Kung bakit wala kaming pasko?



Ang Iglesia Katolika at mga protestante ay may ipinagdiriwang na Pasko tuwing Disyembre 25 ng bawat taon, na ipinalalagay nila na ito ay ang kapanganakan ng Panginoong Jesucristo. Kaugnay nito, marami silang isinasagawang mga aktibidad at marami rin ang nakikibahagi sa mga iyon.  Kaya may mga pumupuna sa hindi pakikipagkaisa ng Iglesia ni Cristo sa pagdiriwang nila.  Sinasabi ng iba na mabuti pa raw ang kaarawan ng kapanganakan ng mga kaanib sa Iglesia ay aming ipinagdiriwang.  Inaakala tuloy ng ilan na napakaliit ng pagtingin ng Iglesia ni Cristo sa Panginoong Jesucristo.  Kung alam lamang nila na hindi tunay na kaarawan ni Cristo ang ipinagdiriwang nila tuwing Disyembre 25, kundi iyon ay isang pistang pagano na “isina Cristiano,” marahil ay hindi sila papayag na magkaroon sila ng bahagi sa pagdiriwang na iyon.

          Ganito ang mababasa sa isang aklat Katoliko tungkol sa Pasko na ipinagdiriwang ng mga Katoliko at mga Protestante:



“It has sometimes been said that the Nativity [Christmas] is only a Christianized pagan festival.” [Handbook of Christian Feasts and Customs, page 61]

Sa Filipino:

“Nasabi na sa ilang pagkakataon na ang Natividad [Pasko] ay isa lamang isina-Cristianong kapistahang pagano.”

          Pinatutunayan ng aklat na ito na ang Natividad o Pasko na ipinagdiriwang ng mga Katoliko at mga Protestante ay isa lamang “isina-Cristianong” kapistahang pagano.

Ano ba ang ibig sabihin ng salitang PAGAN o “pagano”?

PA'GAN, n. a Gentile; an idolater; one who worships false gods. This word was originally applied to the inhabitants of the country, who on the first propagation of the Christian religion adhered to the worship of false gods, or refused to receive Christianity, after it had been received by the inhabitants of the cities.” [Webster’s 1828 Dictionary]

Sa Filipino:

PAGANO, n. isang Gentil; isang mapagsamba sa diosdiosan; sumasamba sa mga hindi tunay na diyos. Ang salitang ito ay unang ginamit sa mga unang mamayan ng isang nayon, na sa pasimula ng pagpapalaganap ng relihiyong Cristiano ay mga nahirati sa pagsamba sa mga hindi tunay na diyos, o yaong tumatanggi na tanggapin ang Cristianismo, pagkaraan na ito ay tinanggap na ng mga naninirahan sa mga lungsod.”

                Maliwanag na sinasabi ng Dictionary na ang isang Pagano ay isang tao na hindi sumasamba sa tunay na Diyos dahil sa ang mga ito ay ang mga nahirati sa pagsamba sa mga diosdiosan, sa panahon natin sila iyong mga Hindu, Budhist, o alin mang relihiyon na lumuluhod at naglilingkod sa mga rebulto o larawan, na tumatanggi sa aral ng Cristianismo.  Sa pagsasabi na ang Pasko ay isina-Cristiano lamang na Pistang Pagano, ibig sabihin noon ay kinopya lamang ito sa pagdiriwang ng mga taong hindi Cristiano na sumasamba sa mga diosdiosan.

Ang Pagkapili ng Disyembre 25

          Ang pagkapili ng Disyembre 25, na diumano’y petsa ng kapanganakan ni Cristo, ay buhat lamang sa impluwensiya ng mga Romanong Pagano:

“…The choice of December 25 was influenced by the fact that the Romans, from the time of Emperor Aurelian (275), had celebrated the feat of the sun god (Sol Invictus: The Unconquered Sun) on that day.  December 25 was called the ‘Birthday of the Sun.’ and great pagan religious celebrations of the Mithras cult were held all through the empire.” [Handbook of Christian Feasts and Customs, page 61]

Sa Filipino:

“…Ang pagkakapili sa ika-25 ng Disyembre ay naimpluwensiyahan ng pangyayaring ang mga Romano, mula sa panahon ni Emperador Aureliano (275), ay ipinagdiwang ang kapistahan ng diyos na araw (Sol Invictus: ang Hindi Mapananaigang Araw) sa araw na iyon.  Ang ika-25 ng Disyembre ay tinatawag na ‘Araw ng Kapanganakan ng Araw’, at idinaos sa buong imperyo ang mga dakilang paganong pagdiriwang na panrelihiyon ng kultong Metraiko.”

