ISANG pangkaraniwang pangitain sa mga kaibigan nating mga Katoliko ang PAG-AANTANDA o iyon bang kung tawagin sa English na SIGN OF THE CROSS.
Madalas na kapag napapadaan sila sa Simbahan, sa simenteryo, oh kapag sila’y nakadarama ng matinding takot at pangamba, bago at matapos magdasal, ay nag-aantanda sila sa pag aakalang ang gawaing ito ay nakababanal at may nag-aakala rin na ito ay ipinag-utos ng Panginoong Diyos.
Subalit sa aming mga Iglesia ni Cristo, ay hindi namin isinasagawa ang ganito. Kaya atin pong talakayin ang dahilan kung bakit hindi nag-aantanda o nagsa-SIGN OF THE CROSSang INC.
Tanda ng taong Katoliko
Hindi ito aral ng INC, kaya atin pong tanungin ang Iglesia Katolika, ano ba itong PAGAANTANDA o pagsa-SIGN OF THE CROSS?
Narito po ang kanilang sagot:
"ANG TANDA NG SANTA KRUS
"Ang paraang ginagawa sa paggamit ng Santa Krus ay dalawa: ang magantanda at ang magkrus. ANG PAGAANTANDA AY ANG PAGGAWA NG TATLONG KRUS NANGHINLALAKI NG KANYANG KANANG KAMAY; ANG UNA'Y SA NOO,... ANG TANDA NG SANTA KRUS AY SIYANG TANDA NG TAONG KATOLIKO,.." [Siya Ang Inyong Pakinggan:Ang Aral na Katoliko, Page 11]
Maliwanag ang Sagot sa atin ng aklat na sinulat ng Paring si Enrique Demond, kaya isinasagawa ang PAG-AANTANDA o SIGN OF THE CROSS ay sapagkat ito ay TANDA ng taong Katoliko. At totoo naman ito dahil madali mo naman talagang makilala ang Katoliko sa Hindi Katoliko, kapag nasa sasakyan ka, pag napatapat sa Simbahan, at may nag-antanda eh alam mo na kagad na Katoliko iyon.
Niliwanag din ng aklat Katoliko kung papaano isinasagawa ang pag-aantanda, ito ay paggawa ng tatlong krus ng hinlalaki ng KANANG KAMAY; ang una ay sa NOO.
Hindi niyo ba napapansin mga kaibigan na kahit kaliwete ang isang Katoliko hindi siya maaaring mag-antanda sa pamamagitan ng kaniyang kaliwang kamay? Kailangang KANANG KAMAY lamang ang kaniyang gagamitin. At hindi niya maaaring umpisahan ang pag-aantanda sa ibang bahagi ng katawan maliban sa kaniyang NOO lamang?
At dahil sa ito ay PAGAANTANDA na gamit ang KANANG KAMAY at NOO, kaya ito ay maaari nating tawagin na TANDA SA NOO at KANANG KAMAY.
Ipinag-uutos ba ito ng Biblia? May mababasa ba tayong verse sa Bible na nagtuturo na gawin ang bagay na ito?
Ang Tanda sa Noo at Kanang Kamay
Sa Biblia, may binabanggit na TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY, pero ang kapansin-pansin hindi ito tanda ng mga taong maliligtas o tanda ng mga hinirang ng Diyos, kundi tanda ng mga taong mapapahamak:
Apocalypsis 13:16 “At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isangTANDA sa kanilang KANANG KAMAY, o sa NOO;”
Mabuti ba ang pagkakaroon ng tandang ito? Ano ba ang idududulot sa tao kung tayo ay mananatiling magkakaroon o magsasagawa ng tandang ito?
Apocalypsis 14:9-11 "At ang ibang anghel, ang pangatlo ay sumusunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumamba sa hayop at sa kaniyang larawan,at tumatanggap ng TANDA SA KANIYANG NOO, O SA KANIYANG KAMAY, Ay iinom din naman siya ng alak ng kaglitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y PAHIHIRAPAN NG APOY AT ASUPRE sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: AT ANG USOK NG HIRAP NILA AY NAPAIILANGLANG MAGPAKAILAN KAILAN MAN; AT SILA'Y WALANG KAPAHINGAHAN ARAW AT GABI, sila mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan."
Ang mga taong nagsasagawa ng PAG-AANTANDA o SIGN OF THE CROSS ay ang mga taong mapapahamak, sapagkat sila ang nagtataglay ng TANDA sa NOO at KANANG KAMAY.
At ito ay sinasang-ayunan maging ng PASIYON ng Iglesia Katolika na sinulat ng isa pang Pari na si Aniceto dela Merced:
"Ipag uutos mag quintal sa noo o canang camay sucat pagca quilalanan na sila nga, i, campong tunay nitong Anti-Cristong hunghang." [Pasion Candaba, isinulat ng Paring si Aniceto dela Merced, Page 210]
Sabi ng Pari, ang nagtataglay ng TANDANG ito ay kabilang sa mga tao na tinatawag na Anti-Cristo o kalaban ni Cristo kaya po tiyak na mapapahamak at hindi maliligtas sa Araw ng Paghuhukom.
