Paano Maliligtas ang Mga Taong Nabuhay Bago ang taong 1914?



Ang kauna-unahang Lokal ng INC sa Punta, Santa Ana, Manila


Isa sa tungkuling ipinagkaloob ng Diyos sa IGLESIA NI CRISTO sa Huling Araw na ito ang maipangaral ang salita ng Diyos sa lahat ng mga bansa:

Mateo 24:14 “At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.” 

At kapag naisagawa na ng IGLESIA na makapangaral sa lahat ng kinapal, maliwanag ang sabi NI CRISTO: “KUNG MAGKAGAYO’Y DARATING NA ANG WAKAS”.


Kaya hindi pa nagwawakas kasi nga hindi pa NAAABOT ng INC ang lahat ng kasulok-sulukan ng Daigdig. Maghintay ka lang at maaabot din sila ng pangangaral ng tunay na IGLESIA.

Papaano iyong mga taong nabuhay before 1914, so maliwanag na sa panahong iyan ay WALANG UMIIRAL NA TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO, paano sila ngayon maliligtas?

Eto ang PARAAN ng Diyos para sa kanila:

Roma 2:12 “Sapagka't ANG LAHAT NG NANGAGKASALA NG WALANG KAUTUSAN AY MANGAPAPAHAMAK DIN NAMAN NG WALANG KAUTUSAN: at ANG LAHAT NA NANGAGKASALA SA ILALIM NG KAUTUSAN AY SA KAUTUSAN DIN SILA HAHATULAN;” 

May paraan ang Diyos sa mga taong nabuhay sa panahon nang walang kautusan [110A.D. To 1914A.D.], o hindi umiiral ang tunay na aral ng Diyos, hindi nakaabot sa tao ang kaniyang mga salita dahil walang tunay na sugo at walang tunay na IGLESIA, kung nagkasala sila ng walang kautusan, ay hahatulan din sila ng walang kautusan. At dahil sa panahon noon ng unang IGLESIA NI CRISTO noong first century [33A.D. To 110A.D.] At noong 1914 pababa ay meron ng kautusan at tunay na aral na umiiral dahil sa pagsusugo ng Diyos, ay sa tunay na kautusang ito na umiiral hahatulan ang mga tao.


Papaano hahatulan iyong mga tao na nabuhay sa panahon na walang kautusan o walang tunay na aral?

Roma 2:14 “(Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;” 


Roma 2:15 “NA NANGAGTATANYAG NG GAWA NG KAUTUSANG NASUSULAT SA KANILANG PUSO, NA PINATOTOHANAN ITO PATI NG KANILANG BUDHI, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa);” 

Hahatulan ng Diyos ang tao ayon sa KAUTUSAN NA NAKASULAT SA KANIYANG PUSO, NA PINATUTUNAYAN NG KANIYANG BUDHI O KONSENSIYA, Ito ang gagamiting batayan ng Diyos sa paghatol sa mga taong nabuhay sa panahong WALANG TUNAY NA KAUTUSAN, O TUNAY NA ARAL, AT WALANG TUNAY NA IGLESIA. 

Ang pagpasok sa tunay na IGLESIA ay requirement sa mga taong dinatnan ng tunay na aral kaya nasa ilalim sila ng kautusan, kaya hahatulan sila ayon sa kautusang nasusulat na umiiral. Hindi nirerequire sa mga taong nabuhay sa panahong walang kautusan ang pag-anib sa isang IGLESIA, dahil wala naman silang Iglesiang papasukan, dahil hindi pa ito umiiral. Kaya ang gagamitin ng Diyos na basehan sa paghatol sa kanila ay ang kanilang budhi, ito ang magdidikta sa kanila kung tama o mali ba ang kanilang nagawa.

May halimbawa ba sa Biblia na taong HINATULAN NG DIYOS NG WALANG KAUTUSAN?

Nun’ bang patayin ni Cain si Abel ay mayroon nang batas noon na bawal ang pumatay? Wala pa, hindi ba? Kasi sa panahon lamang ni Moises ibinigay ang batas ng Diyos na ito at libong taon pa ang pagitan ni Moises mula kay Cain. Hindi mo naman kayang sabihin na hindi nakonsiyensiya o hindi inusig ng kaniyang budhi si Cain, kaya nga ng hinahanap ng Diyos kung nasan si Abel, ay hindi niya masabi-sabi sa Diyos na pinatay niya ito, kundi sabi niya“Aywan ko, ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?” [Genesis 4:9at sa pamamagitan nito ay nahatulan ng Diyos si Cain kahit walang batas o kautusang nakasulat na umiiral.

MULI NA NAMAN TAYONG SINAGOT NG MALINAW NG BIBLIA…

No comments:

Post a Comment