Kulang Kung Pananampalataya Lamang

Sa patuloy na pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya, maraming mga imbensiyon ang nakatutulong nang malaki upang maging maginhawa at magaan ang iba’t-ibang uri ng gawain ng tao.  Tinatangkilik ng maraming tao ang mga makabagong produkto at serbisyo sa pag-asang ang mga iyon ay makatutulong ng malaki upang ang hinahangad na resulta ay makamit sa madaling panahon nang walang gaanong pupuhunaning hirap.

Nakalulungkot isipin na sa panig man ng relihiyon ay may mga mangangaral ng pananampalataya na ang ipinangangako pa mandin ay kaligtasan at gumagamit ng panghihikayat na ang paglilingkod sa Diyos ay magagawa diumano, sa maginhawa at madaling paraan, yun yung tinatawag sa English na Religion by Convenience.  Hindi rin katakataka na ang mga ganitong mangangaral ay makaakit ng maraming tagasunod sapagkat itinuturo nilang wala nang kailangan pang gawin ang tao kundi tanggapin at sampalatayanan si Cristo sa kaniyang puso bilang pansariling Tagapagligtas ay sapat na raw para makamtan ng tao ang kaligtasan.


Ang mga dapat ilakip sa pananampalataya

Kasalungat ng Biblia ang pagtuturong sapat na sa tao ang sumampalataya lamang kay Cristo upang siya ay maligtas.  Sa Santiago 2:1422 at 24 ganito ang sinasabi ng Kasulatan:

 “Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman nasiya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pana-nampalatayang iyan?” (Santiago 2:14)
      
 “Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya;” (Santiago 2:22)

“Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa'y inaaring ganap ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.” (Santiago 2:24)

Upang pakinabangan sa ikaliligtas, ang pananampalataya ay dapat lakipan ng mabubuting gawa.  Ang gawa ang nagpapasakdal sa pananam-palataya.  Kailangan din sa ating pagsampalataya kay Cristo, ang tayo ay nakahandang makapagtiis alang-alang sa Kaniya. Ganito ang pahayag ni Apostol Pablo:

 “Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alang-alang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:” (Filipos 1:29)

Kailangang mamuhunan ng pagtitiis ang sumasampalataya alang-alang sa pagsunod sa kalooban  ng Diyos at sa ikapagkakamit nila ng kaniyang pangako:

  “Sapagka't kayo'y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako.” (Hebreo 10:36)

Kaya maling sabihing sapat na ang sumampalataya lamang upang maging alagad ni Cristo.  Ang Panginoon mismo ang nagpapatotoo:

 “Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;” (Juan 8:31

Ang katumbas sa ibang salin ng Biblia ng binanggit na pananatili sa salita ay:

“Kung patuloy kayong susunod sa aking aral…”(Juan 8:31Magandang Balita)

Samakatuwid ito ang mga dapat pang ilakip ng tao sa pananampalataya: ang mabubuting gawapagtitiis, at patuloy na pagsunod.  Kasalungat ito ng ibig ipahiwatig ng ibang mga mangangaral ngayon na nagtuturong wala nang dapat gawin o puhunanin ang taong ibig maligtas maliban sa siya’y sumampalataya.


Ang dapat gawin ng sumasampalataya

Ano ang gawang dapat ilakip ng tao sa kaniyang pananampalataya upang siya ay makapasok sa kaharian ng Diyos? Dapat niyang ganapin ang kalooban ng Diyos.  Ganito ang pahayag ng Panginoong Jesus:

 “Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” (Mateo 7:21)

Ang gumaganap ng kalooban ng Diyos ang tanging papapasukin sa kaharian ng langit.  Kung nais ng tao na matupad ang kalooban ng Diyos upang siya’y makapasok sa kaharian ng langit, hindi niya maiiwasang matipon muna kay Cristo, gaya ng sinasabi ni Apostol Pablo:

 “Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin. Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,” (Efeso 1:9-10)

Kalooban ng Diyos na matipon ang lahat ng tao kay Cristo.  Subalit paano matitipon ang mga tao kay Cristo?  Sa Roma 12:4-5 ay ganito ang pagtuturo ni Apostol Pablo:

 “Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.” (Roma 12:4-5)

Ang katumbas ng matipon ang lahat kay Cristo ay magkasama-sama bilang mga sangkap ng iisang katawan ni Cristo.  Ang katawang tinutukoy ay ang Iglesia:

“At siya ang ulo ng katawan, sama-katuwid baga’y ng Iglesia…” (Colosas 1:18)

Ang iglesiang ito ay tinatawag na Iglesia ni Cristo:

“Mangagbatian kayo ng banal na halik.  Binabati kayo ng lahat ng mgaiglesia ni Cristo.” (Roma 16:16)
      
Samakatuwid, ang nagpapahayag ng pananam-palataya kay Cristo ay dapat na pumayag na maging sangkap ng katawan ni Cristo o maging kaanib ng Iglesia ni Cristo.  Sa ganitong paraan niya matutupad ang kalooban ng Diyos na matipon ang lahat kay Cristo, at sa gayo’y makapapasok siya sa kaharian ng langit.


Ang dapat tiisin dahil sa pananampalataya

Anu-ano naman ang dapat mapagtiisan at mapag-tagumpayan ng mga alagad ni Cristo upang sila’y makapasok sa kaharian?  Ang ilan sa mga ito ay ang mga kapighatian at pag-uusigna gaya ng binabanggit sa sumusunod na talata:

Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.” (Gawa 14:22)

 “Ano pa't kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pana-nampalataya sa lahat ng mgapaguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;   Na isang tan-dang hayag ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y na-ngagbabata rin naman kayo: (2 Tessalonica 1:4-5)

Ang matapat na pagsunod sa mga utos ng Diyos ay dapat panatilihin hanggang wakas upang maligtas, ayon sa pagtuturo ng Biblia:

Ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ay siyang maliligtas,” (Mateo 24:13, MB)

Kapag sa ganitong kalagayan tayo inabutan ng kamatayan man o ng Araw ng Paghuhukom -   kaanib sa Iglesia ni Cristo na tapat sa pagsunod sa mga utos ng Diyos sa kabila ng mga kapighatian at tiisin – tiyak na tayo ay papapasukin sa maluwalhating kaharian ng Diyos.   Maaaring hindi ito kasindali ng inaakala ng iba, subalit tiniyak naman at ginarantiyahan ng Banal na Kasulatan:

“Mga kapatid yamang kayo’y tinawag at hinirang ng Diyos, magpakatatag kayo sa kalagayang ito upang huwag kayong manlupaypay.  Sa ganitong paraan, kayo’y maluwag na papapasukin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.”  (2 Pedro 1:10-11, MB)  

No comments:

Post a Comment