Ano Ba Ang Ipinagutos Ni Cristo Na Itawag Sa Diyos Na Nasa Langit?
Isang Paglalarawan sa buhay ni Jesus habang tinuturuan niya ang mga alagadKung papaano manalangin at kasabay niya ring itinuro kung ano ang itatawag sa Diyos. |
ANG mga tao sa daigdig ngayon ay may iba’t-ibang katawagan sa Diyos, at maging sa mga relihiyong nagpapakilalang Cristiano ay hindi rin mabilang ang pangalan na itinatawag nila sa Diyos. Kaya hindi po natin maiiwasan na itanong:
Ano nga ba ang tawag ng tunay na mga Cristiano sa Diyos na itinuro ni Cristo?
Ang sandaigdigan po ay binubuo ng TATLONG DAKILANG HATI ng PANAHON, gaya ng mababasa sa aklat ng HEBREO:
Hebreo 1:1-2 “Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating MGA MAGULANG sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng MGA PROPETA, Ay nagsalita sa atin sa MGA HULING ARAW na ito SA PAMAMAGITAN, NG KANIYANG ANAK, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;”
Maliwanag po sa Biblia ang TATLONG DAKILANG HATI
1) PANAHON NG MGA MAGULANG o PATRIARKA (Mula sa panahon ni Eva’t Adan hanggang sa panahon ni Moises)
2) PANAHON NG MGA PROPETA o PANAHON NG BAYANG ISRAEL (Mula sa panahon ni Moises hanggang sa paglitaw ni Juan Bautista)
3) PANAHON NI CRISTO o PANAHONG CRISTIANO (Mula sa paglitaw ni Juan Bautista hanggang sa Muling Pagparito ni Cristo sa Araw ng Paghuhukom)
Luke 16:16 "The Law of Moses and the writings of the prophets were in effect up to the time of John the Baptist; since then the Good News about the Kingdom of God is being told, and everyone forces their way in.” [Good News Version]
Tapos na po ang DALAWANG YUGTO ng PANAHON at tayo po ngayon ay nasa PANAHONG CRISTIANO na:
Sa PANAHONG CRISTIANO kangino po ba tayo dapat makinig? Sasagutin tayo ng Panginoong Diyos mismo:
Mateo 17:5 “Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, na siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.”
Maliwanag po kung gayon na ang dapat na pakinggan natin sa PANAHONG ito, ay walang iba kundi ang ANAK ng Diyos, na walang iba kundi ang PANGINOONG JESUS.
Sapat na po ba na makikinig lang tayo sa kaniya?
Lucas 6:46 “At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at DI NINYO GINAGAWA ANG MGA BAGAY NA AKING SINASABI?”
Samakatuwid kailangan na si CRISTO ay ating PAKINGGAN at ating SUNDIN dahil ito ang ipinagutos ng Diyos na dapat gawin sa panahong ito na kung tawagin nga ay PANAHONG CRISTIANO.
At natural lang naman na kung nagpapakilala kang “CRISTIANO” dapat lang naman na ang sundin mo ay si CRISTO, dahil ang ibig sabihin ng salitang “CRISTIANO” – TAGASUNOD NI CRISTO.
Ano ba ang iniutos ni CRISTO na itawag sa Diyos kapag tayo ay mananalangin?
Mateo 6:6 “Datapuwa't ikaw, PAGKA IKAW AY MANANALANGIN, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay MANALANGIN KA SA IYONG AMA na nasa lihim, at ang IYONG AMA na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.”
Napakaliwanag po na sinabi ni Jesus pagka tayo mananalangin ay AMA ang ating ipantatawag sa Diyos. Sapagkat ang AMA ay ang DIYOS ni CRISTO na dapat DIYOS din natin:
Juan 20:17 “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.”
Kaya po kami sa IGLESIA NI CRISTO sinusunod po namin ang turo at kautusan ni Cristo, tungkol sa kung ano ba talaga ang dapat itawag sa Diyos lalo na sa panahon ng aming pananalangin. Tinatawag po namin siyang AMA bilang pagsunod kay Cristo na ipinagutos ng Diyos.
