Banal na Hapunan sa Umaga?



“Bakit ang Banal na Hapunan ng INC ay ginagawa sa UMAGA? Hapunan ‘yon, diba?”

SAGOT: Malaki ang pagkakaiba ng BANAL NA HAPUNAN sa ORDINARYONG HAPUNAN, kaya tayo kumakain ng hapunan, ay upang tayo ay “MABUSOG”, upang maibsan ang ating gutom. Iba ang Pagbabanal na Hapunan, hindi ito isinasagawa para tayo ay mabusog.

Niliwanag iyan ni Apostol Pablo:
1 Corinto 11:20 “Kaya’t sa inyong pagtitipon, hindi BANAL NA HAPUNANng Panginoon ang kinakain ninyo. [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

1 Corinto 11:21 “Sapagka't sa inyong pagkain, ang bawa't isa'y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba; at ang isa ay gutom, at ang iba'y lasing.”

1 Corinto 11:22 “ANO, WALA BAGA KAYONG MGA BAHAY NA INYONG MAKAKANAN AT MAIINUMAN? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.” 


Inakala ng mga unang Cristiano noong una na ang BANAL NA HAPUNAN, ay katulad ng ordinaryong hapunan na KAINAN at INUMAN, kaya ang IBA AY NAGPAPAUNA SA PAGKAIN, at ang iba naman ay NALASING sa kaiinom ng katas ng UBAS. Kaya nga sabi ni PABLO ay: ” ANO, WALA BAGA KAYONG MGA BAHAY NA INYONG MAKAKANAN AT MAIINUMAN?” Kasi nga hindi naman ORDINARYONG HAPUNAN iyon eh na kaya ka nanduduon ay KAKAIN ka hanggang gusto mo para ikaw ay MABUSOG. 

Kaya nga ang TAGUBILIN ni Pablo ay:
1 Corinto 11:34 “KUNG MAY NAGUGUTOM, KUMAIN NA MUNA SIYA SA BAHAY upang hindi humantong sa hatol na kaparusahan ang inyong pagtitipon. Tungkol naman sa ibang mga bagay, saka ko na aayusin pagdating ko riyan.” [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

Kaya maliwanag na hindi ORDINARYONG HAPUNAN, ang BANAL NA HAPUNAN, kasi nga kailangan kung nagugutom ka KUMAIN KA MUNA SA BAHAY, dahil hindi ka pupunta sa BANAL NA HAPUNAN para mabusog.

Ano ba ang BANAL NA HAPUNAN, Bakit ba natin ito isinasagawa?
1 Corinto 11:24 “At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: GAWIN NINYO ITO SA PAGAALAALA SA AKIN.”

1 Corinto 11:25 “At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: GAWIN NINYO ITO SA TUWING KAYO'Y MAGSISIINOM, SA PAGAALAALA SA AKIN.”
 

Ang PAGKAIN NG TINAPAY at ang PAG-INOM SA SARO o ng KATAS NG UBAS, na bahagi ng PAGBABANAL NA HAPUNAN ay ginagawa upang ALALAHANIN ANG PANGINOONG JESUCRISTO. Hindi para MAGHAPUNAN ng LITERAL na kaya ka kakain noon ay PARA MABUSOG KA.

PAG-AALAALA iyon kay Cristo, kaya puwede nating GAWIN, kahit sa UMAGA, TANGHALI o maging sa GABI. Ang “BANAL NA HAPUNAN” ay ang PANGALAN na itinawag sa gawaing ito ng PAG-AALALA SA KANIYA.

Kaya HINDI APPLICABLE ang “ELEMENT OF TIME” sa pangalang o katawagang ito. Katulad ng mga halimbawa sa ibaba ng mga KATAWAGAN o SALITA na hindi APLIKABLE ang TINATAWAG NA “ELEMENT OF TIME”…

Katulad ng “SIMBANG GABI” na isinasagawa sa MADALING ARAW

Katulad ng salitang “MIRIENDA” na sa English ay AFTERNOON TEA, na puwede ring GAWIN SA UMAGA.

Ang salitang “NIGHT GOWN”, ay hindi nangangahulugang sa GABI MO LANG PUWEDENG ISUOT iyon. At kapag isinuot mo sa UMAGA ay hindi na siya NIGHT GOWN.

Iyong MUTA SA MATA na tinatawag sa ENGLISH na MORNING GLORY, pero hindi nangangahulugan na sa UMAGA ka lang puwedeng magkaroon nun.
Sana nakatulong sa mga nagsusuri…

Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw - Part 2


Ang Kauna-unahang Lokal ng INC sa Punta Sta Ana

Ating napag-aralan sa nakaraan na hinulaan ng Biblia na sinabi sa aklat ni Propeta Isaiasna ang Huling Sugo ay magmumula sa malayong bansa na binubuo ng mga pulo na nasamalayong silangan, na ito nga ay ang bansang PILIPINAS. At ang tungkulin ng Mangangaral ng Diyos na ito ay itinulad sa isang Ibong Mandaragit hindi upang pumatay kundi upangmagligtas sa pamamagitan ng pagdagit o pag-agaw sa mga anak na lalake at babae ng Diyos mula sa kapahamakan. Na ang tinutukoy nga na HILAGAAN at TIMUGAN na magtatangkang pumigil sa gawaing ito ng Sugo ay ang dalawang malalaking relihiyon nung panahong siya’y isugo, ito nga ang mga relihiyong Protestante at Katoliko. Subalit hindi sila pinahintulutan ng Diyos kung kaya ang kaniyang gawain ay tunay na nagtagumpay at ang naging bunga nga ay napakaraming mga Protestante at mga Katoliko ang nagbalik-loob sa tunay na pananampalataya at naging kaanib ng tunay na Iglesia.