Kaya iwan na po natin ang ganitong gawain.
“Tanda sa Noo at Kanang Kamay” iba raw sa “Tanda sa Noo o Kanang Kamay”
Sa kagustuhan namang makapangatuwiran (o magpalusot as usual) ng mga kaibigan natingCatholic Defenders, ang nakalagay daw sa talata ay “TANDA SA NOO O KANANG KAMAY” at hindi daw “TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY”, sinasadya daw ng mga ministro sa INC na palitan ang “O” ng “AT” para daw mapalitaw na ang Katoliko ang tinutukoy, nagkakasala daw ang mga ministro sa INC sa ginagawa nilang ito na maging ang Biblia daw pinapalitan ng salita para mabagao ang kahulugan.
Kaya puntahan po natin ang nasabing talata sa Bibliang Griego ang orihinal na wikang ginamit sa pagsulat ng Bagong Tipan:
Revelations 13:16 “και ποιει παντας τους μικρους και τους μεγαλους και τους πλουσιους και τους πτωχους και τους ελευθερους και τους δουλους ‘ινα δωση αυτοις χαραγμα επι της χειρος αυτων της δεξιας η επι των μετωπων αυτων”
Pagbigkas:
kai poiei pantas tous mikrous kai tous megalous kai tous plousious kai tous ptōkhous kai tous eleutherous kai tous doulous hina dōsē autois kharagma epi tēs kheiros autōn tēs dexias ē epi tōn metōpōn autōn
Revelations 13:16 AndG2532 he causethG4160 all,G3956 both smallG3398andG2532 great,G3173(G2532) richG4145 andG2532 poor,G4434 (G2532)freeG1658 andG2532 bond,G1401 toG2443 receiveG1325 G846 a markG5480inG1909 theirG848 rightG1188 hand,G5495 orG2228 inG1909 theirG848foreheads:G3359 [KJV with Strong’s Concordance]
Ang salitang Griegong “η” [ē] (pansinin ang letrang kulay pula sa itaas) na sa English ay isinalin bilang “OR” na sa tagalog ay “O”, ay maniniwala ba kayo na kasing kahulugan din ng salitang “AND” na sa tagalog ay “AT”?
Tingnan ang paliwanag na ito ng isang kilalang Greek Dictionary:
G2228
ἤ ē ay
A primary particle of distinction between two connected terms; disjunctive, or; comparative, than: - and, but (either), (n-) either, except it be, (n-) or (else), rather, save, than, that, what, yea. Often used in connection with other particles. Compare especially G2235, G2260, G2273.
[Strong’s Greek Dictionary]
Kitang-kita sa dictionary na kasama sa kahulugan nito ang salitang “and”.
At dahil sa ang salitang “η” [ē] ay kasing kahulugan din ng salitang “AND” o “AT” sa tagalog, ay hindi kailan man magiging maling sabihin na:
“TANDA SA NOO ‘O’ KANANG KAMAY”
ay katumbas din ng
“TANDA SA NOO ‘AT’ KANANG KAMAY”
Wala po iyang pagkakaiba kung sa orihinal na wikang ginamit sa Biblia na wikang Griegoang pag-uusapan. Kaya po hindi nagkakamali ang INC sa bagay na iyan.
Kaya sorry na lang mga magiting na Catholic Defenders, dahil walang magagawa ang pagpapalusot ninyong ito, palibhasa’y hindi ninyo matutulan kaya ultimo iyong salitang “AT” at “O” ay ginagawan ninyo ng isyu.
At para lalo nating matiyak na talagang ang Apocalypsis 13:16 ay sa mga Katoliko tumutukoy, ibaba lang ang pagbasa sa talatang 17 hanggang 18, at ganito ang ating matutunghayan:
Apocalypsis 13:17-18 “At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, KUNDI SIYANG MAYROONG TANDA, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan. Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU'T ANIM.”
Ang nagbigay o siyang nag-utos na ang mga tao’y magkaroon ng TANDA sa NOO AT KANANG KAMAY ay ang taong may bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM [666], na ang kinatuparan nito ay ang PAPA sa ROMA, at kung nais mabasa ang kumpletong pagtalakay, puntahan ang LINK na ito:
Kaya po sa mga kaibigan naming mga Katoliko, iwan na po ninyo ang gawaing iyan, dahil ang PAGAANTANDA ng KRUS, o pagsa-SIGN OF THE CROSS ay TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY, tanda ng mga taong mapapahamak, isang gawaing hindi po makapagliligtas kundi magdadala sa atin sa kaparusahang walang hanggan sa araw ng paghuhukom.
Magsama-sama po tayo sa tunay na paglilingkod sa Diyos, halina po kayo at making sa mga katotohanan ng Diyos na itinuturo ng tunay na Iglesia - Ang Iglesia ni Cristo.