          Maliwanag na ang Disyembre 25 ay hindi siyang tiyak na petsa ng kapanganakan ni Cristo [Wala naman talaga tayong mababasa sa Biblia kung kailan siya ipinanganak].  Ito ay ang Petsa ng isang kapistahan ng mga pagano, na ang ipinagdiriwang ay ang kanilangDiyos na Araw na si Sol Invictus o ang Hindi Mapananaigang Araw.”  Sa petsang ito ay idinaraos ang malaking panrelihiyong pagdiriwang na pagano. At maliwanag nilang inamin na ito ang kanilang pinagbatayan ng pagkapili nila ng Disyembre 25, na siyang kapanganakan daw ni Jesucristo.


Galing din sa Pagano

        Hindi lamang ang petsa ang kinuha o kinopya sa mga pagano kundi pati ang mga gawain kung araw ng Pasko gaya ng mga pagsisindi ng mga kandila at paglalagay ng mga Christmas Tree.

“The candles, in some parts of England, lighted on Christmas eve, and used so long as the festive season lasts, were equally lighted by the pagans on the eve of the festival of the Babylonian god, to do honour to him; for it was one of the distinguishing peculiarities of his worship to have lighted wax candles on his altars.  The Christmas Tree, now so common among us, was equally common in Pagan rome and Pagan Egypt.” [The Two Babylons Or the Papal Worship, p. 97]

Sa Filipino:

“Ang mga kandila, sa ilang bahagi ng Inglatera, na sinisindihan tuwing bisperas ng Pasko, at ginagamit sa buong panahon ng pagdiriwang, ay kaparehong sinisindihan ng mga pagano sa bisperas ng kapistahan ng diyos ng Babilonia, upang parangalan siya: sapagkat ang isa sa mga mapagkakakilanlang kaibahan ng pagsamba sa kaniya ay ang magkaroon ng mga sinindihang kandila sa kaniyang mga dambana.  Ang Christmas Tree, na ngayon ay lubhang pangkaraniwan na sa atin, ay kaparehong pangkaraniwan din sa Paganong Romano at Paganong Ehipto.”

          Nagsisindi ng kandila ang mga pagano sa bisperas ng kapistahan ng diyos ng Babilonia upang parangalan siya.  Ang Cristmas Tree naman ay pangkaraniwan sa paganong Roma at paganong Ehipto. 

          Maging ang mga nagsipagsuri tungkol sa Christmas Tree ay nagsasabi na ito’y isang labi ng pagsamba ng mga pagano sa punong-kahoy:

“Some authorities consider the Christmas tree a survival of pagan tree worship and trace it to ancient Rome and Egypt…”[Collier’s Encyclopedia, vol 6, p.404]

Sa Filipino:

“Ang ilan sa mga awtoridad ay itinuturing ang Christmas tree na isang namamalaging umiiral na labi ng pagsamba sa puno ng mga pagano at matatalunton ito sa matandang Roma at Ehipto.”

          Kaya hindi nakikiisa ang mga Iglesia ni Cristo sa pagdiriwang ng Pasko dahil ito ay nagmula lamang sa mga pagano, hindi lamang ang petsa, kundi maging ang iba’t-ibang gawain na isinasagawa ng mga Katoliko at Protestante sa nasabing okasyon.


Magliligaw sa Katotohanan

          Isang katotohanan na ang Paskong ipinagdiriwang ng mga Katoliko at mga Protestante ay inimbento o katha lamang.  Hindi ito utos ng Diyos kundi utos lang ng tao.  Ang kautusan ng tao, kapag pinagsaligan sa paglilingkod sa Diyos, ay nagliligaw sa katotohanan:

Tito 1:14  “At upang maalis ang hilig nila sa mga alamat ng mga Judio atmga kautusan ng mga tao, na nagliligaw lamang sa kanila sa katotohanan.” (Salita ng Buhay)

          Hindi namamalayan ng mga nakikiisa sa pagdiriwang ng Pasko na sila ay naililigaw na sa katotohanang ikaliligtas, sapagkat sa kanilang ginagawa ay sumusunod sila sa mga kautusan ng tao at mga gawaing pagano.  Ang dapat maging saligan sa paglilingkod ng tao sa Diyos at sa ating Panginoong Jesucristo ay hindi ang mga utos ng tao kundi ang mga kalooban ng Diyos na nakasulat sa mga Banal na Kasulatan.

