Bawal nga bang Magpasalin ng Dugo?



Tanong ng isang Anonymous,

”tanong lang mga kapatid... ang pagkain b ay katumbas na ren ng pagsasalin ng dugo? me nagsasabi kc n ang diwa ng pagsasalin ng dugo ay gaya n ren ng pagkain nito... salamat.. more power”


Ang pagsasalin ng dugo ay iba sa pagkain ng dugo, iyan ay masasagot kahit sa pamamagitan lang ng paliwanag.

Nagkakamali ang mga SAKSI NI JEHOVA sa pag-aakalang ang pagsasalin ay katumbas daw ng pagkain.

Natatandaan ko pa ang paliwanag nila sa akin noon, halimbawa daw pinagbawalan daw ng doctor ang isang tao na uminom ng alak dahil masama sa kaniya ang alcohol.  Kung ang alak daw ay padadaanin sa kaniyang ugat tulad ng sa dextrose, ay katumbas daw ng pagkain dahil tinatanggap daw ng kaniyang katawan ang alcohol kahit na hindi ito dumaan sa kaniyang bibig, at ito raw ay may magkatulad na epekto sa kaniyang katawan, dahil nalalabag din niya ang pagbabawal ng doctor dahil hindi man daw dumaan sa kaniyang bibig ay pumasok pa rin sa kaniyang katawan ang alak o alcohol na masama o ipinagbabawal sa kaniya.

Ganiyan din daw ang dugo kapag inilagay sa ugat sa pamamagitan ng TRANSFUSION ito raw ay nagagawang kainin o i-absorb ng ating katawan tulad ng sa alcohol o dextrose.

Ang sabi ko tama kung alak o alcohol ang pag-uusapan, kasi  ang alak o alcohol maging ang dextrose ay nasa uri na ng sustansiya na maaari nang magamit ng ating katawan bilang pagkain.

Kaya nga ba’t kapag ang isang tao na hindi makakain sa pamamagitan ng bibig ay pinapakain ito sa pamamagitan ng kaniyang mga ugat sa pamamagitan ng paglalagay sa kaniya ng dextrose.

Kapansin-pansin nga lang, may doctor na ba na nagsabi na SALINAN ninyo ng DEXTROSE ang pasyente, hindi ba wala naman.  Kasi nga ang DEXTROSE ay hindi naman isinasalin kundi tinatanggap ng katawan ng tao bilang isang uri ng sustansiya na pagkain niya.

Sa isang praktikal na paliwanag, kapag ba isinalin mo halimbawa ang 50ml na tubig sa isang baso nababawasan ba iyon? Hindi kasi nga isinalin mo lang eh. Nanatili iyong 50ml.

Eh iyon ba halimabawang 100cc na dugo isinalin mo sa isang pasyente, nauubos ba? Nababawasan ba? Hindi ba dumadagdag lang iyon sa kaniyang dugo na nandoroon na sa katawan niya?

Pero ang isang bote ng dextrose kapag inilagay mo sa isang pasyente, at sinuri mo ang kaniyang dugo makaraan ang ilang araw na hindi mo na siya nilagyan ng dextrose, nandun pa ba ang dextrose sa kaniyang dugo?

Ang dugo ay hindi pagkain ng ating katawan o isang uri ng sustansiya. Ang trabaho ng dugo sa katawan ng tao ay upang maghatid ng sustansiya maging ng oxygen sa iba’t-ibang bahagi ng ating katawan upang mapanatiling buhay ang ating mga cells o selyula.  Sa isang simpleng paliwanag ang dugo ay maihahalintulad sa PAMPASAHERONG BUS, at ang mga sustansiya naman ay ang PASAHERO. Ang trabaho lamang nito ay ihatid ang mga kinakailangang sustansiya sa iba’t-ibang sangkap ng ating katawan upang panatilihin na ito ay malusog at malakas, at siyempre panatilihin itong buhay.

Kaya kapag sinalinan ka ng dugo ay dumadagdag lamang ito sa dugo na dati nang taglay ng iyong katawan. At hindi nauubos ang inilagay sa iyong dugo dahil hindi naman ito inaabsorb o kinakain ng iyong katawan.

Tandaan natin ang sinasalinan ng dugo ay iyong kulang sa dugo o may problema sa dugo. Gaya ng mga nanganak, mga naaksidente, o di kaya ay nagkasakit ng dengue, at iba pa.