Subalit may ilang tagapangaral ng relihiyon din ngayon na nagsasabi na ang mga sinasabi daw ng Iglesia ni Cristo na hula na natupad kay Ka Felix ay isa lamang daw pag-aangkin, dahil hindi daw ito maaaring maangkin ng isang partikular na tao lamang. Sapagkat hindi naman daw ang Iglesia ni Cristo lang ang relihiyong nagsimula o orihinal na lumitaw sa Pilipinas na nasa Malayong Silangan. Gaya halimbawa ng Iglesia Independiente o yung kilala sa tawag na Aglipayan Church, nandiyan din ang napakaraming mga grupo ng mga tinatawag na Born-Again Christians na laganap saanman sa Pilipinas, at ang pinakahuli nga ay ang mga kaanib sa grupo ng Ang Dating Daan na ang kanilang punong tagapangaral ay nagpapakilala ring sugo.

Subalit kung ating babalikan ang mga halimbawang ating ipinakita sa nakaraan tungkol sa katangian ng mga tunay na sugo ng Diyos gaya nina:  Apostol Pablo, Juan Bautista, at ang pinakadakilang sugo ang Panginoong Jesus, ating mapapansin na ang mga hula patungkol sa kanila ay hindi naman natupad sa iba, kundi sa kanila lamang.  Wala tayong mababasa sa Biblia na ang mga hulang tumukoy sa kanila ay mayroon pang ibang kinatuparang mga tao maliban sa tunay na pinag-ukulan ng mga hulang iyon. Kaya po imposible na matupad pa sa iba ang mga hulang patungkol sa Huling sugo na inihalintulad sa Ibong Mangdaragit na lumitaw sa malayong silangan. Ano pa ang katunayan na kay Kapatid na Felix Y. Manalo lamang naputad ang hulang iyon at hindi sa iba?

Dahil hindi lamang po ang dakong pagmumulan ang sinabi ng Diyos sa hula, kundi maging ang panahon ng kaniyang paglitaw at pagsisimula ng kaniyang gawain ay hinulaan din. At iyan po ang ating patutunayan ngayon…


Ang Panahon ng Paglitaw ng Huling Sugo

Kailan nga ba lilitaw ang sugong ito na magmumula sa malayong bansa na nasa Malayong Silangan? Ating tunghayan ang sagot ng Biblia:

Isaias 41:9  “Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;”

Ang sabi ng Diyos “Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa”, may tinukoy ang Diyos na “mga wakas ng lupa” na pagmumulan ng kaniyang sugong ito, na ating natitiyak na hindi kailanman tutukoy sa isang dako o isang lugar, sapagkat wala namang lugar sa daigdig na tinatawag na mga wakas ng lupa at wala namang dakong wakas ang daigdig dahil ang mundo ay bilog, at di gaya noon na ang paniniwala ng tao ang mundo ay lapad gaya ng isang lamesa, na kapag ikaw daw ay naglakbay at nagpakalayo-layo sa dagat ikaw ay mahuhulog sa pinaka-hangganan o wakas nito. Maliwanag na hindi lugar ang sinasabi sa hula kundi ang panahon o kung kalian lilitaw ang sugong hinuhulaan.

Ano ba ang ibig sabihin ng mga wakas ng lupa?

Mateo 24:33  “Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.”

Mateo 24:3  “At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?”

Ang MGA WAKAS NG LUPA ay ang mga pangitain na ating makikita bago angKATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.  Ito ay ang mga palatandaan ng muling pagparito ni Cristo na tinawag ng Biblia na “mga pintuan” na ito’y mga bagay na kailangang maganap muna bago ang kawakasan. Bawat pintuan ay isang wakas, kung kaya tinawag na “mga wakas” ay sapagkat marami ang mga ito.

Anu-ano ang isa sa halimbawa ng mga wakas ng lupa?

Mateo 24:6-8  “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.  Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.”

Ang sabi ng Panginoong Jesus  “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan;” Isang digmaang aalingawngaw o mapapabalita sa buong daigdig.  Anong uring digmaan ito? Sabi pa niya: “Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian.” Maliwanag kung gayon na ang kaniyang tinutukoy ay isang uri ng Digmaang kakasangkutan ng mga bansa na isang uri ng Digmaan na hindi pa nagaganap sa panahon nung una, ang tinutukoy ng Panginoong Jesus ay ang Unang Digmaang Pandaigidig o kilala sa tawag na FIRST WORLD WAR.

Ang Unang Digmaang Pangdaigdig na naganap noong 1914

Samakatuwid ang ibig sabihin ng Diyos sa mga katagang: “Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa”, ay tatawagin niya ang kaniyang sugong ito sa panahon ng “mga wakas ng lupa” at ang isa sa halimbawa na magaganap sa panahong ito sabi ng Panginoong Jesus ay Digmaang aalingawngaw at labanan ng mga bansa, na ito nga ay ang Unang Digmaang Pandaigdig o First World War.  Sa panahong ito lilitaw ang kaniyang huling sugo sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Kailan ba naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig na siya ring panahon o petsa ng paglitaw ng Huling Sugo ng Diyos?