2 Timoteo 3:15-17  “Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.  Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay,  upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.”  [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

          Anumang aral na hindi ayon sa Biblia at labag pa sa itinuturo ng Biblia ay hindi ikaliligtas  kundi tiyak na ikapapahamak sa Araw ng Paghuhukom:

2 Tesalonica 2:11-12 “Sapagkat hindi nila tinanggap ang katotohanan, ipinaubaya sila ng Diyos na sila’y malinlang ng espiritu ng kamalian at papaniwalain sa kasinungalingan upang maparusahan ang lahat ng pumili sa kasamaan sa halip na tumanggap sa katotohanan” (Magandang Balita, Biblia)

Ito ang isa sa dahilan kaya hindi ipinagdiriwang ng Iglesia ni Cristo ang “Pasko” ng mga Katoliko at mga Protestante.  Ano ang mapapala sa isang araw ng masayang pagdiriwang, kung ito naman ay patungo sa pagkahamak ng ating mga kaluluwa magpakailan man?

 Sanggunian

Collier’s Encyclopedia.  New York: Macmillan Educational Company. 1964.

Handbook of Christian Feasts and Customs. Francis X. Weiser. New York: Hartcourt, Brace & World, Inc., n. d.

The Two Babylons Or the Papal Worship. Rev. Alexander Hislop. Neptune, New Jersey: Loizcaux Brothers, Inc., 1943.

Converts Ex Catholic Pries turn to minister of INC

My Quest for the Truth, the way and the Life
by Beda Aboloc





(right click photos then select open link in new tab)


source: Pasugo Issue July 1964

Bro. Beda Aboloc became a minister and he also became as editor in chief of the Pasugo Magazine in November 1973-1974. But before that, he was an ordained Catholic Priest who latter quit Priesthood and was enlightened about the teachings of the Church of Christ.

Happy Birthday Ka Eduardo V. Manalo



May the God our Father bless you more and your family in this very special occasion, may He grant you good health and long life for this will not only benefit yourself but for the benefit of our Church in the whole world.

Once again Birthday Brother Eduardo V. Manalo

May God grant you and the Iglesia ni Cristo an unparalleled success, a glorous Victory until the day we meet its True owner and Saviour - our Lord Jesus Christ…

Lahat nga ba ng Tao ay Natubos ng Dugo ni Cristo?



ISANG malaganap na paniniwala ng di mabilang na mga tao sa daigdig na ang kamatayan ni Cristo raw ay para sa lahat ng tao at hindi maaaring angkinin ng sinomang grupo o pangkatin ng pananampalataya lamang. Madalas na madinig natin sa kanila ang mga salitang ito:

“JESUS DIED FOR THE SINS OF THE WORLD"

Kaya nga kapag daw may isang pangkatin ng relihiyon na magtuturo na sila lang ang maliligtas o sila lang ang tinubos ni Cristo ito raw ay bulaang mangangaral. Dahil sa katotohanan nga raw ay namatay si Cristo sa Krus upang tubusin ang lahat ng kasalanan ng tao sa daigdig.

At may ginagamit pa silang talata:

1 Timoteo 2:6  “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;”

Ginagamit nila ang verse na ito bilang kanilang batayan na ang lahat ng tao sa daigdig ay nasasakop ng ginawang pagtubos at ng pagkamatay ni Cristo. Tama kaya ang pagkaunawa nila sa talatang ito? Ang salita kayang LAHAT na binabanggit diyan ay kumakatawan sa LAHAT NG TAO sa mundo?

Hindi ba lalabas niyan na kung lahat ng tao sa mundo ay NATUBOS ng dugo ni Cristo, samakatuwid ay wala nang mapapahamak, wala nang mapaparusahan pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM, kasi nga maliligtas na ang lahat eh, hindi po ba? Ganun ba sabi ng Biblia?

