Likong paniniwala ng taga ADD sa Juan 1:14-16

Jepoy Talentado said: 
Tatanungin kita ulit anu b ang masama kung Diyos si Cristo na nagkatawang tao? ( juan 1:14-16 ) sumagot ka wag kang tanga, bkit sa tao nyo ipinangalan ang iglesia mo at bkit ndi sa Diyos ? Think wise kung nag iisip kang tanga ka..
 Isang kaanib sa ADD na mahilig ring mag mura [Jepoy Tolentino ]

-----------------------------------------------------------
Sa pananalita palang ng kaanib na taga ADD na si jepoy ay HINDI na pasado sa AMANG DIOS,hehehehe,tsk tsk tsk [Kaya wag gagayahin]

Sa ibinigay mong talata na Juan 1:14-16, maliwanag na ang nais mong ipakahulugan ay isa na naman itong batayan mo para ipanindigan ang mahirap na ipaglabang paniniwala ninyo na si Cristo ay tunay na Dios, o Dios na nagkatawang tao…sa mga talatang iyong ibinigay ay dalawa lang naman ang inyong pinagbabatayan ang nasa Juan 1:14, na sinasabing nagkatawang tao ang Verbo…at ang nasa Juan 1:16 na sinasabing walang taong nakakita sa Dios, ang bugtong na Anak na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kaniya. Sa mga talatang iyan maliwanag na WALA TAYONG MABABASA NA SINABI NA SI JESU-CRISTO AY TUNAY NA DIOS…kahit basahin mo pa ng isang daang beses walang sinasabi sa talata…e saan galing iyon? Sa inyong imahinasyon at mula sa maling pagkaunawa ninyo sa talata.
Unahin nating ipaliwanag ang sinasabi sa Juan 1:14 na mababasa ang ganito:

Juan 1:14  “AT NAGKATAWANG-TAO ANG VERBO, AT TUMAHAN SA GITNA NATIN (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.”

Sa mga katagang NAGKATAWANG-TAO ANG VERBO, dito nalilito at nagkamali ng pagunawa ang mga naniniwala na si Cristo ay Dios…Inakala nila na ang ibig sabihin ng mga katagang ito si Cristo ang Verbo na nagkatawang tao…at dahil sa siya ay Dios, na gaya ng kanilang pagkaunawa sa Juan 1:1, maliwanag aniya na si Cristo ay DIOS NA NAGKATAWANG TAO.  Napatunayan na natin sa nakaraan na ang VERBO ay siyang salita ng Dios at hindi isa pang Dios na bukod sa tunay na Dios na nagsalita nito…

Gaya nang unang paliwanag ko…puntahan natin sa original na wika na ginamit sa Bagong Tipan ang talatang ito…tama ba ang pagkakasalin ng verse na ito…humanda ka nang magulat dahil alam ko hindi mo ito alam…

Basahin natin sa Greek New Testament ang nasabing talata:
Juan 1:14  και ‘ο λογος σαρξ εγενετο και εσκηνωσεν εν ‘ημιν και εθεασαμεθα την δοξαν αυτου δοξαν ‘ως μονογενους παρα πατρος πληρης χαριτος και αληθειας”


Kunin natin ang bahaging ito na sinasabi ng Bibliang tagalog na nagkatawang-tao ang verbo…
Sa Bibliang tagalong ay                “At nagkatawang-tao ang verbo”
Sa Bibliang Greek ay ganito:         και ‘ο λογος σαρξ εγενετο”

Translate natin sa English na word for word:
                                       Και [and]   ο λογος [the word]   σαρξ [flesh]  εγενετο  [made]
Napansin mo ba na sa Greek ang nakalagay    “and the word flesh made”

At ang pinakamalapit na saling English ay ang nasa King James Version na ganito:
                       
John 1:14  And the Word was made flesh,…”  (KJV)

Na dapat sana ay isinalin sa tagalog ng ganito:    “AT ANG SALITA AY GINAWANG LAMAN”

Kaibigan hindi ba maliwanag na pandaraya ang ginawa ng mga nagsipagsalin sa tagalog ng Biblia, palibhasa kamukha ninyong naniniwala na ang Dios ay NAGKATAWANG TAO, kaya pinalitan ang salitang “GINAWANG LAMAN” ng katagang “NAGKATAWANG-TAO” na sa English ay “INCARNATED” kaya nga meron sa English na word na REINCARNATION e, na ang ibig sabihin MULING PAGKAKATAWANG-TAO…kitang-kita daya kaibigan…hindi ba? Kasama ka ng mga nadaya ng mga taong ito na parurusahan pagdating ng araw ng paghuhukom…

Wala kang makikita sa kahit anong Bibliang English na ang nakalagay sa Juan 1:14 ay “AND THE WORD INCARNATED” [Umpisahan mo nang maghanap]…lalong-lalo na ng mga katagang “AND GOD INCARNATED”…hindi ba ganiyan ipinapaliwanag sa English iyan ng mga naniniwalang Dios si Cristo na nagkatawang-tao?

Ang tamang salin ay ganito….    “AT ANG SALITA AY GINAWANG LAMAN”…

Ano ang ibig sabihin ng laman, at sino gumawa na maging laman ang salita?

Gen 6:3  “At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa TAO magpakailan man, sapagka't siya ma'y LAMAN: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.”