“The First World War was unlike any war in the past. …This was the first war in three dimensions; the first war in which cities were bombed from the air and winged warriors fought among the clouds. Of course the airplanes of 1914 were not so fast, so formidable, nor so numerous as those of today. They were really more important as scouts (a kind of aerial ‘cavalry’), photographing enemy movements from above.” [World History, by Boak , Slosson, and Anderson, pages 478-479]

Sa Filipino:

“Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay hindi katulad ng anomang digmaan sa nakaraan. …Ito ang unang digmaan sa tatlong larangan; ang unang digmaan na ang mga lungsod ay binomba mula sa itaas at ang mga mandirigmang may pakpak ay nakipaglaban sa mga alapaap.  Mangyari pa na ang mga eroplano noong 1914 ay hindi gaanong mabibilis, hindi gaanong matitibay, at di gaanong marami kumpara sa ngayon.  Sila ay tunay na naging mahahalagang tagapagmanman (isang uri ng ‘kabayuhang’ panghihimpapawid), na kumukuha ng larawan ng mga kilos ng kalaban mula sa itaas.”

Maliwanag ang sagot ng aklat ng kasaysayan na noong taong 1914 sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig. 

Kalian naganap ang eksaktong petsa ng pagsisimula ng Digmaang ito?

“Servia’s answer was handed to the Austro-Hungarian ambassador at Belgrade on the afternoon of the 25th as it was the reply was term unsatisifactory and evasive and diplomatic relations were broken off the same evening. Preparations for war already well forward were vigorously pressed on the 27th and invation of Servia was begun and soon after Belgrade was bombarded.” [History of the World, Vol VIII, by Ridpath, page 3409]

Sa Filipino:

“Ang sagot ng Serbia ay ipinasa sa ambahador ng Astro-Hungario sa Belgrade sa kinahapunan ng ika 25 na ito ay sagot na tinaguriang hindi kasiya-siya at umiiwas at ang relasyong diplomatiko at nasira nung gabi ring iyon.  Ang paghahanda sa digmaan ay maayos nang naisulong at puwersahang itinulak noong ika 27 ang paglusob sa Serbia ay nagsimula pagkatapos na bombahin ang Belgrade.”

Ika 27 ng anong buwan ito? Lilinawin sa atin ng Isa pang aklat Pangkasaysayan:

“On July 27th, 1914, after four weeks of threats, counter-threats, entreaties, offers, negotiations, denials, warnings and ultimatums, Austria declared war on Servia.” [Now God be Thanked, by John Masters, page 112]

Sa Filipino:

“Noong Hulyo 27, 1914 pagkaraan ng apat na lingo ng pagbabanta, kontra-pagbabanta, mga kahilingan, mga panunuhol, mga negosasyon, mga pagkakaila, mga pagbababala at mga ultimatum, nagdeklara ng digmaan ang Austria sa Serbia.”

Ang eksaktong petsa ayon sa aklat kasaysayan ay Hulyo 27, 1914. Ang Iglesia ni Cristo ay naitatag din at naparehistro sa Pamahalaan ng Pilipinas noong Hulyo 27, 1914 rin. Nagkataon lang kaya?  Hindi kailanman, sapagkat ito ay maliwanag na katuparan ng hula ng Diyos sa paglitaw ng kaniyang sugo sa huling araw na walang iba kundi si Kapatid na Felix Y. Manalo, na sinabi niyang kaniyang hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, na siya ring pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas. Isang kahayagan ng kapangyarihan ng Diyos at katibayan na totoo ang mga salita ng Diyos sa Biblia…at totoo ang pagiging sugo ng Ka Felix Manalo at pagiging tunay na relihiyon ng Iglesia ni Cristo.


Ang ipinang-alalay ng Diyos sa kaniyang Sugo

Ang pagsisimula ng gawain ng sugo ay hindi madali, dahil ang Kapatid na Felix Y. Manalo sa pagsisimula ng pangangaral niya ay nakaranas ng maraming mga pag-uusig, panunuya, panghahamak, mula sa mga kumalaban sa kaniya. At hindi ito kataka-taka dahil ito ay ibinabala ni Cristo na mangyayari:

Juan 15:19-21   “Kung kayo'y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan. Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y aking sinabi, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa aking pangalan, sapagka't hindi nila nakikilala ang sa akin ay nagsugo.”

Niliwanag ng Panginoong Jesus ang dahilan kung bakit pag-uusigin ang kaniyang tunay na mga lingkod, sabi nga niya’y:  “Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din”.  Kaya nga ang Ka Felix ay nakaranas ng matitinding pag-uusig, hindi lamang siya kundi maging ang mga kaanib ng Iglesia na napangaralan niya noon, at niliwanag ni Cristo ang dahilan kung bakit: “ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa aking pangalan, sapagka't hindi nila nakikilala ang sa akin ay nagsugo.” Kaya sa kabila ng pag-uusig, panguupat, panghahamak na kaniyang dinanas noon ay hindi siya natakot, ni pinanghinaan ng loob dahil inalalayan siya ng Diyos na nagsugo sa kaniya:

Isaias 41:9-10  “Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;  Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.”