Juan 5:28-29  “Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ANG MGA NAGSIGAWA NG MASAMA, AY SA PAGKABUHAY NA MAGULI SA PAGHATOL.”

Dito pa lamang sa sinabing ito ng TAGAPAGLIGTAS ay napakaliwanag na HINDI LAHAT ng TAO ay MALILIGTAS, kasi nga sa Araw ng Paghuhukom ay may mga tao na bubuhaying maguli para sa PAGHATOL.

Eh gaano ba kadaming tao ang mapaparusahan sa Araw ng Paghuhukom?

Apocalypsis 20:7-10  “At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan,  At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ANG BILANG NILA AY GAYA NG BUHANGIN SA DAGAT. At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y nasupok. At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at SILA'Y PAHIHIRAPAN ARAW AT GABI MAGPAKAILAN KAILAN MAN.”

Maliwanag ang pahayag ng Biblia, kung gaano kadaming tao ang mapaparusahan sa Araw ng Pahuhukom, sabi ng talata, singdami ng Buhangin sa Dagat. Kaya maliwanag na maliwanag na ang HINDI TOTOO NA LAHAT NG TAO AY MALILIGTAS at LAHAT NG TAO AY NATUBOS NG DUGO NI CRISTO.

Gaano ba kahalaga ang matubos tayo ng Dugo ni Cristo:

Efeso 1:7  “Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating KATUBUSAN SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG DUGO, na KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,”

Kapag tayo ay natubos ng dugo ni Jesus, maliwanag na tayo ay mapapatawad na sa ating mga kasalanan, dahil kung hindi tayo mapapatawad sa ating mga pagkakasala, maliwanag ang pahayag ng Biblia na tayo ay mamamatay o mapaparusahan sa ikawalang kamatayan sa dagat-dagatang apoy.

Roma 6:23  “Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

Apoc 20:14  “At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. ITO ANG IKALAWANG KAMATAYAN, SA MAKATUWID AY ANG DAGATDAGATANG APOY.”

Kaya dito pa lamang ay atin nang natitiyak na hindi totoo ang paniniwala ng maraming tao sa daigdig na ang LAHAT NG TAO AY NATUBOS NG DUGO o NASASAKOP ng KAMATAYAN ni Cristo.  Dahil sinasabi ng Biblia na napakaraming tao – sindami ng buhangin sa dagat ang mapaparusahan pagdating ng Araw ng Paghuhukom.

Eh bakit sabi doon sa talatang binasa natin kanina eh lahat ay natubos ng dugo ni Cristo, hindi ba lalabas niyan na sa Biblia ay may KONTRADIKSIYON?

Kaya balikan natin ang talata:

1 Timoteo 2:6  “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;”

Nais kong ipapansin sa iyo Mr. Anonymous na ang mga gumagamit ng talatang ito ay mayroong iniiwasang basahin at partikular na binabasa lamang ang VERSE na ito.  Kaya ating ipakita ang mga VERSE na hindi nila binabasa na sinusundan ng talatang iyan, upang ating mapatunayan na nagkakamali lamang sila ng pagkaunawa na ang tinutukoy diyan na natubos ay ang lahat ng tao sa mundo:

1 Timoteo 2:3  “Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas;”

1 Timoteo 2:4  “NA SIYANG MAY IBIG NA ANG LAHAT NG MGA TAO'Y MANGALIGTAS, AT MANGAKAALAM NG KATOTOHANAN.”

1  Timoteo 2:5  “Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,”

1 Timoteo 2:6  “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;”

Kapag binasa ng kumpleto ang nasabing talata mula versikulo 3 hanggang 6, ay mayroon kang mapapansin. Maliwanag na pinatutunayan ng Biblia na ang salitang LAHAT ay hindi tumutukoy sa LAHAT NG TAO SA MUNDO, kundo doon lamang sa MGA TAO NA MAKAKAALAM NG KATOTOHANAN.

Samakatuwid may REQUIREMENT para ang tao ay MALIGTAS, kailangang malaman niya ang KATOTOHANAN, dahil kung nasa KASINUNGALINGAN siya , eh papaano siya maliligtas.