Ang tinutukoy ng salitang LAMAN ay TAO…samakatuwid ang ibig sabihin lamang ng talata ay

GUMAWA ANG DIOS NG TAO SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG SALITA…AT ANG TAONG IYON AY SI CRISTO NA TUMAHAN SA GITNA NATIN…

at talaga namang nilikha ng Dios ang tao sa pamamagitan ng kaniyang salita hindi ba? Tutol ka ba diyan? Alam ko pagdating diyan may alam ka na….hehehe

At hindi naman maikakaila na si Cristo ay nilalang ng Dios…gaya ng mababasa sa talatang ito:

Col 1:15  “Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ANG PANGANAY NG LAHAT NG MGA NILALANG;”

O hindi ba napakaliwanag niyan na sinasabi ng Biblia na si Cristo ay isang NILALANG?
At may napansin ka ba sa talata?  Sinabi din na:  SIYA ANG LARAWAN NG DIOS?...
Bakit sino ba ang nilikhang kalarawan ng Dios…ang isa pang Dios o ang Tao?

BASA:
Santiago 3:9  “Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa MGA TAONG GINAWANG AYON SA LARAWAN NG DIOS:”

Ang tao ang nilikha ayon sa larawan ng Dios…at si Cristo ay isang nilalang na ginawa ng Dios na kaniyang larawan…kaya HINDI MO MATUTUTULAN ANG MGA KATOTOHANANG ITO…pinatutunayan pa nga ng Juan 1:14 na hindi Dios ang Panginoong Jesucristo…kundi ginawa siyang TAO ng Dios…
At talaga namang hindi magkakaroon ng Cristo kung hindi siya ginawa ng Dios…eto pruweba:

Act 2:36  “Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na GINAWA NG DIOS NA PANGINOON AT CRISTO ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”

Kita ninyo kung hindi siya ginawang Cristo, e di walang Cristo…nilalang siya ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu Santo, at ipinanganak siya ng isang babae…at kung kaya nagtaglay siya ng iba’t-ibang katangian ay sapagkat ginawa iyon ng Dios sa kaniya…

May mababasa ka ba sa Biblia na GINAWA NG DIOS NA DIOS SI CRISTO? Umpisahan mo nang maghanap ng talata kaibigan…HIHINTAYIN KO IYAN.

E kung hindi paniniwalang Cristiano ang paniniwalang ang DIOS AY NAGKATAWANG TAO…kaninong paniniwala iyan?  May sagot si Apostol Pablo diyan…tiyak hindi mo ito alam…

BASA:
Act 14:11  “At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo, ay nagsigawan sila, na sinasabi sa wikang Licaonia, ANG MGA DIOS AY NAGSIBABA SA ATIN SA ANYO NG MGA TAO.

Act 14:12  “At tinawag nilang Jupiter, si Bernabe; at Mercurio, si Pablo, sapagka't siya ang pangulong tagapagsalita.”

Act 14:13  “At ang saserdote ni Jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan, ay nagdala ng mga baka't mga putong na bulaklak sa mga pintuang-daan, at ibig maghaing kasama ng mga karamihan.”

Act 14:14  “Datapuwa't nang marinig ito ng mga apostol, na si Bernabe at si Pablo, ay hinapak nila ang kanilang mga damit, at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan, na nagsisigaw,”

Act 14:15  “At nagsisipagsabi, MGA GINOO, BAKIT NINYO GINAGAWA ANG MGA BAGAY NA ITO? KAMI'Y MGA TAO RING MAY MGA KARAMDAMANG GAYA NINYO, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang MULA SA MGA BAGAY NA ITONG WALANG KABULUHAN AY MAGSIBALIK KAYO SA DIOS NA BUHAY, na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon:”

OH HAYAN KAIBIGAN NAPAKALIWANAG NA ANG PANINIWALANG ANG DIOS AY NAGKATAWANG TAO O NAGANYONG TAO AT BUMABA SA LUPA AY PANINIWALA NG MGA TAONG PAGANO…iyong mga taong hindi nakikilala kung sino ang Tunay na Dios at maraming Dios na kinikilala, hindi ba ganiyan kayo kasi dalawa Dios niyo…Este tatlo pala kasama nga pala si Ely boy sa Dios ninyo…
Hindi ba sabi niya:
“Ano magagawa sa akin ng tao, e tao lang kayo, kasama ko Dios, PATI AKO DIOS NA RIN EH…”

Ano sabi ni Apostol Pablo… “MULA SA MGA BAGAY NA ITONG WALANG KABULUHAN AY MAGSIBALIK KAYO SA DIOS NA BUHAY”…

Ayon sa kaniya walang kabuluhan ang paniniwalang iyan…kaya kung ako sa iyo iwan mo na iyan at maglingkod ka na sa Tunay na Dios na walang iba kundi ang Ama….kaya nga sabi ni Pablo ganito:

1Co 8:5-6  “Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon; 

“NGUNI'T SA GANANG ATIN AY MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.

Ang tunay na mga Cristiano [kami yun hindi kayo] ang paniniwala ISA LANG ANG DIOS AT WALANG IBA KUNDI ANG AMA…at hindi kung sinu-sino ang kinikilalang Dios…
Tutulan mo ang mga paliwanag kong ito…tsaka tayo dadako sa iba pang talata…gaya ng JUAN 1:16…at natitiyak ko sa iyo…pag ipinaliwanag ko iyan…lalo ka na namang mabibigla…dahil ang mga katotohanang ito na itinuro sa amin ay hindi matutulan ng sinoman…kahit ng INYONG KINIKIKILALANG SUGO NA HINDI MALAMAN KUNG NASAAN….






1 comment:

  1. ang mahirap lang sa inc kapag tiwalag ka dhil sa asawa mo kelan man di kana mkpagbalik khit samba ka ng samba kung ayaw tlaga ng asawa mo...

    ReplyDelete