Hindi natakot ni nanglupaypay ang Ka Felix sa gitna ng maraming pag-uusig na gawa ng mga kumakalaban sa kaniya noon. Sapagkat siya’y pinangakuan ng Diyos na siya’y kaniyangtutulungan, palalakasin, at aalalayan. Ano ang ipinang-alalay sa kaniya ng Diyos?  Sabin g Diyos:  “aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.” Alin iyong katuwiran na ipinang-alalay ng Diyos sa kaniyang sugo?

Awit 119:172  “Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.”

Ang katuwiran ay ang mga salita o mga utos ng Diyos na ito ay ang evangelio o Biblia:

Roma 1:16-17 “Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.  Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”

Ang salita ng Diyos sa Biblia ang ipinang-alalay ng Diyos sa kaniyang sugo, kaya bagamat sa katotohanan siya ay isa lamang ordinaryong tao, mahirap lamang, at wala namang mataas na pinag-aralan, ay buong giting at husay na naipangaral niya ang Biblia, na nasaksihan ng mga kapatid man o hindi sa Iglesia. At dahil sa katangian niyang ito ay marami ang sumubok na makipagtunggali sa kaniya sa pamamagitan ng pakikipagdebate sa harapan ng maraming tao, nilabanan siya ng iba’t-ibang relihiyon sa layuning maipahiya sa madla. Subalit lahat sila ay nabigo. Bakit? Narito ang sagot:

Isaias 41:11-12  “Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo ay MANGAPAPAHIYA at MANGALILITO: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak. Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng bagay na wala.”

Hindi kailan man nanaig ang mga kumakalaban sa kaniya, lahat sila na nagnais na pabagsakin ang sugo at ang Iglesia ni Cristo ay hindi nagtagumpay.  Lahat ng kumalaban sa kaniya ay dalawa lamang ang kinauuwian: Napapahiya at Nalilito gaya ng sabi ng talata. Sapagkat hindi nila malaman kung papaano sila sasagot sa mga tanong ng Ka Felix, at hindi sila makapaniwala sa ipinakikita ng Ka Felix na husay sa paggamit ng Biblia at galing sa pangangatuwiran sa kabila ng katotohanang hindi siya nakapag-aral. Lahat ng kumalaban sa Sugo at sa Iglesia mula noong 1914 hanggang ngayon ay nagkawala na at nagsipanaw. Ang iba sa kanila ay ni hindi na kilala sa panahon ngayon. Natupad ang lahat ng hula ng Diyos at ang lahat ng mga pangako niya sa kaniyang sugo.  At kung meron pa sa kasalukuyan na muling magtatangka ay muli’t-muli ay matutupad ang ipinangako ng Diyos sa kaniyang Sugo at sa Iglesia ni Cristo.


Ang maaabot ng gawain ng Sugo

Hindi lamang ang dakong pagmumulan, panahon ng paglitaw, at tagumpay laban sa mga kakaaway, ang hinulaan ng Diyos na matutupad sa kaniyang Huling Sugo, kundi maging ang mararating ng kaniyang gawain. Hanggang saan ba makararating ang gawain ng sugo ng Diyos sa mga Huling Araw?

Isaias 43:5 “Huwag kang matakot, sapagkat ako'y kasama mo! Titipunin ko kayo mula sa DULONG SILANGAN hanggang sa KANLURAN, at ibabalik ko kayo sa inyong DATING TAHANAN.”   [Magandang Balita, Biblia]

Ang gawain ng sugo ay hindi lamang magsisimula sa Malayo o Dulong Silangan, kundi makakaabot hanggang sa kanluran. Sa madaling salita, ang gawain ng Sugo na magsisimula sa Pilipinas ay tatawid-dagat at makakaabot hanggang sa mga bansa na nasa Kanluran – at natupad ang hulang ito ng Diyos ng ang Iglesia ay nakarating sa Hawaii noong 1968, at pagkatapos noon ito ay unti-unting na itong lumaganap sa mga Estado ng America at maging sa bansang Canada at sa mga iba pang bansa na nasa Kanluran. At doon na nagsimula ang paglaganap sa buong daigdig ng Iglesia na nagmula sa Pilipinas.

Sinabi rin ng Diyos na kaniyang ibabalik ang gawain ng sugo sa kaniyang DATING TAHANAN, na ang tinutukoy ay ang JERUSALEM.

Psalms 132:13,.14  "Lord. you have chosen Jerusalem as your home: 'This is my permanent home where I shall live' , you said, 'for I have always wanted it this way.¨ (The Living Bible)

Ang dating tahanan ay ang Jerusalem, doon din naitatag ni Cristo noong Unang Siglo angUnang Iglesia ni Cristo na naitalikod ng mga bulaang propeta. Ngunit hindi pumayag ang Diyos na manatiling walang Tunay na Iglesia kaya siya nagsugo upang muling maitayo angIglesia ni Cristo. At natupad din ang hulang ito dahil muling nakabalik ang Iglesia ni Cristosa Jerusalem noong Marso 31, 1996 na nakapagtatag ng local o Kongregasyon doon sa pamamagitan ng pangangasiwa ni Kapatid na Erano G. Manalo ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia na siyang nagpatuloy ng gawaing ito ng Sugo nang ang Ka Felix ay pumanaw noong 1968.