Kasi nga kung hindi tatanggapin ng tao KATOTOHANAN ay hindi siya maliligtas, ganito sinasabi pa ng Biblia:

2 Tesalonica 2:9-12 “Lilitaw ang Suwail na taglay ang kapangyarihan ni Satanas.  Gagawa siya ng lahat ng uri ng himala at nakalilinlang na tanda at kababalaghan.  At gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak – MGA TAONG MALILIGTAS SANA KUNG KANILANG TINANGGAP AT INIBIG ANG KATOTOHANAN,  SAPAGKAT HINDI NILA TINANGGAP ANG KATOTOHANAN, IPINAUBAYA NG DIYOS NA SILA’Y MALINLANG NG ESPIRITU NG KAMALIAN AT PAPANIWALAIN SA KASINUNGALINGAN, UPANG MAPARUSAHAN ANG LAHAT NG PIMILI SA KASAMAAN SA HALIP NA TUMANGGAP SA KATOTOHANAN.” [Magandang Balita, Biblia]

Maliwanag na ang mga hindi umibig sa katotohanan ay parurusahan sa dagat-dagatang apoy, samakatuwid ay hindi sila maliligtas sa Araw ng Paghuhukom.

Kaya isa sa napakahalagang gampanin ng sinoman na nais maligtas ang pagtiyak kung talaga bang nalalaman niya ang KATOTOHANAN? Dahil kung hindi natin malalaman ang KATOTOHANAN ay mawawalan tayo ng napakahalagang pagkakataon sa kaligtasan.

Ano ba ang isa sa KATOTOHANANG dapat tanggapin ng tao?

Juan 10:7  “Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, KATOTOHANAN, KATOTOHANANG SINASABI KO SA INYO, AKO ANG PINTUAN NG MGA TUPA.”

Dapat tanggapin ng tao ang KATOTOHANANG ITO, na si Cristo ay PINTUAN NG MGA TUPA. Ang tinutukoy bang TUPA rito ay literal na hayop?  Lilinawagin sa atin iyang muli ng Biblia:

Ezekiel 34:31  “At KAYONG MGA TUPA KO, NA MGA TUPA SA AKING PASTULAN AY MGA TAO, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.”

Samakatuwid ang TUPA na tinutukoy ay MGA TAO, samakatuwid si Cristo ay PINTUAN NG MGA TAO.  Ano gagawin nung mga TUPA o mga TAO sa PINTUANG si Cristo?

Juan 10:7,9  “Kaya’t muling sinabi ni Jesus, ‘Tandaan ninyo: AKO ANG PINTUANG DINARAANAN NG MGA TUPA. … Ako ang pintuan. ANG SINUMANG PUMAPASOK SA PAMAMAGITAN KO’Y MALILIGTAS’.” [MB]

Maliwanag ang sagot ng Biblia, kinakailangan na ang mga TUPA o mga TAO ay DUMAAN at PUMASOK sa PINTUANG si Cristo, at hindi sasampalataya lang, kundi kailangan siyang may gawin. At ito ay ang GAWANG PAGDAAN at PAGPASOK kay Cristo.

Ano ba katumbas nung pagpasok kay Cristo? Paano ba natin magagawa ito sa kabila ng katotohanana na si Cristo ay nasa langit na?

John 10:9 “I am the door; ANYONE WHO COMES INTO THE ‘FOLD’ THROUGH ME SHALL BE SAFE.” [ New English Bible]

Sa Filipino:

Juan 10:9 “Ako ang pintuan; ang SINUMANG PUMASOK SA KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”

Ang dadaan at papasok kay Cristong pintuan ay mapapaloob sa KAWAN, samakatuwid ang papasukan ng tao ay ang KAWAN NI CRISTO, at kapag nakapasok na tayo sa KAWANG ito, katumbas noon nakapasok na tayo kay Criston bilang PINTUAN.

Alin iyong KAWAN na tinutukoy na kailangan nating PASUKAN?

 Acts 20:28 “Take heed therefore to yourselves and to ALL THE FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed THE CHURCH OF CHRIST WHICH HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD.” [Lamsa Translation]

Sa Filipino:

Gawa 20:28 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarili at ang BUONG KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ANG IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”

Ang KAWAN ay ang IGLESIA NI CRISTO na BINILI o TINUBOS niya ng kaniyang dugo, HINDI LAHAT NG TAO SA MUNDO…kaya nga ang banggit sa 1 Timoteo 3:6 na: “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT”…ang LAHAT na tinutukoy ay ang LAHAT NG MGA KAANIB NG KANIYANG IGLESIA.