Pero ang mga kaibigan naming SAKSI NI JEHOVA ay naniniwala na dapat ang itawag sa Diyos ay JEHOVA, ito kaya ay posibleng ituro ni Cristo? Ipagpapatuloy po natin.
POSIBLE BA NA IPAGUTOS NA TAWAGIN NI CRISTO ANG DIYOS NA “JEHOVA”?
Wala po sa kahit na sa pinakamatatandang manuskritong GRIEGO ang salitang “JEHOVA” na eksistido ngayon dahil sa ang salitang “JEHOVA” ay lumitaw lamang noong 1270 A.D. [13thCENTURY] ayon na rin sa pagpapatunay ng aklat ng mga SAKSI na may pamagat na AID TO BIBLE UNDERSTANDING:
“By combining the vowel signs of 'Adho.nay and 'Elo.him' with the four consonants of the Tetragrammaton the pronunciations Yeho.wah' and Yehowih' were formed. The first of these provided the basis for THE LATINIZED FORM "JEHOVA(H)." The FIRST RECORDED USE OF THIS FORM dates from the THIRTEENTH CENTURY C.E. RAYMUNDUS MARTINI, a SPANISH MONK OF THE DOMINICAN ORDER, used it in his book Pugeo Fidei of the year 1270.” [AID TO BIBLE UNDERSTANDING, Watchtower Bible And Tract Society, 1971, pp. 884, 885.]
Sa Filipino:
“Sa pamamagitan ng pagsasanib ng mga patinig ng ‘Adho-nay at ‘Elo-him sa apat na katinig ng Tetragramaton ang mga pagbigkas na Yeho-wah at Yehowih ay nabuo. Ang una sa mga ito ang nagbigay ng basehan para sa ISINA-LATING ANYO na JEHOVA(H). Ang KAUNAUNAHANG TALA NG PAGGAMIT SA ANYONG ITO ay mauugat mula noong IKA-13 SIGLO (C.E.)- Panahong Cristiano, Si RAYMUNDUS MARTINI, isang KASTILANG MONGHE ng DOMINICAN ORDER, ay ginamit sa kaniyang aklat na Puego Fidei noong taong 1270.”
Klaro sa paliwanag, ang salitang “JEHOVA” po ay galing sa LATIN, hindi po ito galing sa HEBREO o GRIEGO, kaya po wala ito sa mga manuskrito na pinagbatayan ng pagsasalin ng ating Biblia. Ang UNANG GUMAMIT ng salitang JEHOVA ay si RAYMUNDUS MARTINI na mula sa DOMINICAN ORDER – isang sangay ng mga PARI sa IGLESIA KATOLIKA noon lamang taong 1270 o IKA-13 SIGLO.
Ang bahagi ng pahina ng "Puego Fidei" na sinulat ng isang Monghe ng Iglesia Katolika noong 1270 na kinabasahan ng salitang JEHOVA sa kauna-unahang pagkakataon |
Maliwanag na ang salitang “JEHOVA” na salitang LATIN ay nanggaling sa IGLESIA KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA.
Matagal na pong tapos ang Biblia noon pang FIRST CENTURY, matagal nang umakyat sa Langit si Cristo, at patay nang lahat ang mga Apostol. Wala po sila ni katiting na kinalaman sa paglitaw sa mundo ng pangalang iyan na itinatawag nila sa Diyos. Kaya napaka-imposible po na ipagutos ni Cristo na tawaging JEHOVA ang Diyos.
ITO PO ANG MAS NAKATATAWAG NG PANSIN:
Naniniwala ba ang WATCHTOWER SOCIETY na ang salitang JEHOVA ang tamang paraan ng pagbigkas ng pangalan ng Diyos? Magugulat kayo sa kanilang sagot:
While inclining to view the pronunciation "Yah.weh" as THE MORE CORRECT WAY, we have retained the form "JEHOVAH" BECAUSE OF PEOPLE'S FAMILIARITY WITH IT SINCE THE 14TH CENTURY.[ The Kingdom Interlinear Translation of the Greek Scriptures, 1969, p. 23.]