Magpapatuloy at magtatagumpay ang Iglesia ni Cristo na pinangunahan ng Sugo ng Diyos sa huling araw. Sapagkat ang Iglesiang ito ay pinangaralan ng tunay na sugo ng Diyos at ang kaniyang tinaglay at itinataguyod na aral ay pawang mga katotohanan ng Diyos na mababasa sa Biblia.  Sa kasalukuyan ito lamang ang namumukod tanging relihiyon na galing sa Pilipinas na itinuturing na isa sa pinakamahirap na bansa sa daigdig, ngunit lumaganap sa buong mundo. Ang mga kaanib ng Iglesia ngayon ay lumaganap na sa mahigit ng 80 bansa sa diagdig at ang mga kaanib nito ay binubuo na ng mahigit 100 lahi na ng mga tao.

Nagtagumpay ang Iglesia sapagkat ito’y hindi kagagawan ng sinomang tao, kundi gawa ng mga kamay ng Makapangyarihang Diyos na walang makakapigil. Gaya nga ng sabi ng Diyos:

Isaias 43:13  “Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil?”

Sa susunod atin pang tatalakayin ang Iba pang mga hula sa Biblia na nagpapatunay ng pagiging sugo ng Kapatid na Felix Y. Manalo, at pagiging tunay na Iglesia ng Iglesia ni Cristo.

…Itutuloy.

Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw - Part 1


Ang mga hula na patotoo ng Biblia tungkol sa pagiging sugo
ni Kapatid na Felix Y. Manalo
At ng kahalalan ng Iglesia Ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914
Sa panahon natin ngayon na laganap ang napakaraming relihiyon at napakaraming mangangaral na nagpapakilalang sila ang tunay at may karapatan sa pangangaral, ang ating Panginoong Diyos ay hindi nagkulang ng pagbibigay sa atin ng gabay kung papaano makikilala ang tunay na mangangaral at ang tunay na relihiyon at ito’y sinalita ng Diyos at ipinasulat niya sa Biblia o mga Banal na Kasulatan.

Ating napag-aralan sa nakaraan na kinakailangan na taglay nila ang dalawang katangian na sinabi ng Diyos sa aklat ni Propeta Isaias:

Isaias 8:20  “Sa KAUTUSAN at sa PATOTOO! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.”

Kung wala sa isang nagpapakilalang sugo ng Diyos ang mga katangiang ito, ating mapapatunayan na ang taong iyon ay hindi tunay na sugo at ang kaniyang ipinangangaral ay hindi tunay na mga aral ng Diyos – samakatuwid siya ay nagtataguyod ng huwad na relihiyon o hindi tunay na Iglesia.

Ating balikan ang kahulugan ng mga katibayang ito:

1.  KAUTUSAN - Ang itinuturo niya ay hango sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia, athindi galing sa kaniyang sarili lamang, at hindi niya ginagamitan ng pansariling pagpapaliwanag, at ng kaniyang sariling karunungan. Hindi siya nag-iimbento ng aral dahil lahat ng kaniyang itinuturo ay mababasa sa Biblia.

2.  PATOTOO - Dapat may hula o propesiya na tumutukoy sa kaniyang kahalalan o “authority” ng kaniyang pagkasugo sapagkat siyang nagpapatunay ng kaniyang karapatan sa pangangaral-sa madaling salita, kinakailangang ang isang nagpapakilalang sugo ay hinuhulaan o may hula sa Biblia ng kaniyang pagiging sugo.

Ang Iglesia ni Cristo na lumitaw noong 1914 sa Pilipinas ay may kinikilalang sugo, ang Kapatid na Felix Y. Manalo na kinikilala naming “Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw”. Taglay ba niya ang mga palatandaang binigay ng Diyos sa aklat ni Isaias bilang katibayan na siya ay Tunay na Sugo ng Diyos?  Atin tunghayan sa pagpapatuloy ng ating pagtalakay…


Ang KAUTUSAN na kaniyang taglay

Ang ating Panginoong Jesu-Cristo ay nagbigay pa ng karagdagang katangian tungkol sa palatandaang ito – ang KAUTUSAN, na ang ibig sabihin ang itinuturo ng isang tunay na sugo ay hindi nanggagaling sa kaniyang sarili lamang kundi, lahat ay mababasa at nakasulat sa kautusan o salita ng Diyos na nasa Biblia; Inaangkin ba ng isang tunay na sugo na ang aral na kaniyang itinuturo ay sa kaniya? Ganito ang sabi ni Jesus, ang pinakadakilang sugo ng Diyos:

 Juan 7:16  “Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin.”

Binigyan diin ni Cristo na ang kaniyang aral na itinuturo ay hindi sa kaniya, kundi galing doon sa nagsugo sa kaniya.  Sino ba ang nagsugo sa kaniya?

 Juan 14:24  “Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.”

Sabi ni Jesus, ang mga salitang kaniyang sinasabi ay hindi sa kaniya kundi galing sa Ama na nagsugo sa kaniya.  Samakatuwid ang tunay na sugo ng Diyos ay hindi lamang nagtuturo ng dalisay o purong mga salita ng Diyos na mula sa Biblia, kundi kailanman ay hindi niya aangkinin na ang aral na kaniyang itinuturo ay sa kaniya – ang kaniyang laging binibigyan ng kapurihan ay ang Diyos na sa kaniya ay nagsugo at hindi ang kaniyang sarili.