1 Corinto 12:13  “Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan TAYONG LAHAT sa isang KATAWAN, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at TAYONG LAHAT ay pinainom sa isang Espiritu.”

LAHAT ng BINAUTISMUHAN sa ISANG KATAWAN, na ang KATAWAN ay ang IGLESIA:

Colosas 1:18  “AT SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.”

Kaya nga para ang tao ay mapabilang sa mga natubos ng dugo ni Cristo para siya ay maligtas hindi niya maiiwasan na dumaan at pumasok kay Cristo, na ito nga ay ang pagpasok sa kaniyang IGLESIA – ANG IGLESIA NI CRISTO.

Sabi nga ng PASYION ng mga KATOLIKO:

“Sapagkat Pastor kang tunay nitong mundong kabilugan, ANG OBEHANG SINO PA MAN, KUNDI MASOK SA BAKURAN HINDI NGA MASASAKUPAN.”  [Kasaysayan ng Pasyong Mahal ni Hesukristong Panginoon Natin, Copyright 1949 by Ignacio Luna & Sons, page 69]

Maliwanag na maging ang Iglesia Katolika ay may paniniwala din na ang sinomang tao na hindi PAPASOK sa BAKURAN ni CRISTO ay hindi MASASAKUPAN ng KANIYANG PAGTUBOS at PAGLILIGTAS.

Ang BAKURAN ni Cristo ay walang iba kundi ang kaniyang IGLESIA kung saan dapat tayo pumasok, gaya nga ng napatunayan na sa atin ng Biblia.

Nawa ay makatulong sa iyo ang aking naging sagot kaibigan…

Likong paniniwala ng taga ADD sa Juan 1:14-16

Jepoy Talentado said: 
Tatanungin kita ulit anu b ang masama kung Diyos si Cristo na nagkatawang tao? ( juan 1:14-16 ) sumagot ka wag kang tanga, bkit sa tao nyo ipinangalan ang iglesia mo at bkit ndi sa Diyos ? Think wise kung nag iisip kang tanga ka..
 Isang kaanib sa ADD na mahilig ring mag mura [Jepoy Tolentino ]

-----------------------------------------------------------
Sa pananalita palang ng kaanib na taga ADD na si jepoy ay HINDI na pasado sa AMANG DIOS,hehehehe,tsk tsk tsk [Kaya wag gagayahin]

Sa ibinigay mong talata na Juan 1:14-16, maliwanag na ang nais mong ipakahulugan ay isa na naman itong batayan mo para ipanindigan ang mahirap na ipaglabang paniniwala ninyo na si Cristo ay tunay na Dios, o Dios na nagkatawang tao…sa mga talatang iyong ibinigay ay dalawa lang naman ang inyong pinagbabatayan ang nasa Juan 1:14, na sinasabing nagkatawang tao ang Verbo…at ang nasa Juan 1:16 na sinasabing walang taong nakakita sa Dios, ang bugtong na Anak na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kaniya. Sa mga talatang iyan maliwanag na WALA TAYONG MABABASA NA SINABI NA SI JESU-CRISTO AY TUNAY NA DIOS…kahit basahin mo pa ng isang daang beses walang sinasabi sa talata…e saan galing iyon? Sa inyong imahinasyon at mula sa maling pagkaunawa ninyo sa talata.
Unahin nating ipaliwanag ang sinasabi sa Juan 1:14 na mababasa ang ganito:

Juan 1:14  “AT NAGKATAWANG-TAO ANG VERBO, AT TUMAHAN SA GITNA NATIN (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.”

