  At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA…”

At ang pangalan ng Iglesia na kinaaniban ng senturiong si Cornelio at ng kaniyang buong sambahayan ay:

Roma 16:16  “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO.”

Naging kaanib po ng Iglesia ni Cristo si Cornelio na isang SENTURION ng hukbong Romano, isang sundalo na tinanggap ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsampalataya at nabautismuhan sa loob ng tunay na iglesia, ang Iglesia ni Cristo. Kaya po pinapahintulutan na maging kaanib ng Iglesia ang isang sundalo, pulis, at iba pa na mayroong katulad na tungkulin o trabaho.

Ang mga SUNDALO o KAWAL na naglilingkod sa pamahalaang umiiral ay may karapatang ibinigay ang Diyos upang kanilang gampanan ang kanilang tungkulin, Ganito ang sabi ng Biblia:

Roma 13:3-4  “Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa MAY KAPANGYARIHAN? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:   Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; SAPAGKA'T HINDI WALANG KABULUHAN ANG PAGDADALA NIYA NG TABAK: SAPAGKA'T SIYA'Y MINISTRO NG DIOS, TAGAPAGHIGANTI SA IKAGAGALIT SA GUMAGAWA NG MASAMA.

Ang mga MAY KAPANGYARIHAN sa ating Pamahalaan ay binigyan ng Diyos ng karapatang magdala ng ARMAS o mga SANDATA sabi nga ng talata:  “SAPAGKA'T HINDI WALANG KABULUHAN ANG PAGDADALA NIYA NG TABAK”, may karapatan siyang gumamit ng sandata sa anong layunin at tungkulin?: “TAGAPAGHIGANTI SA IKAGAGALIT SA GUMAGAWA NG MASAMA.” Kaya dapat silang katakutan ng mga gumagawa ng masama, dahil may kapangyarihan at karapatan silang magparusa.

KAYA HINDI PO MASAMA ANG PAGDADALA NILA NG MGA ARMAS O SANDATA, sapagkat ang Diyos ay may pagpapahintulot sa mga MAY KAPANGYARIHAN (PULIS, SUNDALO, ETC.)upang maghiganti at magparusa sa mga taong gumagawa ng masama o sa mga taong lumalabag sa batas.

Hindi po kailan man ipinagbabawal ng Diyos sa Biblia ang PAGSUSUNDALO o PAGPUPULIS, ito po ay kapangyarihan at karapatang kaloob ng Diyos sa alinmang pamahalaang kanilang pinaglilingkuran sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan o iyong tinatawag sa English na "peace and order"...

No comments:

Post a Comment