Taglay ba ng Kapatid na Felix Manalo ang katangiang ito?  Nung panahong siya’y nabubuhay pa, ang mga nakasaksi sa kaniyang pangangaral, kapatid man o hindi ay nagpapatunay na lahat ng kaniyang sinasabi ay sa Biblia niya kinukuha.  Bawat tanong ng mga tao sa kaniya, ang kaniyang ipinansasagot ay Biblia.  At maski hanggang ngayon, taglay ng mga ministro sa Iglesia ang ganitong katangian.  Walang aral ang Iglesia na hindi matatagpuan sa Biblia. At kailan man ay hindi nakasalig o nakabatay ang paniniwala ng sinomang kapatid sa Iglesia ni Cristo kay Kapatid na Felix, kundi sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia:  Ganito ang madalas sabihin ni Ka Felix noon:

“Huwag kayong maniwala kay Manalo kailanman, ang mga salitang aking itinuturo sa inyo ay hindi sa akin, kundi binabasa ko lamang ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia”…Pagkatapos ay itataas niya ang Biblia at sasabihing… “Dito lamang kayo maniniwala mga kapatid, ito lamang ang inyong sampalatayanan.”

Kaya naman hindi nasalig sa kanino mang tao ang paniniwala ng sinomang Iglesia ni Cristo, kundi sa Biblia lamang – na tanging batayan ng tunay na pananampalataya.

Maliwanag na taglay ni Ka Felix Manalo ang unang palatandaan ang KAUTUSAN, sapagkat wala siyang aral na galing sa kaniyang sarili lamang, ang lahat ng aral na itinuro niya at itinataguyod ng Iglesia ni Cristo ay pawang nakasulat at lahat ay mababasa sa Biblia…at iyan ay inyong masasaksihan kung kayo ay magsusuri sa mga katotohanang aming sinasampalatayanan.


Ang mga Hula na nagpapatunay sa kaniyang pagiging Sugo

Ang dakong pagmumulan ng Huling Sugo

Ang mga halimbawa ng mga tunay na sugo na ating tinalakay sa nakaraan: Si Juan Bautista, siApostol Pablo, at ang Panginoong Jesus ay may mga hula o propesiya sa Biblia maraming taon pa bago ang paglitaw nila sa daigdig. Ito ang ikalawang palatandaan ng pagiging tunay - angPATOTOO sa kanila ng Diyos na sila ay mga Tunay na sugo.

Si Kapatid na Felix Manalo na aming pinaniniwalaang sugo, may hula ba sa kaniyang kahalalan at karapatan bilang tunay na sugo ng Diyos bago pa ang paglitaw niya sa daigdig?  Totoo bang siya ang huling sugo ng Diyos? Mayroon ba sa bibliang ipinakikilalang huling sugo? Ating tunghayan ito:

Isaias 41:4-5  “Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga,Nakita ng mga pulo, at nangatakot; ang mga wakas ng lupa ay nagsipanginig: sila'y nagsilapit, at nagsiparito.”

May binabanggit dito ang Diyos na huli dahil ang sabi niya’y “kasama ng huli”, na ang ibig sabihin ay sasamahan ng Diyos ang huling sugo niyang ito.  May sinabi din siyang “Nakita ng mga pulo”, na ang ibig sabihin na ang dakong pagmumulan ng sugong ito ay binubuo ng mga pulo  at doon lilitaw at makikita ang huling sugong ito ng Diyos.

Saan matatagpuan ang mga pulong ito na siyang makakakita sa paglitaw ng huling sugo? Sa aklat pa rin ni Isaias:

Isaias 24:15  “Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat.”

Ang mga pulo na makakasaksi sa paglitaw ng huling sugo ng Diyos ay nasa silanganan, anong silanganan ang tinutukoy? Saang panig ng daigdig ito matatagpuan? Ating sasagutin iyan maya-maya lang…

Narito pa ang isang hula tungkol sa huling sugong ito?

Isaias 46:11  “Na tumatawag ng ibong mangdaragit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”

May binabanggit ang Diyos sa hulang ito na “ibong mandaragit” na magmumula sa silanganan, kaniyang nilinaw na hindi ito literal na ibon dahil sinabi niya na ito ay “tao na gumagawa ng payo mula sa malayong lupain”. Samakatuwid ito ay isang tao na ang Gawain ay inihalintulad lamang sa isang ibong mangdaragit. Binanggit ang kaniyang pagmumulan “silanganan” at “malayong lupain”.

Ano ang ibig sabihin nung payo na kaniyang ipagagawa sa sugong ito?

Awit 107:11  “Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, at hinamak ang payo ng Kataastaasan:”

Ang payo, sabi ng Biblia ay ang mga salita ng Diyos. Samakatuwid ang tungkulin ng taong ito na magmumula sa malayong lupain na nasa silanganan ay PANGANGARAL NG SALITA NG DIOS – Isang sugong mangangaral na inihalintulad sa Ibong Mandaragit.

Ano iyong malayong lupain na nasa silanganan na pagmumulan ng sugong ito? Ating basahin sa English Bible ang nasabing hula:

Isaiah 46:11  “Calling a ravenous bird from the east, the man that executeth my counsel from a far country: yea, I have spoken it, I will also bring it to pass; I have purposed it, I will also do it.” [King James Version]

Ang sabi ng Biblia “far country” o malayong bansa na nasa “east” o silanganan.  Samakatuwid ang sugong ito na hinuhulaan ay manggagaling sa isang malayong bansa – malayo sa bansang Israel, kaya malinaw na hindi sa Israel manggagling – isang malayong bansa sa silanganan na binubuo ng mga pulo. Maliwanag na ang tinutukoy ay ang PILIPINAS.