Sa mga katagang NAGKATAWANG-TAO ANG VERBO, dito nalilito at nagkamali ng pagunawa ang mga naniniwala na si Cristo ay Dios…Inakala nila na ang ibig sabihin ng mga katagang ito si Cristo ang Verbo na nagkatawang tao…at dahil sa siya ay Dios, na gaya ng kanilang pagkaunawa sa Juan 1:1, maliwanag aniya na si Cristo ay DIOS NA NAGKATAWANG TAO.  Napatunayan na natin sa nakaraan na ang VERBO ay siyang salita ng Dios at hindi isa pang Dios na bukod sa tunay na Dios na nagsalita nito…

Gaya nang unang paliwanag ko…puntahan natin sa original na wika na ginamit sa Bagong Tipan ang talatang ito…tama ba ang pagkakasalin ng verse na ito…humanda ka nang magulat dahil alam ko hindi mo ito alam…

Basahin natin sa Greek New Testament ang nasabing talata:
Juan 1:14  και ‘ο λογος σαρξ εγενετο και εσκηνωσεν εν ‘ημιν και εθεασαμεθα την δοξαν αυτου δοξαν ‘ως μονογενους παρα πατρος πληρης χαριτος και αληθειας”


Kunin natin ang bahaging ito na sinasabi ng Bibliang tagalog na nagkatawang-tao ang verbo…
Sa Bibliang tagalong ay                “At nagkatawang-tao ang verbo”
Sa Bibliang Greek ay ganito:         και ‘ο λογος σαρξ εγενετο”

Translate natin sa English na word for word:
                                       Και [and]   ο λογος [the word]   σαρξ [flesh]  εγενετο  [made]
Napansin mo ba na sa Greek ang nakalagay    “and the word flesh made”

At ang pinakamalapit na saling English ay ang nasa King James Version na ganito:
                       
John 1:14  And the Word was made flesh,…”  (KJV)

Na dapat sana ay isinalin sa tagalog ng ganito:    “AT ANG SALITA AY GINAWANG LAMAN”

Kaibigan hindi ba maliwanag na pandaraya ang ginawa ng mga nagsipagsalin sa tagalog ng Biblia, palibhasa kamukha ninyong naniniwala na ang Dios ay NAGKATAWANG TAO, kaya pinalitan ang salitang “GINAWANG LAMAN” ng katagang “NAGKATAWANG-TAO” na sa English ay “INCARNATED” kaya nga meron sa English na word na REINCARNATION e, na ang ibig sabihin MULING PAGKAKATAWANG-TAO…kitang-kita daya kaibigan…hindi ba? Kasama ka ng mga nadaya ng mga taong ito na parurusahan pagdating ng araw ng paghuhukom…

Wala kang makikita sa kahit anong Bibliang English na ang nakalagay sa Juan 1:14 ay “AND THE WORD INCARNATED” [Umpisahan mo nang maghanap]…lalong-lalo na ng mga katagang “AND GOD INCARNATED”…hindi ba ganiyan ipinapaliwanag sa English iyan ng mga naniniwalang Dios si Cristo na nagkatawang-tao?

Ang tamang salin ay ganito….    “AT ANG SALITA AY GINAWANG LAMAN”…

Ano ang ibig sabihin ng laman, at sino gumawa na maging laman ang salita?

Gen 6:3  “At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa TAO magpakailan man, sapagka't siya ma'y LAMAN: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.”

Ang tinutukoy ng salitang LAMAN ay TAO…samakatuwid ang ibig sabihin lamang ng talata ay

GUMAWA ANG DIOS NG TAO SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG SALITA…AT ANG TAONG IYON AY SI CRISTO NA TUMAHAN SA GITNA NATIN…

at talaga namang nilikha ng Dios ang tao sa pamamagitan ng kaniyang salita hindi ba? Tutol ka ba diyan? Alam ko pagdating diyan may alam ka na….hehehe

At hindi naman maikakaila na si Cristo ay nilalang ng Dios…gaya ng mababasa sa talatang ito:

Col 1:15  “Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ANG PANGANAY NG LAHAT NG MGA NILALANG;”

O hindi ba napakaliwanag niyan na sinasabi ng Biblia na si Cristo ay isang NILALANG?
At may napansin ka ba sa talata?  Sinabi din na:  SIYA ANG LARAWAN NG DIOS?...
Bakit sino ba ang nilikhang kalarawan ng Dios…ang isa pang Dios o ang Tao?