Pero kung kakainin ng tao ang dugo at padadaanin ito sa kaniyang bibig ay ibang usapan na iyon kasi ang dugo ay papasok sa kaniyang sikmura, at doon ay magkakaroon ng chemical change, mababago ang anyo nito at magiging sustansiya na ito na maaari nang idistribute sa ating katawan ng ating dugo bilang pagkain na, at hindi na bilang dugo sa orihinal nitong anyo.

Ang bawal ng Diyos ay ang pagkain o DIGESTION ng dugo at hindi ang pagsasalin oTRANSFUSION.



Ang malaking tanong sa kaibigan nating mga Saksi ay ganito:

May dalawang bata na MALNOURISHED o iyong kulang sa sustansiya dahil hindi nakakakain na nasa isang pagamutan. Hindi maaaring pakainin sa bibig dahil hindi ito tinatanggap ng kanilang katawan dahil sa isinusuka lang.  Ang isang bata ay sinalinan ng dugo, ang isang bata naman ay nilagyan ng dextrose. 

Tanong: Sino sa kanilang dalawa ang mabubuhay?

a.      Ang sinalinan ng dugo     b.  ang nilagyan ng dextrose

Obvious ang sagot, mamamatay ang sinalinan ng dugo, ang mabubuhay ay ang nilagyan ng dextrose.  Gaya nga ng ating ipinaliwanag, hindi kinakain ng isang tao ang dugo na isinasalin sa kaniya kundi dumadagdag lamang ito sa dugo niya.  Hindi kagaya ng dextrose na nasa uri na ng isang sustansiya na kapag inilagay sa ating ugat ay makapagbibigay sa atin sustansiya para tayo mabuhay kahit hindi tayo makakain sa pamamagitan ng pagpapadaan sa ating bibig.

Ipinagbawal ba ng mga Apostol ang pagsasalin ng dugo?  Sa tanong na iyan obvious din ang sagot, HINDI! Dahil hindi pa naman uso sa panahon nila ang sistemang iyan.

Eh hindi pala aral ng mga Apostol ang pagbabawal ng pagsasalin ng dugo, samakatuwid iba ito sa aral na kanilang ipinangaral, eh ano ngayon ang dapat gawin?

Galacia 1:8  “Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil.”

Dapat itakuwil ang anomang aral na hindi ipinangaral ng mga Apostol o ng ebangheliyo, wala sa Biblia ang aral na pagbabawal nito, at hindi ito ipinagbawal ng mga Apostol kaya dapat itong itakuwil.


Masama bang mag-donate ng dugo?

Ano ba ang dugo ayon sa Panginoong Diyos?

Levitico 17:11  “Sapagka't ANG BUHAY NG LAMAN AY NASA DUGO; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: SAPAGKA'T ANG DUGO'Y SIYANG TUMUTUBOS DAHIL SA BUHAY.”

Ang buhay ng LAMAN ng isang TAO ay nasa DUGO at ibinigay ng Diyos ang DUGO para ipantubos sa BUHAY, gaya ng ginawa ng ating Panginoong Jesucristo.

Ang isang tao na nangangailangan ng dugo ay may pangangailangan na madugutungan ang kaniyang buhay.  At ang pagbibigay sa kaniya ng dugo ay katumbas ng pagbibigay sa kaniya ng BUHAY.

Dahil ang dugo ay BUHAY:

Deut 12:23  “Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: SAPAGKA'T ANG DUGO AY SIYANG BUHAY; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.”

At ang pagbibigay ng buhay sa ating kapuwa ay pagpapakita ng dakilang pag-ibig ayon kay Cristo:

Juan 15:13  “Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na IBIGAY NG ISANG TAO ANG KANIYANG BUHAY DAHIL SA KANIYANG MGA KAIBIGAN.”

Ang pagdodonate o pagbibigay ng dugo o buhay ay pagpapakita ng dakilang pag-ibig sa kaibigan o ating kapuwa.

Kaya ang INC ay sumusoprta sa ganitong gawain ang PAGDODONATE NG DUGO. Ginagawa ito ng mga kapatid sa INC bilang pagtugon sa pangangailangan ng ating kapuwa upang madugtungan o mailigtas ang kanilang buhay.

Paano Maliligtas ang Mga Taong Nabuhay Bago ang taong 1914?



Ang kauna-unahang Lokal ng INC sa Punta, Santa Ana, Manila


Isa sa tungkuling ipinagkaloob ng Diyos sa IGLESIA NI CRISTO sa Huling Araw na ito ang maipangaral ang salita ng Diyos sa lahat ng mga bansa:

Mateo 24:14 “At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.” 