Ang tawag sa PILIPINAS:  “Perlas ng Silanganan” sapagkat ang Pilipinas ay nasa silanganan o “FAR EAST”.

Ang pinanggalingan ng PANGALAN ng PILIPINAS:   “Las Islas de Felipe”  sa tagalog ay “Mga Pulo ni Felipe” (Mula kay King Philip II ang Hari ng Spain nung panahon na tayo ay sakupin noong 16th Century). At totoo namang binubo ang Pilipinas ng napakaraming pulo na mahigit7,000 na mga isla o pulo na siyang pinakamarami sa buong Asia kaya nga ang tawag sa bansa natin ay PHILIPPINE ISLANDS na sa tagalog ay KAPULUAN NG PILIPINAS.

Kumuha pa tayo ng dagdag na patotoo o katibayan: 

Ating basahin sa Hebrew (ang original na wikang ginamit sa pagkakasulat ng aklat ni Isaias) ang nasabing talata:
Hango sa isang Bibliang Hebrew, ang WESTMINSTER LENINGRAD CODEX

 Mapapansin sa original na wika sa Isaias 46:11 na atin nang ipinakita sa itaas ating mapapansin sa bandang itaas sa gawing kanan ang salitang “mimizrach” (iyong “may bilog” – pansinin din ang pronounciation na nasa gawing kaliwa sa ibaba ng Hebrew word) na mayroot word na “mizrach” na tumutukoy sa salitang “silanganan” na siyang panggagalingan ng “Ibong Mandaragit”.

Ano ba ang ibig sabihin ng Hebrew word na mizrach?

“.., mizrach, is used of the far east with a less definite signification. [Smith’s Bible Dictionary]

Ayon sa isang kilalang Bible Dictionary ang salitang mizrach ay ginamit upang tumukoy sa “far east” o malayong silangan.

Kaya tiyak na tiyak na talagang ang Pilipinas ang tinutukoy na panggagalingan ng sugong hinuhulaan…at ito’y may patotoo pa mula sa isang Pari ng Iglesia Katolika. Na nagpapatunay na ang Pilipinas ay nasa FAR EAST o Malayong Silangan:

"It cannot be without significance that the country which stands almost at the geographical center of the Far East, the Philippines, should also be that in which Christianity has taken the deepest root." (Asia and the Philippines,  written by a Jesuit Priest Horacio dela Costa, page.169)

Sa Filipino:

“Hindi maaaring mawalan ng kabuluhan na ang bansa na matatagpuan sa halos panggitnang pang-heograpiya ng Malayong Silangan, ang Pilipinas, na siyang kinatatagang mabuti ng Cristianismo.”


Kaya atin ngayong natitiyak na talagang may sugo ang Diyos na lilitaw sa Pilipinas – at ito’y ang Kapatid na Felix Manalo.


Bakit Pilipinas ang pinili ng Diyos na pagsuguan?  Bakit lahing Filipino?

Maraming tumututol na Pilipinas ang kinatuparan ng dakong panggagalingan ng sugong hinuhulaan, may mga nagsasabi na:

“Bakit naman Pilipinas ang pipiliin ng Diyos, andami namang bansa diyan na mas maganda sa Pilipinas, nandiyan ang America, Canada, United Kingdom, at iba pa. Hindi naman siguro pipiliin ng Diyos na pagsuguan ang isang bansa at lahing mahirap lang o yung mga nasa Third World.”

Ang mga taong nagsasabi ng ganito ay nagkukulang ng kaalaman sa katotohanan ng paraan ng pagpili ng Diyos ng kaniyang mga hinirang.  Hindi nila batid na hindi ang ganda, ang lakas, at ang pagiging mataas na uri ng isang bansa o lahi ang batayan ng Diyos sa tao na kaniyang isusugo.  Narito ang katibayan:

1 Corinto 1:26-28  “Sapagka't masdan ninyo ang sa inyo'y pagkatawag, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag: Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas; At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga:”

Napakaliwanag ng sinabi ng Biblia. Walang magagawa ang sinoman na tumanggi sa dahilang ito ng Diyos sa criteria ng kaniyang pagpili sa taong hihirangin niya.  Totoo na ang Pilipinas ay isang mahirap na bansa. Ang lahing Filipino ay isa sa itinuturing na mahinang lahi sa mundo. Ang Kapatid na Felix Y. Manalo ay isang ordinaryo at isang mahirap na tao lamang, at walang mataas na pinag-aralan.  Subalit pinili ng Diyos upang gawing sugo, dahil ang pamantayan ng Diyos sa pagpili:  “pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas”


Bakit inihalintulad sa Ibong Mangdaragit ang Huling Sugo?

May mga nagsasabi na ang hinuhulaan sa Isaias 46:11 na inihalintulad sa Ibong Mangdaragitay isang masamang tao dahil ang ibong mangdaragit daw ay  isang masamang ibon, na dinadagit at sinisila ang kaniyang mga biktima at pinapatay, tulad ng ginagawa ng isang Lawin sa isang sisiw na manok na matapos dagitin ang kaawa-awang sisiw ito’y pinapatay.