BASA:
Santiago 3:9  “Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa MGA TAONG GINAWANG AYON SA LARAWAN NG DIOS:”

Ang tao ang nilikha ayon sa larawan ng Dios…at si Cristo ay isang nilalang na ginawa ng Dios na kaniyang larawan…kaya HINDI MO MATUTUTULAN ANG MGA KATOTOHANANG ITO…pinatutunayan pa nga ng Juan 1:14 na hindi Dios ang Panginoong Jesucristo…kundi ginawa siyang TAO ng Dios…
At talaga namang hindi magkakaroon ng Cristo kung hindi siya ginawa ng Dios…eto pruweba:

Act 2:36  “Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na GINAWA NG DIOS NA PANGINOON AT CRISTO ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”

Kita ninyo kung hindi siya ginawang Cristo, e di walang Cristo…nilalang siya ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu Santo, at ipinanganak siya ng isang babae…at kung kaya nagtaglay siya ng iba’t-ibang katangian ay sapagkat ginawa iyon ng Dios sa kaniya…

May mababasa ka ba sa Biblia na GINAWA NG DIOS NA DIOS SI CRISTO? Umpisahan mo nang maghanap ng talata kaibigan…HIHINTAYIN KO IYAN.

E kung hindi paniniwalang Cristiano ang paniniwalang ang DIOS AY NAGKATAWANG TAO…kaninong paniniwala iyan?  May sagot si Apostol Pablo diyan…tiyak hindi mo ito alam…

BASA:
Act 14:11  “At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo, ay nagsigawan sila, na sinasabi sa wikang Licaonia, ANG MGA DIOS AY NAGSIBABA SA ATIN SA ANYO NG MGA TAO.

Act 14:12  “At tinawag nilang Jupiter, si Bernabe; at Mercurio, si Pablo, sapagka't siya ang pangulong tagapagsalita.”

Act 14:13  “At ang saserdote ni Jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan, ay nagdala ng mga baka't mga putong na bulaklak sa mga pintuang-daan, at ibig maghaing kasama ng mga karamihan.”

Act 14:14  “Datapuwa't nang marinig ito ng mga apostol, na si Bernabe at si Pablo, ay hinapak nila ang kanilang mga damit, at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan, na nagsisigaw,”

Act 14:15  “At nagsisipagsabi, MGA GINOO, BAKIT NINYO GINAGAWA ANG MGA BAGAY NA ITO? KAMI'Y MGA TAO RING MAY MGA KARAMDAMANG GAYA NINYO, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang MULA SA MGA BAGAY NA ITONG WALANG KABULUHAN AY MAGSIBALIK KAYO SA DIOS NA BUHAY, na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon:”

OH HAYAN KAIBIGAN NAPAKALIWANAG NA ANG PANINIWALANG ANG DIOS AY NAGKATAWANG TAO O NAGANYONG TAO AT BUMABA SA LUPA AY PANINIWALA NG MGA TAONG PAGANO…iyong mga taong hindi nakikilala kung sino ang Tunay na Dios at maraming Dios na kinikilala, hindi ba ganiyan kayo kasi dalawa Dios niyo…Este tatlo pala kasama nga pala si Ely boy sa Dios ninyo…
Hindi ba sabi niya:
“Ano magagawa sa akin ng tao, e tao lang kayo, kasama ko Dios, PATI AKO DIOS NA RIN EH…”

Ano sabi ni Apostol Pablo… “MULA SA MGA BAGAY NA ITONG WALANG KABULUHAN AY MAGSIBALIK KAYO SA DIOS NA BUHAY”…

Ayon sa kaniya walang kabuluhan ang paniniwalang iyan…kaya kung ako sa iyo iwan mo na iyan at maglingkod ka na sa Tunay na Dios na walang iba kundi ang Ama….kaya nga sabi ni Pablo ganito:

1Co 8:5-6  “Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon; 

“NGUNI'T SA GANANG ATIN AY MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.

Ang tunay na mga Cristiano [kami yun hindi kayo] ang paniniwala ISA LANG ANG DIOS AT WALANG IBA KUNDI ANG AMA…at hindi kung sinu-sino ang kinikilalang Dios…
Tutulan mo ang mga paliwanag kong ito…tsaka tayo dadako sa iba pang talata…gaya ng JUAN 1:16…at natitiyak ko sa iyo…pag ipinaliwanag ko iyan…lalo ka na namang mabibigla…dahil ang mga katotohanang ito na itinuro sa amin ay hindi matutulan ng sinoman…kahit ng INYONG KINIKIKILALANG SUGO NA HINDI MALAMAN KUNG NASAAN….