Sa Filipino:
“Bagamat kinikilingan ang pananaw sa pagbigkas ng “Yah-weh” bilang MAS TAMANG PARAAN, aming pinanatili ang anyong ‘’JEHOVA”dahil sa PAMILYAR DITO ANG MGA TAO MULA NOONG IKA-14 NA SIGLO.”
Alam ng WATCHTOWER na ang PANGALANG “JEHOVA” ay hindi ang PINAKAWASTONG PARAAN ng pagbigkas ng pangalan ng Diyos, subalit mas pinili nila ito dahil sa ito raw ang pamilyar sa tao noong 14th Century.
Maliwanag kung gayon na ang pinaboran nila ay hindi ang MAS TAMA, kundi kung ano ang gusto ng mga tao.
Maliwanag na ang nasunod ay ang tao. Payag ba ang mga Apostol sa ginawa nilang ito? Biblia po ang sasagot sa atin:
Gawa 5:29 “Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, DAPAT MUNA KAMING MAGSITALIMA SA DIOS BAGO SA MGA TAO.”
Hindi po pumapayag ang mga Apostol na ang ating sinusunod ay ang gusto ng tao. Kaya kahit na pamilyar sa tao ang “JEHOVA” ay hindi ito dapat ang kanilang mas pinili, sa kabila ng katotohanang alam naman nila na hindi ito ang PINAKAWASTONG PAGBIGKAS ayon sa kanila.
ANG LALONG NAKAKATAKOT AY ITO:
Sa kabila ng KATOTOHANAN na alam nila na hindi ito ang PINAKAWASTONG PAGBIGKAS, ganito po ang nakakatakot na sabi ng kanilang publikasyon
“Have you been taught to use GOD'S NAME, JEHOVAH? IF NOT, YOUR SALVATION IS IN JEOPARDY, for "EVERYONE WHO CALLS ON THE NAME OF JEHOVAH WILL BE SAVED"! -- Acts 2:21; compare Joel 2:32.” [THE WATCHTOWER, August 15, 1997, p. 6]
Sa Filipino:
“Ikaw ba ay naturuan na gamitin ang PANGALAN ng DIYOS na JEHOVA? KUNG HINDI, ANG IYONG KALIGTASAN AY NASA DELIKADONG KALAGAYAN, dahil sa “ANG SINOMANG TUMATAWAG SA PANGALAN NI JEHOVA AY MALILIGTAS”! Gawa 2:21; ihambing ang Joel 2:32.”
Hindi po ba nakakatakot iyan? Dahil lumalabas sa kanilang paniniwala na ang KALIGTASAN ay nakabatay sa isang PANGALAN na hindi ang PINAKAWASTONG PAGBIGKAS. Hindi ipinagutos ni Cristo ni ng mga Apostol.
At ang lalong kahindik-hindik ay galing pa ito sa IGLESIA KATOLIKA na siyang NAGTALIKOD sa UNANG IGLESIA na itinatag ni CRISTO sa JERUSALEM noong Unang Siglo at nagpapatay ng napakaraming tao noong panahon ng INQUISITION, na pinamumunuan ng mga BULAANG PROPETA at mga taong kaaway ng DIYOS na pinatutunayan ng Biblia at ng mga nasulat na Kasaysayan.
KAYA PAPAANO TAYO MALILIGTAS SA PAGTAWAG NG PANGALANG “JEHOVA”?
Pasensiya na po kayo mga kaibigang SAKSI NI JEHOVA dahil hindi po namin matatawag ang Diyos sa PANGALANG iyan na ginawa at binuo lamang ng tao.
Ang tawag namin sa kaniya ay “AMA” gaya ng ipinag-utos ni Cristo na siyang dapat itawag sa kaniya, dahil hindi namin kayang suwayin si Cristo na nagmamay-ari sa amin, kaya nga ang tawag sa amin ay IGLESIA NI CRISTO.