Komo ba’t inihalintulad sa isang masamang halimbawa ang ibig sabihin ay masama na rin ang pinatutungkulan noon?  Ang Panginoong Jesus ay inihalintulad sa magnanakaw gaya ng mababasa sa aklat ni Apostol Pedro:

2 Pedro 3:10  “Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.”

Hindi ba’t ang magnanakaw ay masama? Di lalabas niyan dahil sa masama inihalintulad ang Panginoong Jesus, kung ating susundan ang pagkaunawa ng iba, lalabas masama si Cristo gaya ng magnanakaw. 

Hindi naman ang pagiging magnanakaw na nagnanakaw ng hindi kaniya ang kahambing ni Cristo, kundi ang pagdating ng isang magnanakaw na walang nakakaalam, dahil talaga namang walang nakakaalam ng eksaktong oras at araw ng pagbabalik ni Cristo kundi ang Ama lamang:

Mateo 24:36  “Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.”

Kaya inihalintulad man sa Ibong Mangdaragit ang sugo sa Huling araw ay hindi ang pagpatay nito ang nakakatulad kundi ang kaniyang pagdagit? Nilinaw naman sa ipinaliwanag natin kanina na ang magiging tungkulin o trabaho ng taong ito ay “gumagawa ng payo” na ang ibig sabihin ay Tagapangaral ng Salita ng Diyos.  Ano ba ang ibig sabihin nung pagdagit?

Judas 1:23  “At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.”

Ang pagdagit ay ang pag-agaw sa apoy, na ang apoy na tinutukoy ay ang apoy ng impierno(Mateo 18:9).  Samakatuwid dadagitin o aagawin ng sugong ito ang mga tao upang sila’y maligtas at hindi upang mapahamak.

Saan magmumula ang mga taong dadagitin o aagawin ng sugong ito na inihalintulad sa Ibong Mangdaragit? Narito pa ang isang hula na tumutukoy sa sugo:

Isaias 43:5  “Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kanluran; Aking sasabihin sa HILAGAAN, Bayaan mo, at sa TIMUGAN, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;”

Ang mga taong dadagitin ay ang mga anak ng Diyos na babae at lalake na magmumula sa malayo at mula sa wakas ng lupa. At tatangkain ng Hilagaan at Timugan na pigilin ang gawain ng sugo, ngunit wala silang magagawa dahil sabi nga ng Diyos: “Aking sasabihin sa HILAGAAN, Bayaan mo, at sa TIMUGAN, Huwag mong pigilin”.

Sa ano tumutukoy ang HILAGAAN at TIMUGAN na binabanggit na magtatangkang pumigil sa mga anak na lalake at babae ng Diyos sa hula? Ating tunghayan ang Sagot:

"... In the north the Protestants were in control--Lutheran churches in Sweden, Norway, Denmark, Iceland, the northern and central states of Germany; Calvinist or Reformed churches in Scotland, the Netherlands, Hesse, the Palatinate, and a few of the western German states. In the south the Catholics were in control - Spain, Italy, Austria, Bavaria, and elsewhere in southern Germany." (The Reformation by Owen Chadwick p. 366)

Sa Filipino:

“…Sa Hilagaan ang mga Protestante ang namamayani – Iglesia Luterana sa Sweden, Norway, Denmark, Iceland, sa hilagaan at gitnang estado ng Alemaniya; Kalbinismo o ang Reformadong Iglesia sa Scotland, ang Netherlands, Hesse, ang Palatine, at mangilan-ngilan sa mga estadong kanluranin ng Alemaniya.  Sa Timugan ang mga Katoliko ang namamayani – Espanya, Italiya, Austria, Bavaria at saanman sa timugang Alemaniya.”

Maliwanag ang pahayag ng aklat na ito: Ang HILAGAAN ay tumutukoy sa PROTESTANTISMO, at ang TIMUGAN ay sa KATOLISISMO naman.

Ang dalawang malalaking relihiyong ito ang sinabihan ng Diyos ng mga katagang “Bayaan mo” at “Huwag mong pigilin”…samakatuwid ay walang magagawa ang mga relihiyong ito kapag inagaw na ng sugo ang mga anak na babae at lalake ng Diyos mula sa kanila.

Kaya nga nung panahon na nagsisimula ang Iglesia sa Pilipinas ang dalawang malalaking relihiyong ito ang nakabangga ni Kapatid na Felix Manalo, ngunit hindi nila napigil ang paglaganap at pagdami ng kaanib sa Iglesia ni Cristo na ang mga kaanib ay galing saHILAGAAN-Protestante at TIMUGAN- Katoliko. Nagtagumpay ang Ibong Mangdaragit sa pagdagit o pag-agaw sa kanila at sila’y naging kaanib ng tunay na Iglesia – Ang Iglesia ni Cristo.

Subalit may mga nagsasabi na sila man ay may sugo na lumitaw sa Pilipinas, at ang kanilang relihiyon ay sa  bansang Pilipinas na nasa Malayong Silangan din nagsimula? Maaari bang maangkin ng sinuman ang Hula na natupad kay Kapatid na Felix Y. Manalo? Ang mga hula bang ating nabanggit ay maaaring matupad o kumapit sa ibang tao?

Hindi, sapagkat hindi lamang ang lugar o dako na pagmumulan ang hinulaan kundi hinulaan din ang Panahon o ang Petsa ng Paglitaw ng Sugong ito na magmumula sa Malayong Silangan o Pilipinas…at iyan ang ating tatalakayin sa susunod….    Itutuloy…