At kapag naisagawa na ng IGLESIA na makapangaral sa lahat ng kinapal, maliwanag ang sabi NI CRISTO: “KUNG MAGKAGAYO’Y DARATING NA ANG WAKAS”.


Kaya hindi pa nagwawakas kasi nga hindi pa NAAABOT ng INC ang lahat ng kasulok-sulukan ng Daigdig. Maghintay ka lang at maaabot din sila ng pangangaral ng tunay na IGLESIA.

Papaano iyong mga taong nabuhay before 1914, so maliwanag na sa panahong iyan ay WALANG UMIIRAL NA TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO, paano sila ngayon maliligtas?

Eto ang PARAAN ng Diyos para sa kanila:

Roma 2:12 “Sapagka't ANG LAHAT NG NANGAGKASALA NG WALANG KAUTUSAN AY MANGAPAPAHAMAK DIN NAMAN NG WALANG KAUTUSAN: at ANG LAHAT NA NANGAGKASALA SA ILALIM NG KAUTUSAN AY SA KAUTUSAN DIN SILA HAHATULAN;” 

May paraan ang Diyos sa mga taong nabuhay sa panahon nang walang kautusan [110A.D. To 1914A.D.], o hindi umiiral ang tunay na aral ng Diyos, hindi nakaabot sa tao ang kaniyang mga salita dahil walang tunay na sugo at walang tunay na IGLESIA, kung nagkasala sila ng walang kautusan, ay hahatulan din sila ng walang kautusan. At dahil sa panahon noon ng unang IGLESIA NI CRISTO noong first century [33A.D. To 110A.D.] At noong 1914 pababa ay meron ng kautusan at tunay na aral na umiiral dahil sa pagsusugo ng Diyos, ay sa tunay na kautusang ito na umiiral hahatulan ang mga tao.


Papaano hahatulan iyong mga tao na nabuhay sa panahon na walang kautusan o walang tunay na aral?

Roma 2:14 “(Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;” 


Roma 2:15 “NA NANGAGTATANYAG NG GAWA NG KAUTUSANG NASUSULAT SA KANILANG PUSO, NA PINATOTOHANAN ITO PATI NG KANILANG BUDHI, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa);” 

Hahatulan ng Diyos ang tao ayon sa KAUTUSAN NA NAKASULAT SA KANIYANG PUSO, NA PINATUTUNAYAN NG KANIYANG BUDHI O KONSENSIYA, Ito ang gagamiting batayan ng Diyos sa paghatol sa mga taong nabuhay sa panahong WALANG TUNAY NA KAUTUSAN, O TUNAY NA ARAL, AT WALANG TUNAY NA IGLESIA. 

Ang pagpasok sa tunay na IGLESIA ay requirement sa mga taong dinatnan ng tunay na aral kaya nasa ilalim sila ng kautusan, kaya hahatulan sila ayon sa kautusang nasusulat na umiiral. Hindi nirerequire sa mga taong nabuhay sa panahong walang kautusan ang pag-anib sa isang IGLESIA, dahil wala naman silang Iglesiang papasukan, dahil hindi pa ito umiiral. Kaya ang gagamitin ng Diyos na basehan sa paghatol sa kanila ay ang kanilang budhi, ito ang magdidikta sa kanila kung tama o mali ba ang kanilang nagawa.

May halimbawa ba sa Biblia na taong HINATULAN NG DIYOS NG WALANG KAUTUSAN?

Nun’ bang patayin ni Cain si Abel ay mayroon nang batas noon na bawal ang pumatay? Wala pa, hindi ba? Kasi sa panahon lamang ni Moises ibinigay ang batas ng Diyos na ito at libong taon pa ang pagitan ni Moises mula kay Cain. Hindi mo naman kayang sabihin na hindi nakonsiyensiya o hindi inusig ng kaniyang budhi si Cain, kaya nga ng hinahanap ng Diyos kung nasan si Abel, ay hindi niya masabi-sabi sa Diyos na pinatay niya ito, kundi sabi niya“Aywan ko, ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?” [Genesis 4:9at sa pamamagitan nito ay nahatulan ng Diyos si Cain kahit walang batas o kautusang nakasulat na umiiral.

MULI NA NAMAN TAYONG SINAGOT NG MALINAW NG BIBLIA…